Quantcast
Channel: Ranger Cabunzky's Blog
Viewing all 195 articles
Browse latest View live

Ang paghubog ng aking "Dugong Mandirigma"

$
0
0


Kasalukuyang nag-retraining sa FSRR headquarters ang aking pinamunuang kumpanya, ang 10th Scout Ranger Company noong  Hunyo 2000 nang ginulantang ako sa sinabi ng aming Regiment Commander na si Col Gabriel 'Bing' Ledesma. 

"Harold, kailangang mag-release ka ng tao pang-replace sa mga casualties natin sa mga companies sa Basilan at Maguindanao". 

Ayaw ko man, kailangan kong sundin. Sino ba naman ang me gusto na mabawasan ang tropa na hinubog mo na bilang fighting unit? Ngunit, alangan naman di ko susundin ang kautusan na layuning palakasing muli ang kakayanan ng mga frontline units na patuloy na nakikipagbakbakan sa mga panahon na iyon. Alangan namang kontrahin ko ang legal orders ng aking boss?

"Yes sir. Piliin ko agad ang ipadala ko na tropa mamaya pagbalik ko sa barracks". 

"Wag kang mag-alala, merong kapalit yan mula sa Army headquarters at nakapagpadala na ako ng request doon," sabi ng aking mabait na Commander. 

Kamot-ulo ngunit sinunod ko agad ang kautusan. Minabuti ko munang kausapin ang aking First Sergeant at ang mga NCOs. 

"Ipinag-uutos sa akin na 20 sa inyo ang ilipat sa mga kumpanya na maraming casualties. Ang requirement ay Scout Ranger Course graduates at merong 2-3yrs na active service," sabi ko sa aking mga tauhan. 

Alam nilang bakbakan ang kanilang puntahan. Alam nila na panibagong adjustment na naman dahil baguhan sila sa yunit na iyon. 

Pagkatapos ng aking pagpaliwanag, pinag-take charge ko si MSg Noel Jerios sa pagpili ng mga papuntahin sa frontlines. 

Kalahati ay mga boluntaryo at ang kalahati ay point system. Si First Sergeant na ang nag-point sino ang malipat base sa requirements na pinag-usapan. 

Di naman nag-tagal, nakumpleto ang listahan ng ililipat sa Mindanao. Ang iba ay excited na sumabak sa bakbakan. Ang iba ay tila hindi alam ang pakiramdam ngunit agad na nag-pack up ng mga gamit. 

"Taimtim na dasal at wag lumabag sa SOPs, mabubuhay kayo. Pairalin lagi ang unit integrity sa kung saang teams o sections kayo mapunta," bilin ko sa kanila. 

Ang problema ko naman, humigit kumulang sa 40 tao na lang natira sa aking kumpanya. Although sa Panay Island ang planong destino namin, batid kong kailangang handa kami sakaling hilain kami papunta ng Mindanao. 

Ang mga kapalit

Pagkatapos ng isang linggo, dumating na ang 20 sundalong kapalit lulan ng M35 truck. Isa ako sa sumalubong sa kanila. 

Nagulantang ako nang madiskubre ko na lahat sila ay non-Rangers! Sila ay mga headquarters boys na panay parada sa Security and Escort Battalion ang karanasan. Sila ay mga sundalong laki sa parada!




"Patay tayo rito," komento ng isang NCO. 

"Baka magtakbuhan ang mga ito sa gyera," sabi ng isa. 

Minabuti kong pawiin ang pag-alala ng aking mga tauhan na humigit kumulang dalawang taon ding nakipagbakbakan sa Basilan noong 1997-1999. 

"Wag kayong mag-alala. Gawan natin ng paraan. Gawin natin silang mandirigma. Baguhin natin ang kanilang mindset."

Sa unang pagkakataon ay hinarap at kinausap ko ang aking mga bagong tauhan. Sa pagmumukha nila ay bakas ang kalungkutan dahil sa biglang pihit ng kapalaran na kung saan ay bakbakan ang mapuntahan. 

"Gentlemen, welcome sa aking yunit. Be proud na mapahanay kayo sa mga dugong mandirigma. Alam kong hindi kayo nakapagsanay ng Scout Ranger ngunit pwede ko kayong gawing isang tunay na mandirigma kung marunong kayong sumunod ng kautusan."

"Kilalanin at respetuhin ang inyong mga NCOs. Kung senior sila sa inyo kahit isang taon lang, tawagin nyo silang Sergeant. Maging loyal kayo sa inyong kinabibilangang teams at lalo nang maging loyal tayo sa ating kumpanya at sa First Scout Ranger Regiment. Sa lahat ng panahon, kilalanin ang principle of chain of command."

Patango-tango lang ang aking mga bagong miyembro sa kumpanya habang naka-stand at attention. 

Tinapos ko ang aking pananalita ng aking mahigpit na babala:

"Sa Scout Rangers, di bale nang mamamatay wag lang mapahiya! Hindi tayo nag-iiwanan sa gyera. Sa tatakbo at talikuran ang mga kasamahan sa bakbakan, isang bala lang kayo sa akin!"


Parada boys

Para maisakatuparan ang mabilisang paghubog sa aking mga bagong tauhan bilang mandirigma, minabuti kong mag-design ng training para sa kanila nang araw din na iyon.

Ipinag-paalam ko sa aking Commander ang aking planong mag-sagawa ng training para sa mga bagong saltang sundalo.

"Gusto kong umuwing buhay ang mga tropa sir. Kailangang ma-integrate ko silang mabuti sa aking yunit para mapanatili ang aming confidence," sabi ko sa kanya.

Nang pinayagan na ako ng aking boss, sinama ko ang aking First Sergeant at mga NCOs para kausapin ang mga parada boys.

"Gentlemen, alam namin ang iba sa inyo ay senior na. Nakatapos na kayo ng Basic Military Training ngunit hindi ito sapat para maging handa kayong isabak kayo sa actual combat missions. Dahil dito, dadaanan nyo ang training ng mga dugong mandirigma. Simula ngayon, kalimutan nyo ang inyong ranggo!"

"Bibigyan ko kayo hanggang 5pm para baguhin ang inyon hitsura. Gusto ko ay di hindi kayo nasasabunutan. Isang dakot na buhok ang matira sa tuktok, go!"

Dugong mandirigma

Para back to zero ang pagdevelop sa attitude ng mga baguhan, pinapadaanan ko sa kanila ang tunay na basic training.

Back to square meals. Merong Scout Ranger unit orientations para makilala nila ang mga kultura at tradisyon ng yunit.

Pinapakilala namin ang mga dugong mandirigma at mga bayani sa yunit. Pinapaalala namin ang mga role models ng NCOs sa kagalingan sa pamumuno ng mga tauhan.

Ipinadanas namin sa training ang hirap ng buhay sundalo na itinatalaga sa bundok. Umaabot ng 10-20k ang takbuhan. Lagi namin sila pinupuyat sa mga training missions. Laging pinapatakbo kung tinatawag. Bawal ang mag-relax dahil patay lang ang nag-rerelax.

Tinuruan din namin sila nag Scout Ranger tactics at mga skills saka techniques. Andyan ang pag-aaral paano magsagawa ng direct action missions kagaya ng raid at ambush.



Sa pagtudla, dapat nakakatama ng man-size target sa 250m gamit ang  issue na M16 Rifle at M14 Rifle.

Sa quick fire ay dapat nakakatama gamit ang controlled pair shooting technique sa layong 5 metro hanggang 25 metro.

Pinadanas ko sa kanila ang Machine Gun employment at shooting techniques at ang team/section attack with fires. Tinuruan ko rin sila sa call for fire procedures para magawang i-giya ang mga kanyonero para mapatamaan ang mga bandido.

Paulit-ulit kong pinag-Land Navigation sa mga sulok-sulok ng baranggay Sibul at Tartaro sa bayan ng San Miguel.

Pinatutulog ko sila sa kasukalan malapit sa Mt Mabio para matikman ang kagat ng lamok at niknik. Pinadanas ko sa kanila ang mag-patrol ng malayo at kapiranggot lang ang pagkain. Sinanay ko sila sa buhay na mahirap.



Pinahahagingan ko sila ng bala sa Counter-sniper training. Wala namang aksidenteng natamaan.

Natuto rin sila ng patrol base operations, link up operations at Immediate Action Drills. Paulit-ulit silang nauulanan at naiinitan.

Ang ginawa naming pamantayan ay "Go" at 'No Go". Kung palpak ang performance, tinuturuan uli at pinapaulit. Kung maayos ang performance, "Go" agad. Wala nang tikalan na grading system.

Sa madaling salita, halos nadaanan nila ang mga training activities na ibinibigay sa mga Scout Rangers.

Nang matapos ang kanilang 1 month- training, buto't balat sila at maiitim dahil sa kabibilad sa araw. Nag-bago ang anyo at pati ang kanilang attitude.

Sa Commander's time, paulit-ulit ko silang pinaalalahanan:

"I don't care kung wala kayong suot na Ranger tab. I don't care kung hindi kayo tunay na Musang. Ang importante sa akin ay ang inyong attitude. Dapat ugali kayong Musang. Bawal ang negatibo. Bawal ang nerbyoso. Bawal ang tuso sa kasamahan. Sa gyera, bawal ang tumakbo!"

Pinaparamdam ko sa kanila na ibinibilang ko sila sa hanay ng aking mga warriors kahit pa man wala pa silang karanasan sa pakikidigma.

"Marami dyan na nakasuot ng tabak ng Musang pero panay porma lang sa garrison. Wala sa tabak yan, nasa puso ang pagiging mandirigma!"

Base sa kanilang performance sa training at sa evaluation ng mga NCOs, naging kampante ako sa kanila ngunit me doubts pa rin sa aking isipan dahil iba ang real-world battle scenario.

Ganon pa man inihanda ko ang aking sarili na makasama ang aking hinubog na DUGONG MANDIRIGMA.

Nang isinakay na kami ng C130 papunta sa Sulu noong Setyembre 16, 2000, alam ko na doon na magkaka-alaman.

Kung papalpak ako sa battlefield, isa rin ako sa me kasalanan. 












Ang paghahanda sa field assignment

$
0
0

 
Ang mga dugong mandirigma kasama ang mga parada boys na aming hinubog bilang warriors sa shortened version ng Scout Ranger Orientation Course. Lahat sila ay umuwing buhay sa kanilang mga mahal  sa buhay pagkatapos ng napakaraming mga bakbakan na aming inabot sa Sulu at Basilan simula Setyembre 2000-Mayo 2002.

 
Maliban sa kaalaman ng iba, hindi lamang sa paghahasa ng soldiery skills ang inaatupag ng mga opisyal ng Scout Ranger Company habang ito ay nag-retraining.
 
Kasama sa pinagkakaabalahan naming ay ang pag-saayos ng administrative requirements para magampanan naming ang aming mga tungkulin.
 
Sabihin na lang natin na bilang Company Commander, para rin akong isang Manager ng isang business firm o kaya parang Barangay Captain.
 
Owwwwws, talaga? Baka magtaas ka ng kilay.
 
Hey, man we are not just 'skill patay'. We are both leaders and managers. Yessssssss. We lead people to combat. We manage their day to day lives.
 
Ganito yon. Ang aming pinamumunuan ay mga human beings as in mga nilalang na me pakiramdam.

Sila rin ay nagkakasakit, napapagod, nalulungkot at natutuwa. Hindi sila robot.
 
Kaya, kailangang magaling din kami sa management. "Hmmmmm. Bola".
 
Ganito yon uli. Ang mga Scout Rangers ay hinuhubog namin bilang mandirigma pero kailangang kinakalinga rin namin ang kanilang morale and welfare.
 
Maliban pa don, inaatupag din namin ang mga material resources ng aming yunit. Andyan ang completeness ng mga supply kagaya ng armas, bala, office equipment, at kung anu-ano pa.
 
Gumagawa rin kami ng admin tasks kagaya ng recurring reports, battle reports, promotion board, investigation board at supply inventory. Remember, English ang ginagamit ha. Baka akala mo Taglish kagaya ng blog na ito!
 
Tinitingnan din namin kung well-maintained at maayos ang andar ng aming mga sasakyan, kung nagagamit ng maayos ang POL (petroleum, oil and lubricants), at ang pag-gamit ng kuryente at tubig.
 
Pati ang pag-gamit ng computer para sa aming administrative functions ay itinuro ko sa aking mga staff NCOs. Mahirap atang ako na lang gagawa sa lahat dahil mas gamay nila ang type writer! 
 
 
 
 
Show window
 
Kasama sa aking requirement sa aking yunit ay ang pag-require sa sundalo na maging show-window ng yunit. Dapat karespe-respeto sila.
 
Para sa akin, ang sundalo ay dapat maayos ang hitsura at hindi mukhang Abu Sayyaf ang porma. Ayaw ko yong pa-cute na nagpapahaba ng buhok, ayaw mag-shave, at binabalasubas ang uniporme.
 
Gusto ko na sila ay disiplinado yung tipong hindi abusado na nanunutok ng baril at nakikipagsuntukan sa inuman.
 
Naniniwala kasi ako na ang mga bandido lang ang dapat matakot sa sundalo. Ang sibilyan ay dapat pumapalakpak sa tuwa kapag merong sundalo na tagapagtanggol sa kanila.
 
Hindi naman sa galit ako sa manginginom, ngunit hindi ko ito ini-encourage. Dami na kasing mababait na nagkalat kapag nakainom.
 
Merong nambabastos ng babae, nang-aaway at nag-sasayaw na ala-macho dancer sa publiko. Yuck! Kadiring sundalo di ba?
 
Dahil dyan, malinaw ang aking direktiba. Walang uminom kapag duty. Walang uminom kung walang rason (Hey, birthday mo ba?). Walang uminom kapag walang NCO na mag-supervise. Walang mag-maoy. Walang magkalat sa pinag-inuman. Walang humawak ng baril lalo na magpaputok kasi ipa-discharge ko agad. Grrrrr! Madali lang akong kausap di ba?
 
 
Commander's vehicle
 
Ang paboritong issue na vehicle ng mga punong mandirigma noong araw sa FSRR ay ang 1/4 ton M151 Kennedy Type Jeep. Maganda ito dahil 4x4 at pwede pang-off road. Ang problema, me kalumaan na. Tira-tira ito ng mga Kano. Nasa 'manager' na lang talagan kung magaling itong mag-maintain. At kung hindi ito barat sa maintenance then kung hindi balasubas magmaneho ang mga drivers nya.
 
Nang ako ay umupo bilang Commander noong Marso 6, 2000 inabutan ko ang Kennedy na me tapal-tapal ang flooring. Nilagyan ito ng tabla. Whaaaaaat? Yes. Tabla. Kinulayan din ng itim para di halata. he he he
 
Gula-gulanit na ang hitsura at tila mahihiya akong sumakay dahil sa andar pa lang, tila dinosaur na nabilaokan sa nilamon na buwaya. Baka minsan eh Cadillac pa. What? Yes, kadilakad ang abutin kapag tumirik. Grrrrr!
 
Kinantyawan ko ang aming Driver na si Sgt Virtudez na taga Pagadian.
 
"Sanamagan, ayaw ko yang sakyan! Baka biglang tumimbuwang yan. Baka ma-tetano ako dyan. Mukhang dyan pa ako mapunta sa libingan!"
 
Di ako papayag na kakaawa at kakahiya ang hitsura ng aking sasakyan. Isinaludo ko ito sa aking mga boss hanggang sa Headquarters Philippine Army.
 
"Sir, pupunta ako sa gyera. Kakahiya ang aking sasakyan. Mas dadami ang aking accomplishments kapag maayos ang aking transport pang marketing, troop insertion at iba pa".
 
Aba, maliban sa bagong makina at mga gulong ng aking Kennedy, nabigyan pa ako ng bagong M35 truck sa unang pagkakataon.
 
Inilaan ko ang pondo para ito ay maayos from top to bottom. Bagong makina, inayos lahat ng parte ng Kennedy pati ang pintura. Siguro proud sa akin si Jack Kennedy na kapangalan nya.
 
Pagkatapos ng humigit kumulang sa isang buwan na pag-trabaho, djaraaaaaaaaaaaan! Ang aking sasakyan ang pinakamaganda. Me bonus pa. Nilagyan ko ng sounds baby! Jologs kasi kami kapag nasa kabihasnan. Di kaya pwedeng mag-sounds pag nasa gubat!
 
Financial literacy
 
Noon pa man ay gusto ko na makakatipid ang sundalo sa mga basic commodities. Laging nagkakagulo sa management ng coop store at nagsisihihan kaya binuwag ng naunang namuno sa akin.
 
Ibinalik ko ito at sinigurado na ito ay service-oriented at hindi nakafocus sa profit. Lahat ay miyembro. Dapat mas mura sa mga tindahan sa paligid ng kampo.
 
Para maliwanag ang kitaan ng investment, naka-post lagi ang in and out ng aming pera sa coop. Transparency and accountability. Magaling ang aking mga financial managers kagaya ni Sgt Greg Manzolim at Cpl Mauro 'Jojo' Casimiro. Mapagkatiwalaan at hindi balasubas.
 
Samantala, ang lahat ng Private na ranggo ay 'sapilitan' o required o under orders sa akin na magtabi sa kanilang AFPSLAI account ng di bababa sa P3,000 monthly savings. Hawak ng First Sergeant ang passbook at hindi pwedeng kunin unless emergency. Pwedeng sila na magtago ng passbook kung maging Private First Class na sila after one year of active service. Diktador? Yes, kailangan. Ganyan ang Financial Literacy 101 sa military. Di ko naman sinarili pera nila. Sa kanila yon. Me reklamo? Nooooo seeeer! Wala daw eh. Yon narinig ko sa mga Privates nang tinanong namin ni First Sergeant.
 
Di rin ako basta-basta pumipirma sa loan. Inis ako sa London (loan dito, loan don) na walang klarong patutunguhan. Ang iba inuuna pa ang appliances kaysa pagtabi ng pera pang tuition at pang gamut pag nagkakasakit. Laging loan ang solution. Pinaliwanag ko na dapat savings ang inaatupag at tumulong ang misis na maghanap-buhay kung pwede naman.
 
Para bumaba pa lalo ang gastos, nagpa-garden ako ng gulay at me alaga kaming pato sa kampo. Sa Basilan ay pinalitan namin ng gulay ang mga damong taguan ng Cobra. Instead na bilhin pa namin yon, mamimitas na lang sa kanya-kanyang garden para mag-pinakbet si Lakay Msg Abubo na tubong Pangasinan. 
 
Leadership
 
Malaki ang pamumuhunan ko sa aking mga unit leaders. Binibigyan ko sila ng responsibilidad. Sila ang nagpapatakbo sa yunit. Ako lang ang Direktor. Ayaw ko na tipong pakialaman pa ang mga bagay na ginagawa ng mga unit leaders (Teams/ Sections).
 
Kapag me pumalpak na tao, ito ang tanong ko: "Sino ang Team Leader?" Hindi ko direktang pagsabihan o pagalitan yong tao kundi yong Team Leader.
 
Para maging cohesive sila bilang team, parating merong Team activities maliban sa training missions. Merong takbuhan by team, best-best sa inspection by team, best-best sa pag-parada, at pati best-best sa paglinis ng area.
 
Syempre, lahat mga beterano sa gyera ang aking mga Team Leaders at sila ay lagi kong kinakausap tungkol sa kanilang mabigat na responsibilidad.
 
"Kung palpak ang team nyo, walang sisihin kundi kayo dahil kayo ang lider. Kung palpak ang ating kumpanya, walang sisihin kundi ako dahil ako ang Company Commander".
 
Ipinamumukha ko sa kanila na ang iniuutos ko sa kanila ay aking ginagawa.
 
Ipinakita ko sa kanila ang tunay na transparency at accountability sa aming unit fund. Galit  ako sa kurakot na tila ginagawang gatasan ang posisyon.
 
"Open book ang ating kapiranggot na pondo. Mag-open tayo ng LBP bank account at ito ay nakapangalan sa tatlo: kay EX-O, Kay First Sergeant Jerios at kay Sgt Manzolim. Ang cashbook ay pwedeng usisahin ng kahit sino. Ang approval ng malakihang gastos ay dapat aprubado ko."
 
Sinigurado ko ring open ang lahat na magdulog ng problema sa pamamagitan ng chain of command. Gawan ng paraan ng Team Leaders at kung di kaya ay elevate nila sa akin. Alangan naman pati sa nahilaw na kanin ako pa ang mag-solve di ba? Hellooooow!
 
"Kung me reklamo pa kayo, ewan ko na lang sa inyo. Ang para sa inyo ay para sa inyo kaya gawin nyo rin ang para sa ating yunit. Kung magdulog ng problema, magbitbit din kayo ng solusyon!".
 
Binigyan ko rin sila ng pagkakataong mangarap kagaya ng aking pinapangarap.
 
"Lahat ng pinuntahan kong Company ay naging Best Company maging sa Admin o Operations kagaya ng 7th SRC at 12th SRC. Ang ating kumpanya ay hindi pa nakasungkit ng Best Company Streamer. Ito na ang ating pagkakataon na umangat at ipakita ang ating kagalingan bilang yunit. Di ko ito magagawa kung ako lang."
 
Tinapos ko ang aking pag-share ng panaginip sa isang tanong:
 
"Sino ba sa inyo ang gusto na tayo ang tatanghaling Best Company at masasabitan ng streamer ng Commanding General ng Philippine Army?"
 
Lahat sa mga present ay nagtaas ng kamay. Iyon ang unang hakbang para sa pag-abot namin ng tagumpay.
 
Dala ang aking mga parada boys, handa na kami sa tunay na mga challenges sa field.
 
 
 
 
 
 
 

Army soldiers kill 8 NPA bandits in Sorsogon

$
0
0
SUNRISE IN SORSOGON. In this file photo taken in 2010, the sun rises over Sorsogon Province. Mt Bulusan, an active volcano, dominates the landscape in the background. Juban town is located on the left side of the volcano. (Photo by Lt Col Harold M Cabunoc)

 
 
JUBAN, Sorsogon-- Eight NPA bandits were killed by operating troops belonging to the Army's 31st Infantry Battalion  at 6:00am today, a military official said.

Colonel Joey Kakilala, the Commander of the 903rd Infantry Brigade which has jurisdiction over the provinces of Sorsogon and Masbate, said that the clash broke out in Calmayon village here between a platoon of soldiers and at least 20 heavily-armed bandits.

Kakilala said that the heavy exchange of fires lasted for at least half an hour after which the beleaguered members of the bandit group dispersed and ran away from the scene of the firefight.
 
Among the fatalities were two female members of the bandit group. The soldiers have brought the dead bandits to the village center for identification and turn over to their relatives.
 
Not anyone among the operating troops led by 2nd Lt Ayo was harmed in the encounter.
 
The troops confiscated seven high-powered firearms including three (3) M653 Rifles (Baby Armalite), 2 M16 Rifles and two 40mm M203 Grenade Launchers. An improvised bomb was also seized by the soldiers from the fleeing bandits.
 
Kakilala had expressed his gratitude to the people who pinpointed the location of the bandit group who is responsible for the extortion activities and attack against unarmed members of the military in the area.
 
"We do not rejoice over the deaths of these kababayans but we have to perform our mandate of protecting the people from these criminal groups. I call on the remnants of the bandit group to consider laying down their arms and abandon the use of armed violence. We can help each other pursue our advocacies," Kakilala said.
 
It can be recalled that 8 bandits were also killed by Scout Rangers in Pilar town here on September 2009.
 
It was followed by the death of 3 bandits and the recovery of 7 firearms in February 2010.
 
 

Five soldiers die fighting for peace in the Moroland

$
0
0


WHILE PEACE negotiators are finalizing the annexes of the so-called Framework Agreement on the Bangsamoro, the preliminary peace agreement that was signed in Malacanan Palace in October 2012, the so-called 'spoilers' of the peace process waged a series of attacks against government troops in Central Mindanao on Saturday (July 6).

The first attack was carried out by heavily armed men against the troops of the 2nd Mechanized Infantry Battalion which is stationed in Sito Dam, Bgy Damalabas, Datu Piang, Maguindanao at 10:40am, killing one soldier.

At around 11:10am, troops of  the 5th Special Forces Battalion were fired upon by heavily armed men in  Sitio Mapangkaya, Bgy Paidu, Pulangui Pikit, North Cotabato, triggering an intense firefight. One soldier was killed while another one was injured in the said incident.

Later in the day, another group of armed perpetrators attacked the troops of the 68th Infantry Battalion stationed in Bgy Bakat, Shariff Saydona, Mustapha, Maguindanao. Three soldiers including  a young officer were killed while two others were wounded in the clash. 

Committed to the peace process

Despite the recent attacks, the AFP remains committed in supporting the peace process which is believed as the only way to end all armed conflicts in Muslim Mindanao. 

I myself had participated in the military operations there in the late 90s but the end was nowhere in sight! We may had flushed the 'enemies of the state' out of the communities that they attacked during that time but the 'Moro problem' has remained. 

It is the reason why the soldiers are among those who fully supported the primacy of the peace process. Sa dami ng namatay sa amin at pati sa mas marami pang nalagas sa kabilang panig, di rin natapos ang patayan kasi hindi natugunan ang pinakaugat ng problema ng mga Moro. 

That is why we want to make the Framework Agreement that calls for the creation of an autonomous political entity called 'Bangsamoro', work. We will support the government to make it a success story. 

Spoilers of the peace process

I strongly believe that majority of our Muslim brothers in Central Mindanao are yearning for lasting peace in their land. Sino ba naman kasi me gusto ng tuloy-tuloy na patayan at pagkakaroon ng pamilyang mag-bakwet (evacuate)? 

However, despite the fact that the largest armed group, the Moro Islamic Liberation Front, had officially 'silenced' their guns, several clashes among clans and sub-groups occurred. 

We must not neglect the fact that there is a bed-ridden old man named Umbra Kato who has loyal fans following his evil orders. He is a former MILF commander who made a name for himself by carrying out sporadic attacks against government forces in 2012 , triggering the focused-military operations against his armed followers.



In many cases, feuding clans also carry out violent attacks against each other. Muslim brothers against Muslim brothers, settling clan disputes through warfare. It should be noted that there were several cases where the military, through the help of the local government leaders and MILF leaders, were able to end bloody confrontations among these warring clans, such as the case of the 40th Infantry Battalion.

And, we also have armed followers of warlords who used to (and will always want to) dominate the political arena, enlisting the help of either MILF or MNLF members who are their relatives. This scenario brings more confusion to the scene. It is very hard to distinguish 'who is who' in the middle of an intense firefight!

I am hopeful that everyone  is enlightened about this sad reality. Kung alam natin ang katotohanan, alam din natin paano solusyonan kasi kung hindi, walang humpay ang patayan.

PMAers lang ba ang magaling sa AFP?

$
0
0
Marami ang nagpapalabas ng istorya na ang dominated daw ng mga PMA graduates ang Armed Forces of the Philippines. 

Halos lahat daw ng namumuno sa AFP (at pati sa PNP) ay mga PMA graduates. Totoo yon. Majority ng mga nahirang sa liderato ng AFP ay mga PMA graduates except din sa iilan na magagaling at nabigyan ng pagkakataon na mamuno. Ang ibig sabihin ba nito ay PMAers lang ang magaling?

Ayon sa mga news articles na lumalabas, me naghihinanakit diumano na hindi raw 'napagbibigyan' na mamuno ang mga non-PMAers kagaya ng mga nagtapos sa Officer Candidate School, Officer Preparatory Course at yong nanggaling sa ROTC. Hindi ako sang-ayon sa sinabi na yon. Ang pipiliin dapat ay ang pinakamagaling at mapagkatiwalaan na opisyal. Hindi pwede ang sistemang 'pagbigyan'

Kung meron kasing nagsasabi na mas magaling si Juan dela Cruz na non-PMAer, dapat itong suriin. Baka naman sya lang nakakaalam na magaling pala sya? Meron namang tinatawag na 360-degree feedback. Tanungin ang lahat ng taong nakasama nya (pati enlisted personnel) at halungkatin ang records nya. Kung totoong mas magaling, so be it. Dapat nga syang marekomenda sa angkop na posisyon o ano mang career advancement steps.

Sa mga nagyayabang na magaling dahil PMAer sila, hindi tama yon. Maaaring lamang sa napag-aralang mga theories at practices sa military leadership ang nag-aral ng apat na taon sa Philippine Military Academy, ngunit nasa attitude ng bawat opisyal mag-matter kung magiging magaling siya sa serbisyo. 

Marami na rin akong nakasamang mga PMAers na tinatalo ang performance sa mga non-PMAers. Hanggang yabang na lang sila na sa pinaka-prestigious military institution sila nagtapos ngunit mga balasubas sila magtrabaho at hindi pang-PMAer ang inaasal. 

In general, bilib ako sa mga opisyal na taos-puso kung magserbisyo at hindi pangsarili lamang ang hinahangad. I don't care kung PMAer sya o hindi basta matino at maayos magtrabaho. Gusto kong makatrabaho ang mga opisyal na asset ang kagalingan at katinuan na napapakinabangan ng organisasyon, at hindi yong laging nag-iisip kung ano ang 'para sa kanya'. 

Performance rating

Para sa akin, ang isa sa paraan upang umangat sa leadership positions ang mga matitino at magagaling na opisyal, dapat seryosohin ang performance rating system. Hindi ito kinakamas-kamas. Hindi ito pinipikitan dahil malaki itong responsibilidad.

Ang isang halimbawa na lang dito ay ang Officer Evaluation Report (OER). Me iba akong kilala na leaders na tinatamad gawin ito. Sa iba, parang utang na loob mo pa na gawin nya ito para sayo kung ikaw ay isang opisyal o subordinate na naninilbihan sa kanya. Nasubukan ko nang tipong mag-makaawa na i-rate ng isang senior officer dahil for promotion na ako. Deadma lang. Di ko sya makalimutan.

Ang OER ay isang tool upang mahubog ang leadership ability at performance ng bawat sundalo. Para sa mga nagri-rate na mga officers, pagkakataon nilang mabigyan ng gabay ang mga subordinates sa kanyang opisina o yunit. Sa pamamagitan nito, nabibigyan nya ng pagkakataon ang subordinate na i-improve ang sarili kung merong pagkukulang dahil responsibilidad ng rating officer na i-counsel ang kanyang tauhan. 

Dahil ito ay isang tool para maiangat ang antas ng performance ng bawat sundalo, ginagawa ito periodically like every 6 months. Responsibilidad ito ng lider. Hindi pwedeng iba ang magsulat ng rating at pirmahan na lang nya. That is sanamagan! 

Sa ibang abusadong lider, ginagawa rin itong tool para takutin at pag-initan ang tauhan na hindi nya type. Binabagsak nya sa rating kaya hindi  ma-promote at hindi makapag-schooling. Ito ay maling-mali at isang abuse of power ng mga ungas na opisyal. Pwede itong ireklamo!

Lingid sa kaalaman ng marami, me nakasaad sa ilalim ng OER na komento ng ni-rate na opisyal kung payag ba sya sa rating na ibinigay sa kanya, at kung nag-counselling ba ang nag-rate sa kanya na superior. 

Halimbawa, kung ako ay tinigok sa leadership at sinulatan ng kasinungalingang mga paratang para matimbog, pwede ko itong ireklamo. Ilagay ko na "I don't agree with the rating officer". Ito ay ayon sa polisiya. 

At......kung talagang 'no go' talaga ang ni-rate ay dapat ilagay talaga ang katotohanan. Isalang kaagad sa attrition kung sya ay incorrigible.

 Para sa akin, hindi pwede ang 'awa-awa' system kung tipong ang mag-suffer ay ang organisasyon kapag manatili ang isang sundalo/opisyal sa AFP na tipong wala namang "K" na mag-stay dahil balasubas ito. Naayon ito sa principle na "Retain only the best and the brightest". Mahirap atang merong umangat sa mataas na posisyon tapos balasubas pala. Mas marami ang apektado!

It should be emphasized na walang tinitingnan na source of commission kung mag-rate ng subordinate. Walang pabor-pabor. Walang 'bata-bata'. Walang 'mistah-mistah'. Walang 'bro-bro' system. Walang 'kabayan' system. Ganyan ang professional military officer.

Ang karugtong nyan, ito dapat ang basehan para sa promotions at designations sa AFP. Hindi na tinitingnan ang source of commision. Hindi tinitingnan kung magaling itong mag-aral at laging Dean's List sa school. Hindi tinitingnan kung sino ang kadikit na pulitiko.

Ang dapat titingnan ay ang kagaya ng OER simula sa pagka-tenyente. Titingnan diing mabuti kung meron  syang accomplishments. Titingnan din kung ito ay matino at mapagkatiwalaan based sa feedbacks mula sa superiors, peers at subordinates.  

Makikita dapat  yong sino ang mga kupal o kurakot based sa service reputation. Makikita kung sino ang maraming kaso o ginawang kabulastugan noong kabataan nila. Makikita kung sino ang inaamag ang paa sa airconditioned rooms sa garrison ang mga past assignments.

Iyan lang ang paraan para pantay-pantay ang lahat. Walang maghinanakit dahil hindi 'napagbigyan'. Walang mabigyan ng posisyon na 'kung sino-sino na lang'. Walang magkomento na 'snappy-shabby, same salary'. Walang mag-sabi na 'second-class citizens' lang sila na mga opisyal. Walang magyayabang na magaling sila simply because they are PMAers.

At, sa mga kagaya kong nagtapos sa the best military school in the Philippines, dapat namin itong panindigan at hindi makiki-ride on lang sa kagalingan ng mga nauunang mga seniors na nagpatingkad sa pangalan ng Philippine Military Academy. 

Sa lahat ng panahon dapat ipakita namin ang kagalingan at katinuan ayon sa itinuro ng aming institution na nagmatigasan na sundin namin ang prinsipyong: COURAGE, INTEGRITY and LOYALTY.

Kung merong naging magaling sa amin na galing sa ibang source of commissionship, bukang-loob din dapat  na ito ay aming tatanggapin.














Police marksmen kill kidnappers in Davao City

$
0
0

 
DAVAO CITY- Three members of a kidnap for ransom group were killed in a shootout with members of the local police here at 12:30pm yesterday.
 
Acting on a tip-off, a crack team of police marksmen led by Senior Superintendent Ronald 'Bato' Dela Rosa, positioned themselves in strategic locations inside the Allied Bank premises in C.M. Recto St. here, as the convoy of vehicles carrying the kidnap victim Sally Chua and her abductors approached.
 
The kidnappers were about to facilitate the withdrawal of P15,000,000.00 from the account of the victim when they were surprised to see the policemen.
 
Instead of raising the arms to surrender, the suspects traded fires with the police. Outgunned, three of the suspects were killed instantaneously while another one was captured.
 
The two other vehicles fled the scene, leaving behind their companions and the kidnap victim who was not harmed.
 
Chua was abducted by the suspects in Quezon City but was brought here by the suspects a few days ago.
 
A member of the Philippine Military Class of 1986, Dela Rosa is one of the finest marksmen in the Philippine National Police.
 
He was also cited for acts of heroism during the bungled attempt by a Malaysian terrorist to detonate a bomb in downtown here several months back, resulting to the killing of the terrorist.
 
 

Navy specops troopers seize high-powered firearms from NPA bandits

$
0
0






PUERTO PRINCESA CITY--Crack teams from the Philippine Navy captured 3 NPA bandits and seize high-powered firearms in an early morning raid today.

Receiving a tip-off from concerned residents, members of the elite Navy Seals stealthily carried out the attack against the bandits led by Dionisio Almonte a.k.a. Maeng and 4 other cohorts in South Naonao, Port Barton, San Vicente town, Palawan at around 7:00 am.

The troops were able to surprise the unsuspecting bandits, forcing the latter to surrender without a fight. 

They were able to seize a Cal. 50 Barrett Sniper Rifle and a Cal .50 Heavy Machinegun, as well as 2 drums containing improvised bombs. 

Another group of Marine troopers reinforced the Navy Seals and helped in scouring the place for hidden weapons. 

At around noon, the troops unearthed an arms cache containing assorted weapons and explosives. 

They were able to confiscate 5 high-powered firearms and 9 low-powered firearms from the bandits. 

The bandits were believed responsible for the recent attacks against policemen and local traders in the province.

Albay clash leaves 2 NPA bandits dead

$
0
0

 
 
 
OAS, Albay-  Two members of the NPA bandit group were killed after engaging Army soldiers here early morning today.
 
Lt Col Andrew Costelo, the Commanding Officer of the 2nd Infantry Battalion said that the clash occurred at around 6:0am in the upland village of Badbad.
 
He said that he sent a team led by 1st Lt Rogelio Velano after receiving a 'hot info' from concerned residents about the presence of heavily-armed bandits who were collecting money and foodstuffs from them.
 
"The soldiers were approaching the reported location of the NPA bandits in the outskirts of the village. Sensing the presence of my soldiers, the bandits promptly engaged the soldiers in a firefight," said Costelo.
 
"The soldiers retaliated and outflanked the rebels using selective fires, hitting them one by one. The bandits retreated to the bushes, bringing along their casualties."
 
Costelo also said that Vilano and his men chased the bandits until they dispersed to save themselves from the advancing troops.
 
They later found two of the dead bandits still holding their respective M16 Assault Rifles.

The dead bandits were identified by the civilian residents as a certain Dennis and Peter.
 
"Ka Dennis is the leader of the bandits who extorted us from time to time," said one angry resident who refused to be identified for fear of reprisal.
 
It can be recalled that high-ranking members of the bandit group perished in the clash against government forces in Juban town, Sorsogon last week.
 
Col Joselito 'Joey' Kakilala, the Commander of the Army's 903rd Brigade based in Castilla town, Sorsogon said that his unit is regularly receiving tip-offs about the bandits' activities.
 
"Our text hotline is working and we are showing the people that the Army is always ready to defend them against these NPA extortionists. We are closely coordinating with the local police to arrest these criminals and bring them to justice," said Kakilala.

 

My US Visa experience

$
0
0
While participating in the International Volunteers Leadership Program (IVLP) in November 2012, I visited Washington DC  using the 10-year visa that was granted to me in 2009. I love the scenic spots there but I love the Philippines more. (Photo by Elena Aben)


Kung hindi ako nagsundalo, sa palagay ko hindi rin ako nakapunta sa United States of America, ang lugar ni Superman at Wonder Woman na pinapanood ko noong aking kabataan. 

The first time I set foot in this land was in 2004 when I was sent by the Armed Forces of the Philippines to attend a military training in the US Infantry School in Fort Benning, Georgia. 

I had no problems with the visa application during that time. They were all arranged by people in JUSMAG. Nagsulat lang ako sa form, dala ang passport at Travel Authority mula sa Department of National Defense, at sila na mismo ang nagsama sa akin para mabigyan ng B1/B2 Visa. No long queues. No kulitan interviews. Easy? Yes, very easy if your travel is sponsored by the US government. Eh kasi naman tsong, dumaan na rin sa screening process sa AFP ang mga candidates para sa foreign schooling.

Nang nagbalik ako sa US noong 2007 para suriin ang nabili ng AFP na night-fighting equipment sa supplier nito sa Arizona, halos ganon din ang procedures. Easy lang kagaya noong una kong apply kasi katuwang ng AFP liaison officers ang JUSMAG officers para sa pag-apruba ng aming travel.

Kaya lang, me problema. We were granted short duration non-immigrant visas. Pinagkasya lang yong mga araw na nakalagay sa itinerary. I always made sure that I return to the Philippines as scheduled and within the allowed time frame. 

Kung sakaling gustuhin kong mag-travel uli para mag-gallivanting sa US kasama ang pamilya, hindi na pwede ang aking dating mga visa. 


My US visa application

Pagkatapos ng aking paninilbihan bilang UN Military Observer sa Sudan noong 2009, minabuti kong mag-apply ng visa muli kasama ang aking asawa at anak. 

Dahil bakasyon ang aming purpose, sariling sikap na ang lahat. No more AFP liaison officers. No more JUSMAG friends. I did it on my own. 

Ito yong mga steps na aking ginawa:

1. Nag-apply kami online ng non-immigrant visa (NIV) sa US Embassy Manila website;

2. Nagbayad kami ng visa fees online gamit ang credit card at print namin ang resibo;

3. Tumawag sa US embassy hotline (02) 982-5555 para magpa-sked ng visa interview.

I read the instructions about the visa interview procedures. Inaral ko yong pwedeng itanong. Inihanda ko yong mga dokumento na pwedeng hanapin kagaya ng sumusunod:

1. Appointment as a Major of the AFP (Promotion Order);

2. NSO-certified  birth certificates naming tatlo at ang Marriage Certificate;

3. Latest income tax return;

4. Statement of Assets and Liabilities;

5. Bank books para maipakita ang kapiranggot na kayamanan kuno.

6. Government-issued IDs;

7. Lahat na dokumentong nakasaad sa Visa Interview (i-click ang link para makita) kagaya ng Confirmation Letter at yong US Visa application form mismo.


Syempre, tiningnan ko rin ang mga do's and don'ts kapag nagpapa-interview ng US visa. Nagtatanong din ako sa mga kaibigan para sa tips:

1. Outfit. Bawal ang hitsurang bandido o yong tipong 'detachment mentality'. Dapat presentable. Mas maigi raw naka-coat and tie. What? Kinakati katawan ko sa Americana ah. Sanay ako sa Battle Dress Attire!

2. Electronic equipment. Bawal dalhin ang kahit anong uri ng electronic equipment. Bawal ang cellphones, I-pad, USB at kung anu-ano pa basta 'electronic gadgets'. Gets mo ba?

3. Truthfulness. Ika nga, 'say nothing but the truth'. Wag mambola. Wag evading sa mga tanong. Dapat maging totoo dahil dyan ka mabulilyaso!

4. Discipline. Wag pakalat-kalat sa loob ng embassy grounds. Sumunod sa instructions. Wag magtapon ng kahit ano. Wag maingay na tila palengkera. In short and simple language, wag kang pasaway!


Interview Day

Dahil 8:00am ang pinili naming Visa Interview, minabuti naming pumunta doon 6:00am pa lang. Binulabog ko ang aking pamilya 4:30am pa lang. Wake up, wake up! Reveille, reveille!

Suot ang aming coat and tie, tila ay sa Kongreso ang pasok namin ng anak ko na si Harvey ang kanyang Ina na naka-porma din parang mag-attend ng SONA ng Presidente.

Naghanap ako ng parking lot sa harap mismo ng Embassy at nilakad naming patawid papunta sa entrance.

Sinuri ng gwardya ang aming passports at Confirmation Letter pati ang na-fill up na visa application form (DS-160) na downloaded sa internet. 

Don ko naman nahimas sa aking bulsa ang maliit kong phone. Bawal ito. Nasulyapan ko ang snappy na pulis na nakabantay. Special Action Force sya at nakasuot ng tabak ng Scout Ranger. Ahhh kakampi.

"Musang, pwede akong makisuyo pakibulsa muna itong comms ko nakaligtaan ko iwan sa Patrol Base?". 

"Yes sir!" Alam agad nya na parehas kaming Pusang Gala. Binola ko pa sya ng konti.

"Ang talas ng tabak mo bro, naitaga mo ba sa Tango Mike?" Proud sya. Iba na talaga pag me ka-Musang.

Dalawang posts ng gwardya ang nadaanan namin. High-tech yong security check sa pangalawa. 

"Sir, meron kayong dalawang electronic equipment".

Nagtaka ako. Iniwan ko na lahat sa pagkaalam ko. "Anong klase yang gadget na yan?"

"Sir, broadband internet nyo andyan sa bag ni Maam!"

Napatawa na lang ako. Binitbit ko palabas at nakiusap muli sa Musang para sa usapang 'hide sites'. 

Pagkabalik, pumila uli kami para kumuha ng designated number sa pila. Idinikit ito sa aming application form.

Pagkapasok sa pintuan, merong lounge na kung saan mag-aantay para sa pre-interview process. Ito ay nasa loob ng compound ngunit nasa labas ng main building na kung saan magaganap ang interview.

Maraming upuan doon at mukhang kasya mga 200 ka tao. Merong nagtitinda ng inumin at snacks at merong napakalinis at mabango na comfort rooms. 

Iisa lang ang pinakamaingay doon. Sya yong designated guide ng US embassy. Sila ang nagsisigaw ng mga numero na susunod sa pila para pumasok na sa main building. 

Pagkapasok,meron uling gwardya para sa security check. Lahat ng bags ay sinusuri bago ito ibalik sa may-ari at paupuin kami sa waiting area. 

Bago ang interview ay merong dalawang proseso. Una ay ang document screening. Pagkatapos ay pipila uli para sa finger printing na kung saan ay meron ding iilang mga katanungan. Tinatatakan ng 'Captured' ang application form kapag natapos na itong proseso, then antay na sa tawag para sa actual na Visa Interview. 

Dahil matagal ang tawagan ng visa interview, nakikiusyoso kami sa mga Q & A ng mga nasa harap sa amin. Sa window para sa mga Sea Farers, halos lahat ay pasado. 

Sa mga aplikante ng tourist visas, maraming luhaan at nakalaylay ang balikat pagkatapos ng interview. 

Ang aking tsismis: "The Buzz"

Sanay ako sa training ng military na kung tawagin ay 'Recon and Surveillance' pati ang Listening Post operations. 

Ito ang aking mga naririnig sa interviews ng iba't-ibang nilalang:

1. Mag-ina (mother and daughter) na pupunta ng Hawaii. 
    
   Consul: So you're going back to the United States? 
    Mother: Yes sir.
   Consul: You were there in 2002 for two months. Did you work there?
   Mother: Yes, I stayed with my cousin. I didn't work. 
   Consul: Are you sure you didn't have an employment? (Tinitigan sya sa mata)
   Mother: Ahhhhhh. No. No. My cousin is a Nurse. (Bulol na ang sagot)
   Consul: Why are you bringing your daughter along? She has not graduated in college yet.
   Mother: I want her to see Hawaii to see the scenic spots there.
  Consul:  Okay, you can return some other time when she is already old enough. (Ibinalik ang passports dahil disapproved).

2. Si Ate na gusto mag-tour sa USA

   Consul:  Why do you want to visit the United States?
   Ate:       I want to see places like the Grand Canyon.
   Consul:  Who is paying for your trip?
   Ate:       My parents. 
   Consul:  Do you have a job here?
   Ate:      None. I am receiving financial support from my parents. 
   Consul: Okay. You can apply for a Visa when you are already old enough and ready to support yourself (Booooom! Binalik ang passport)

3. Si Tita na 'negosyante'

   Consul:  Do you have a  job here?
   Tita:  I am self-employed. I earn at least P150,000.00 a month. I have a water refilling station and a gasoline station in Mindanao.
    Consul: Why do you want to visit the United States?
     Tita: I want to visit Disneyland.
     Consul: You have a relative in New York, aren't you visiting him?
     Tita:  Nope. I just want to visit Disneyland and nothing else. I can take care of my own trip.
     Consul: So you are not seeing anyone? Just Disneyland? Which Disneyland?
     Tita: Yes. It is somewhere in California. 
     Consul: Where in California?
     Tita: I am not quite sure but it is there. (Bulol-bulol na). 
     Consul: Okay, you can re-apply for a visa when you already know where that Disneyland is. Thank you!


Our visa interview

Seeing teary-eyed people whose application papers and passports were returned, I became nervous. Hindi pala madali ang interview. Dapat straight answers. Yon lang ang sikreto. Makakasagot kaya kami nang mabuti lalo na ang aking anak?

Parang pupunta din ako sa gyera sa Basilan at kasama ko ang aking pamilya. I didn't know if we were going to win. "Watch and learn!"

Sabay-sabay kaming tatlo na humarap sa Consul pagkatawag ng aming numero. Agad kung isinuot sa slot ng window ang aming mga dokumento. 

Consul:   Aha, you're going to the United States as a family?
Me:        Yes sir, I want to spend a vacation with them this time. 
Consul:   What is your job? (Nagtanong pa kahit alam naman nya yon)
Me:        Sir, I am a professional soldier and a public servant. I am an officer of the Armed Forces of the Philippines. 
Consul:   So, why are you bringing your family to the US?
Me:        Sir, I have just returned from my 1-year United Nations deployment in North Africa and I had promised to reward my family with a vacation after my long absence. 
Consul:    And, what is your job? (Lumingon sa aking misis at tinanong ang bagay na alam na rin nya kasi nasa application form nakasulat)
Misis:       I am the Finance Controller of Big Buddha Restaurant Incorporated, a chain of Chinese restaurants that operates Super Bowl of China.
Consul:     What about you young man? How old are you? (Pinagbalingan ang aking 9 yr old na unico hijo)
Harvey:     I am 9 years old and will turn 10 in October (Wow, gusto ko pumalakpak nakaka-straight English ang bugoy). 
Consul:       Where are you studying?
Harvey:       I am now studying in Don Bosco School.
Consul:       Okay. Enjoy your trip. Your passports will be sent to you in 1-2 weeks time. 
Kaming tatlo: Yeyyyyyyyyyyyyyyyyy! (silent na hiyaw).


See? It's more fun in the US embassy. What is the secret for a visa approval? No secrets. I have shared them all.




























AFP Chief-of-Staff among nominees for N-Peace Awards

$
0
0
 


 
His sensitivity regarding gender issues and equality and his reputation for being a “soldier of peace” gained General Emmanuel Bautista, Chief-of-Staff of the Armed Forces of the Philippines, a slot among the nominees in the international N-Peace Awards for peace-builders and advocates all over the world.

Gen. Bautista is among those who were nominated to the category of Men Who Advocate For Equality which features male national leaders who champion women's rights in their respective organizations and workplaces.

In his usual serious and leveled voice, General Bautista said that he believes that the cohesiveness of the Armed Forces as an organization lies in mainstreaming gender issues among its employees.

Making each employee in the Armed Forces part of gender mainstreaming is a good way to ensure better performance in the future,” he said in a phone interview.

True to his word, he is closely monitoring the gender mainstreaming of training programs in the AFP and is making sure that top military officers under him are properly trained on women, peace and security.

He is also an advocate of the Magna Carta for Women. Among his contributions is the development of the AFP into a more welcoming place for women to work in. He also continuously campaigns for the increase of recruitment of women into the AFP.

He has also fostered the inclusion of United Nations Security Council Resolution (UNSCR) 1325 into the training program for peacekeepers. The additional training on the UN resolution makes peacekeepers aware of the strategies on how women can be included at all levels related to peace and security.

 

Due to this effort, more women peacekeepers are sent to the UN Peacekeeping Operations during the past few years.

He said that he hopes that if he wins the award, his subordinates and the Filipinos would take it as their source of pride.

It will further motivate me to advance more causes for the men and women of AFP,” he said.

Bautista is one of the men behind the formulation of the Internal Peace and Security Plan (Bayanihan) which encouraged and directed the AFP to create partnerships with other sectors of Philippine society in securing peace and development especially in the conflicted and remote areas of the country where insurgency is still a problem.

As a soldier serious in his career, he was decorated seven times in combat before receiving his fourth star this year.

He had also received seven Distinguished Service Stars, a Gold Cross Medal for gallantry in action, and a Bronze Cross Medal for bravery. He also received three Outstanding Achievement Medals, 29 Military Merit Medals, several Military Commendation Medals and various military campaign medals and ribbons.

He was a recipient of a distinguished alumni award from Philippine Military Academy and University of the Philippines College of Business Administration.

The list of awardees in the N-Peace Awards categories will be revealed on the N-Peace website www.n-peace.net at the end of the month of July after online voting closes. The awarding ceremony will be on October 2013.




 

Sail with the lord of the seas: Join the Navy!

$
0
0


 


If you want to see places and explore the high seas, think of joining the Philippine Navy.
 
There will be a Mobile Recruitment Team which will conduct pre-screening and examinations in the following areas:
  
 a. Cebu (University of Cebu-Main Campus) – July 26-28, 2013

 b. Albay  (NAVFORSOL, Rawis, Legaspi City) – July 26-28, 2013
 c. Tuguegarao City (University of St Louis) – August 1-3, 2013
 d.  Davao City (Naval Forces Eastern Mindanao, Panacan, Davao City)  – August 9-11, 2013
 e. Dumaguete City  (Siliman University) – August 9-11, 2013
 f. Bacolod City (John B Lacson)- August 16-18, 2013
 g. Zamboanga City  (NAVFORWESTMIN, Bagong Calarian, Zamboanga City) – August 16-18, 2013
 g. Tacloban City  (Eastern Visayas State University) – August 23-25, 2013
 h. Iligan City (MSU-Iligan Institute of Technology) – August 23-25, 2013
 
 i. Bonifacio Naval Station, Fort Bonifacio, Taguig City---Every Thursday.
 
 
Initial Requirements:
 
a. Transcript of Records
 
b. Birth Certificate
 
c. Diploma
 
d. NBI Clearance
 
e. 2X2 ID Picture with white background for Naval Officer's Candidate Course candidates
 
 
 
 The Naval officer candidates must:
 
 
a. A natural born Filipino citizen and of good moral character;
b. Between 21-28 years old;
c.  Single;
d. Be a graduate of a 4-year baccalaureate degree (preferably technical courses);
e.  Have height of at least 5' 0 " for both males/females;
f.  Have no pending civil/criminal case;
g.  Be physically and mentally fit for training;
h.  Pass the AFPATB, IQ and SWE exams.
 
 
 
 The candidates for the Basic Seaman's Course must:
 
 
 a. Be a natural born Filipino citizen and of good moral character;
 b. Be 18-23 years old;
 c. Be single;
 d. Be a holder of at least 72 units or graduate of a 2-year vocational course (preferably technical courses);
 e.  Be at least 5' 0 ft tall for both males and females;
 f.  Not have no pending civil/criminal cases;
 g. Be physically and mentally fit for training;
 h. Pass the AFPATB, IQ and SWE exams.
 
 
Basic salary
 
 P 11,265. 00 basic salary for enlisted personnel  and an additional monthly allowance of P 5,660.00 plus other allowances and benefits
 
P27, 425.00 basic salary for officers and an additional monthly allowance of P 4,400.00 plus other allowances and benefits
 

 

Brigadier General Danilo Lim: Ang aking idolo sa mga reporma

$
0
0
 



 
 
Kilala ko si Brigadier Gen Danny Lim na ipinaglalaban ang isang bagay na sa tingin nya ay tama.
 
Halimbawa, nang ako ay siniraang puri at ipinatatanggal ng iilang 'powerful forces' sa aking pwesto sa Scout Ranger Training School noong 2004, agad akong nag-report sa kanya upang maghayag ng intensyon na magbitaw sa pwesto.
 
Natamlay sa mga maling paratang sa akin sa pamamagitan ng anonymous letter na pinatulan naman ng iba, ipinahayag ko sa kanya ang hangaring magbitiw na lamang sa pwesto.
 
Hindi sya pumayag na ako ay mag-parelieve sa yunit dahil gusto nyang itaguyod ang mga reporma na aming sinimulan.

Doon ako naniniwala na hindi kayang tibagin ng mga mahangin na mga  nilalang ang pundasyon ng prinsipyo ng katinuan at kagalingan na aming naipakita sa organisasyong aming ginagalawan.
 
Dahil sa kanyang suporta, nanagumpay kaming baguhin ang mga bagay na syang ikakaganda sa aming yunit.
 
Harinaway, hindi rin sya tuluyang mag-resign at maging bahagi ng kasaysayan sa pagpapatupad ng tunay na reporma sa Bureau of Customs.
 
Dapat syang suportahan ng lahat kagaya ng pagsuporta nya sa akin noong ako naman ang nasa parehas na kalagayan.
 
Mas marami kaming naniniwala sayong katapatan sa sinumpaang tungkulin sir! Ipaglaban ang tama!
 
 
 

 
 
Photos by: General Danny Lim

Tarlac encounter leaves 7 bandits dead

$
0
0
 
 
 
 
 
CAMILING, Tarlac- At around 8:45pm last night, a team of the 32nd Mechanized Infantry Company encountered unknown heavily armed men in Bgy Bobon, Caarosipan, Camiling, Tarlac.
 
Seven of the bandits were killed in the firefight with the Army soldiers. 
 
The soldiers seized 7 high-powered firearms from the dead bandits who were left behind by their comrades who ran to save their own lives.
 
No one among the soldiers were harmed in the said firefight.
 
The identities of the dead bandits are still unknown as of this time.
 
The cadavers were brought to the nearby village center to be claimed by relatives and to be given a decent burial.
 
A small group of bandits are still roaming in the outskirts of Tarlac.
 
Soldiers regularly received reports from residents about the extortion activities of the bandits.

Philippine Navy advisory

$
0
0










Congratulations to the following applicants who passed the Entrance Examinations conducted in   Naval Forces Southern Luzon (NAVFORSOL) on July 26-28, 2013:

Naval Officers Candidate Course

CALINGACION, EARL R
PALMIANO, ALFER
MOLINA, MARIE FAYE V
MOROS, NINO XEDRIC M
GANDOL, ALDEN T.
MADELOSO, DONNABELLE S
MIRANDA, RACHELLE ANNE L
VILLEGAS, ROBEL A
AMBUYO, CYNA C
JAMON, MIKHAIL T
CALINGACION, JEFF R
LORIA, RISTY B
GARZA, CARL CLYNTON B
MOSATALLA, JOMAR M
OBORDO, MARK JASON A
DE LA LUNA, HAROLD A
PENARUBIA, SHELAH MARIE B
LUZURIAGA, LORIELAINE L
FERNANDEZ, ALYN A
DINO, KARL MELVYN G
LLANTERO, CHRISTIAN M
BARREDA, NOEL R
BALDERAMA, BEN LAURENCE O
NAVARRO, KENNETH JAY A
PARCIA, FERNANDO JR P
BOLA, JAY-ARR B
GABITAN, JHONSEN D
ASIS, ADRIAN B
LORIN, ALFREDO E JR. VII
PELOJERO, JESSIE L
CORPORAL, JO-FRANCIS R
PELONIA, VINCENT LOUIE L
DOGILLO, SAMUEL T

 Basic Seaman Course

MONTERO, MARK ALLAN J
BELMONTE, HYZLYN JOY M.
BELEN, JUNDEL M.
COMPLETO, MYKA DIANE A
MOYA, KRISTINA RUTH MARIE V
NATAY, RODNEY N
ALARTE, ARJAY B
REFUERZO, MA ZARAH JERAZH E.
BONGOLAN, ALDRIN B
CABRIA, ROMEL S
CID, NIKKO JAVE B
BUERE, DELVIC JOHN M
CAO, JEFFERSON C.
GOYENA, JESSA R
MANGENTE, JAMES JR E
PACHECO, KRIS ANTHONY B
GUERRERO, ELIJAY V
BERMILLO, CHRISTIAN A
CARULLO, DIXTER C
SABANAL, GERARD D
VIBARES, JEROME F
VALENTIN, VERA P
MORAUDA, NORIEL V
AGUIRRE, EXELL O
APIN, LEA C
AMISOLA, KATE LESLEY B
CERIOLA, JOSE JR C
SINFUEGO, RAYBAN E
MADRIDEO, JENNERY A
GUETA, MARICRIS M
BIGCAS, DEAN MARK E
DACLESON, ANDREW M
MAGISTRADO, HIPOLITO II B
CEDILLA, DIEGO JR G
JAVELOSA, BEN GERALD
BASMAYOR, MARVIN B
ANDALIS, ARVIN DR
GUZMAN, VINCENT OLIVER M
CAPITAL, EDMUNDO JR D.
LERAY, JELLY M
PORTUGAL, MARLON JR F
BELARMINO, FRANCIS B
BINAS, ACE JOSEPH P
PORTUGAL, JERUM T.
MONTERO, MARK ALLAN J
BELMONTE, HYZLYN JOY M.
BELEN, JUNDEL M.
COMPLETO, MYKA DIANE A
MOYA, KRISTINA RUTH MARIE V
NATAY, RODNEY N
ALARTE, ARJAY B
REFUERZO, MA ZARAH JERAZH E.
BONGOLAN, ALDRIN B
CABRIA, ROMEL S
CID, NIKKO JAVE B
BUERE, DELVIC JOHN M
CAO, JEFFERSON C.
GOYENA, JESSA R
MANGENTE, JAMES JR E
PACHECO, KRIS ANTHONY B
GUERRERO, ELIJAY V
BERMILLO, CHRISTIAN A
CARULLO, DIXTER C
SABANAL, GERARD D
VIBARES, JEROME F
VALENTIN, VERA P
MORAUDA, NORIEL V
AGUIRRE, EXELL O
APIN, LEA C
AMISOLA, KATE LESLEY B
CERIOLA, JOSE JR C
SINFUEGO, RAYBAN E
MADRIDEO, JENNERY A
GUETA, MARICRIS M
BIGCAS, DEAN MARK E
DACLESON, ANDREW M
MAGISTRADO, HIPOLITO II B
CEDILLA, DIEGO JR G
JAVELOSA, BEN GERALD
BASMAYOR, MARVIN B
ANDALIS, ARVIN DR
GUZMAN, VINCENT OLIVER M
CAPITAL, EDMUNDO JR D.
LERAY, JELLY M
PORTUGAL, MARLON JR F
BELARMINO, FRANCIS B
BINAS, ACE JOSEPH P
PORTUGAL, JERUM T

They will undergo physical/medical exams upon confirmation by the Philippine Navy.
 
 
(Photo by the
 

Ang aming deployment sa Sulu: Humanda ka Commander Robot!

$
0
0



Masaya ang tropa ng 10th Scout Ranger company na aking pinamunuan sa aming field assignment sa Panay island, pagkatapos ng humigit kumulang na 6 na taon na paninilbihan nito sa CARAGA region noong 1995 at islang probinsya ng Basilan simula 1997 hanggang 1999.

Bagaman ay meron pa ring mga bandidong NPA ang makakaharap namin sa bagong lungga, napapawi naman ang aming pagod tuwing nakikita ang mga magagandang tanawin kagaya ng mga makasaysayang simbahan kagaya ng nasa bayan ng Jaro habang ninanamnam ang masarap na pancit Molo.  


Habang nasa Camp Hernandez kami sa bayan ng Dingle noong Agosto 2000, napapanood namin ang mga video reports ng mga pasaway na bandidong Abu Sayyaf sa Sulu na pinamumunuan ni Galib Andang alias Commander Robot na naghahamon sa gobyerno.


Nagmamayabang sa kanilang kakayahan sa pakikidigma gamit ang mga bagong biling mga armas, hinahamon nila ang pamahalaan kahit pa man merong 'backdoor negotiation' para bayaran ni Libyan leader Muammar Ghadaffi ng tig $1Million ang bawat isa sa mga bihag.

Hawak nila ang mga hostages na kinuha nila sa isang diving resort sa Sipadan, Malaysia. Nababalitaan namin na ni-rape ang ilan sa kanila. Kasama kami sa nanggagalaiti sa galit dahil dito.

Ito na rin siguro ang nagbunsod na pati kaming nananahimik sa Iloilo ay ipapadala na rin sa Sulu.

Bilang lider, welcome sa akin ang mga misyon na ganito. Kaya nga kami ay tinaguriang Rangers. Kung saan merong bandido, dapat andon kami. Ito ay isang karangalan. Nahihiya kaming tawaging garrison Rangers o 'Santolan Warriors'. 



2-week mission 

Sa ikalawang linggo  namin sa Camp Hernandez ay dumating ang radio message na pinaghanda kami para sa 2-week combat/rescue mission sa lalawigan ng Sulu. 

Duda ako sa nag-isip na talagang maisakatuparan ang misyon sa loob ng dalawang linggo. Malabo yon base sa aking karanasan sa aming combat operations sa Basilan at Siraway.

Bahagi ng aking warning order (W.O./WARN-O), ito ang aking pahayag sa 'General Instructions'  sa mga key leaders ng aking yunit:

"Magdala ng 1-2 pares na sibilyan, PT uniforms at dalawang pares din na BDA (battle dress attire) at ang inyong individual full combat gear. Dalhin ang gamit ng admin kagaya ng laptop computer at printer, portable generator at ang ating Kennedy Jeep."

Anticipated ko na kasi na posibleng hahaba ang combat operations. Una, hindi nakatali ang Abu Sayyaf at wala rin itong roster of troops at pictures. Humalo lang sila sa ordinaryong sibilyan at mga kaanak nila, naka-perfect camouflage na sila sa mga sibilyan na dapat din naming protektahan.

Imbes na 'light packs' lang ang dala namin, binitbit na rin namin ang iilang extra gamit kagaya ng spare ammunitions at mga foot lockers na naglalaman ng aming personal na kagamitan. 

Samantala, sa bitbit naming combat packs ay nakalagay na ang lahat na pangangailangan para sa straight two weeks na pakikipagsapalaran sa bundok. 

Kumbaga, sanay na talaga kami sa sistemang 'tahanan' na namin ang aming combat pack na kalimitan ay naglalaman ng sumusunod:

a. Individual medicines para sa common illnesses (cough/colds, diarrhea);
b. Individual first-aid items kasama na insect repellent;
c. 2-3 sets of under shirts;
d. 5 sets of combat socks;
e. 3-5 sets of underwear;
f.  Personal hygiene items;
g. Combat shovel (for tail scouts);
e. Map and compass;
f.  SOI na naglalaman ng listahan ng radio frequencies/call signs;
g. De lata at candy;
h. 2-3 kilo bigas at isang pack na skyflakes;
i.  Spare water container;
j.  Binoculars (for Lead Scout);
k. Hand-held radios, GPS, and spare batteries.
l.  Multi-tools at pen light;
m. Poncho at jungle hammock;
n.  Sweater at bonnet;
o. Deep-fried na puno ng sili na beef strips pampagana sa kanin.
p. Wallet with family pictures;
q.  Cellphone at spare battery.

Dahil karamihang items na kasama sa mission packing list ay talagang kailangan para sa misyon, (mission-essential items) responsibilidad ng mga unit leaders (Team Leaders, Section Leaders at Platoon Sergeants) ang kanilang completeness. 

Sa Team level ay merong inspection. Sinisigurado rin naming hindi nag-iingay ang aming gamit sa pamamagitan ng paghiwalay ng mga gamit na kumakalansing kagaya ng meat can at kutsara, hunting knife o kaya ang mga lata ng 555 sardines na nag-uumpugan sa loob ng pack. 

Ang mga bagay na iyon ang aming dala-dala nang kami ay pinik-up ng C130 plane para magpunta sa aming assembly area sa Mactan Air Base sa Lapu-lapu City bago ang aming jump-off papuntang Sulu. 

Doon namin nakasama ang nag-buo sa Light Reaction Battalion (Provisional) na pinamunuan ni Lt Col Roberto 'Bobby' Morales, na syang magiging controlling unit namin. Ang naturang yunit ay binubuo ng mga yunit ng Special Operations Command, ang mother unit ng Scout Rangers at Special Forces.

Kasama sa bumubuo ng LRB ay  ang 10th SRC, 20th SRC na pinamunuan ni Lt Sam Yunque, 12th SRC na pinamunuan ni Cpt Raffy Guerrero, 26 SFC na pinamunuan ni Lt  Nick Banzuela at  32nd SFC na pinamunuan ni Lt Iringan.


"Hello, Commander Robot!"

Noong gabi ng September 15, 2000 ay dumating ang takdang panahon na aming pinaka-aantay. Hawak-hawak ang radio message, ipinatawag ko ang lahat ng aking tropa para sa personnel accounting at mission briefing.

"Gentlemen, ito na ang ating pinakaaantay sa lahat. Bukas ng madaling araw, lilipad na tayo papuntang Sulu, ang lungga ng mga Abu Sayyaf. Ang pancit Molo ay magiging pancit Jolo! Let's say hello to Commander Robot!" 

Pinaalalahanan ko ang lahat sa importansya ng unit integrity. Ayaw kong mangyari ang napapabalitang nag-iiwanan na ibang military units at napupugutan ng ulo ng mga bandido. 

"Unang rule, walang iwanan. Kapag me tumakbo sa gitna ng bakbakan, baka ako pa ang unang makabaril sa inyo! Kung makaligtas kayo sa aking gatilyo, di kayo makakaligtas sa kasong cowardice. Kaya, wag matakot dahil nasa atin ang Diyos. Mas matindi ang ating paghahanda sa pakikidigma at malaki ang tiwala ko sa inyong mga Non-commissioned officers (NCOs)."

Parte ng tradisyon, nagdasal kami ng taimtim. Dahil halos lahat ay mga Kristiyano, hindi nawawala ang dasal ng mga mandirigma na kung tawagin ay Psalm 91. Pampadagdag ito ng tapang lalo na sa mga baguhang 'Parade Warriors' galing sa Army headquarters na hinubog kong maging mandirigma. 

Pagkatapos naming magdasal, kanya-kanya nang tawag sa mga mahal sa buhay. Merong ma-drama ang dating. Merong pilit na pinapatawa ang kausap na asawa at anak. 

Sa panahon na iyon ay halos mag-isang taon pa lang ang aking anak ngunit kinausap ko rin sya sa cellphone bilang bahagi ng nakagawian naming mag-asawa. 

Kahit sanay na si Bia, ang aking asawa, na ako ay parating nadadala sa gyera, napaiyak pa rin sya. Syempre, nasa akin na rin kung paano ito ipaliwanag. 

"Dear, habang merong phone signal at okay ang sitwasyon, magpapadala ako ng mensahe. Hindi ako mamamatay sa kamay ng mga Abu Sayyaf. Sila ang masasama kaya sila ang maghanda."

Naranasan din kasi nya na nagkaroon ng matinding bakbakan nang binisita nya ako sa aming kampo sa Basilan noong Abril 1998. 

Kung tutuusin, 'veteran Army wife' na sya pero di pa rin mawawala na kumakalabog daw ang dibdib nya sa pag-alala kung merong mangyari sa akin. 

Matagal-tagal din kaming nagkwentuhan hanggang naging kampante na sya.

Hindi ako gaanong nakatulog nong kinagabihan. Maraming katanungang pumapasok sa aking isipan na ako rin ang pilit sumagot.

Mamamatay kaya ako? Hindi! Dapat ako ang buhay at ang mga teroristang rapists ang mamamatay. Mas magaling ako sa pakidigma sa kanila at mas magagaling ang aking tropa.

Mamamatayan kaya ako ng tropa?Posible kaya dapat paghandaan. Wag lang mag-iwanan at mapugutan. Ubusan na ng bala at ubusan na ng buhay na kasama basta walang iwanan. Never leave a fallen comrade!

Makakapatay kaya kami ng mga bandido? Posible basta andon ang pagkakataon. 

Sa aking pwesto nakikita ko ang aking mga tropa. Merong iilan na masarap ang hilik. Marami rin ang tila paikot-ikot sa higaan at di mahanap ang tamang pwesto. Parehas ata kaming mababaw ang tulog.

Dakong alas-tres ng madaling araw, nang-gising na ang duty Sentinel. 

"Rangers, wake up, wake up!" 

Dali-dali kaming nagsuot ng aming uniporme at nagtungo sa formation area dala ang aming mga gamit. Malapit lang sa aming tulugan ang kinaroroonan ng mga C130 plane na magdala sa amin sa gyera. 

"Team Leaders, conduct final inspections. Kapag handa na, antayin ang signal ng Load Master para hakutin ang lahat na kagamitan pati ang ating sasakyan."


Kuha sa larawan ang mga tropa bago ang pagsakay sa C130 para sa isang combat deployment. Ganito ko rin maisalarawan ang aming sitwasyon noong September 16, 2000 nang kami ay i-deploy sa Sulu. (Army photo)



Di kalaunan ay namalayan na lang naming sumara na ang likurang bahagi ng C130 habang kami ay nakaupo at nagsisiksikan sa loob nito. Punong-puno kami dahil maximum allowable number ng sundalo at kagamitan ang isinalaksak.

Sa sobrang sikip, kapag alisin mo ang iyong paa para mag-stretching, meron na itong kapalit iilang segundo lamang ang makalipas.

Minsan, binibiro ko ang aking mga tropa sa inagaw na kapiranggot kong space.

"Oist, teritoryo ko yan. Babalikan ko yang lagayan ko ng paa!"

Mahigit isang oras din ang pagtitiis namin sa loob ng eroplano nang nagising kami sa sagitsit ng preno ng C130 sa air strip, habang ito ay umuungol na tila pinipigilan ang pagderecho nito sa bahayan sa may dulo. Mga dakong alas singko y media na yon ng umaga.

Naalala ko tuloy ang Army chant namin sa Ranger school:

"C130 rolling down the strip, Airborne Rangers take a little trip. Mission unspoken, destination uknown. You don't even know if you gonna come home!"

Oo nga naman. Di naman alam kung uuwi kaming buhay. Pero, para sa akin, ang Diyos lang ang me pasya kung mamamatay ang tao. Kung panahon mo na, kahit nasa loob ka ng 5-star hotel, patay ka pa rin.

Nang sinilip ko ang labas, nakita ko na ang kapaligiran ng Sulu. Parang nakaka-kinig. Kakaiba ang pakiramdam. 

Nasa lupain na kami ng mga kilalang mandirigma na buong tapang humarap sa mga Espanyol at mga Kano.

Well, kami rin naman ay mandirigma, mga astig at mabangis sa pakikipaglaban. Magkakaalaman sino ang manatiling nakatayo paghupa ng bakbakan. 

Nang bumukas na ang pintuan sa likod, bumulalas sa aking paningin ang kagubatan ng Kagay sa Patikul. Malamig ang hangin na tila me dalang misteryo kaya tumatalab sa buto ang pakiramdam. 

Sa gitna ng aking biglaang muni-muni, naalala ko ang SOP ng mga Rangers. Security first. Saka na ang usyoso.

"Gentlemen, lahat ng security elements run and deploy. Post security. Load and lock!"

Excited sa kanilang unang combat deployment, agad-agad naka-deploy ang tropa para sa perimeter security sa labas ng eroplano. 

Di nila alam, nasa gilid lang din ito ng Camp Teodulfo Bautista, ang staging area ng lahat na tropa na naka-deploy doon. 

Binigyan kami ng 10-15 minutes para mailabas lahat ng kagamitan. Hindi na kasi pinatay ang makina ng eroplano.

Nang kami ay mahakot ng M35 trucks papunta sa loob ng kampo, agad na inayos namin lahat ng kagamitan sa isang sulok ng building bago maghanda naman sa entrucking papunta ng Line of Departure (LD). 

Doon nagsimula ang akwal na adventures ng aking mga tropa sa lupaing kung tawagin ay Lupah Sug.

"Humanda ka Robot at Mujib Susukan. Napunta kami dito dahil sa kabulastugan nyo!"

(Ipagpatuloy)








Our Mission in Sulu: Kill the Abu Sayyaf bandits and free the hostages

$
0
0

Larawan ng mga bandidong Abu Sayyaf na syang tinutugis ng mga sundalo sa Sulu at Basilan noong taong 2000 simula noong pang-kidnap nila sa Tumahubong, Sumisip at sa madugong bakbakan sa Punoh Mohaji na kung saan nakasagupa nila ang mga magigiting na Musang ng 1st Scout Ranger Battalion. Binilugan sa larawan ang mukha ni Khaddafy Janjalani ang kapatid ng aming kabarilan noong 1998 na si Abdurajak Janjalani. Tanging sina Radulan Sahiron (kanan ni Janjalani) at si Isnilon Hapilon (kanan ni Sahiron) ang natitirang buhay sa grupo na nasa larawan. Si Bakal Hapilon (humahawak ng 90RR ay napatay ng aming tropa sa 1st SRB, kasama ang aking kumpanya sa Sitio Libok (Hill 83) sa Lantawan, Basilan noong Marso 2002. (AFP photo)


Sa unang pagkakataon na naapakan ko ang kalupaan sa isla ng Sulu noong umaga ng Setyembre 16, 2000, magkahalong kagalakan at pag-alala ang aking naramdaman.

Batid ko ang katapangan ng mga mandirigmang Tausug na lumaban sa mga Kastila simula noong 1578 nang inatake ang Sulu Sultanate ng mga Espanyol na mga tauhan ng kaharian ng Espanya, isang Kristiyanong bansa na umabot ding 700 taon na nasakop ng pwersa ng Islam hanggang mapalayas ang mga Muslim sa naturang lugar noong 1492.

Moros ang tawag nina Kapitan Esteban Rodriguez de Figueroa sa mga mandirigmang Muslim na nakasagupa nila sa Sulu. Ito marahil sa kilalang tawag sa mga Muslim na kung tawagin ay 'Moors' na sumakop sa Iberia, ang sinaunang pangalan ng bansang Espanya simula 711 A.D.
 
Dahil sa pag-atake na ito, ipinakita ng mga tauhan ng Sulu Sultanate ang kanilang kabayanihan laban sa mapanakop na Kristiyano na meron pang dala-dalang mga tauhang Bisaya na kanilang ginamit para kalabanin ang kaparehong dugong Malayo.
 
Batid ko na ito ang unang sigalot na namana ng bansang Pilipinas hanggang sa ngayon. Binulabog ng mga banyaga ang katahimikan ng mga katutubong Muslim na kinikilala na bilang isang kaharian, at ang Sultanate of Sulu, Sabah at Palau ay naka-marka na sa mga sinaunang mapa ng mga European explorers.
 
Nasa gitna ako ng pagmuni-muni sa loob ng Camp Teodulfo Bautista nang marinig ko ang sigaw ng aming Batcom na si Colonel Bobby Morales: "Gentlemen, load!"

First time ko na sumabak sa malakihang military operations na kung saan ay umabot ng humigit kumulang sa 3,000 military personnel ang kasama. Mahaba ang linya ng mga M35 cargo trucks na maghakot sa aming grupo na binubuo ng 300 ka sundalo ng Special Operations Command.

Binuhat ko ang aking combat pack at tila makuba ako sa bigat nito. Seven days ration ang dala namin sa likod kaya naman minabuti kong tumulong sa pagbuhat ng de-lata at bigas.
 
Dalawang water canteen ang pinuno ko ng tubig at nilagay ko sa side pockets ng aking US-made ALICE pack kaya naman ay lumilitaw ang mga ugat sa aking leeg kapag binubuhat ko ito. Paano naman kasi, nakikita ko sa TV ang dami ng mga armadong kasama ni Commander Robot at ayon sa mga ulat, umabot ng 5,000 ang bilang ng Abu Sayyaf sa mga panahong iyon dahil sa sweet promises ng pera mula sa ransom money na bigay ni Muammar Qaddafi ng Libya bilang kapalit sa 24 hostages na nakidnap ng mga bandido mula Sipadan, Malaysia.
 
Nang nag-signal ang aking First Sergeant na all-accounted na ang tropa, sumampa na kami sa truck. Paisa-isa kong naririnig ang distinctive sound ng charging handle at safety lever ng mga riple bago kami tuluyang umakyat sa likurang bahagi ng truck: "Ka-tsak!" "Click!"
 
Hinimas ko rin ang aking carbine model Cal 5.56mm Steyr AUG Rifle para ito ay i-chamber load. Kampante ako na hindi ito papalya. Panay linis ko nito at nilalagyan ko ng lubricant ang moving parts. Battle-sight zeroed ko rin ito hanggang 300m. Inaral ko pati ang quick sights nito na nasa taas na bahagi ng optical sights. Ito ang ginagamit ko kung close-quarter battle na kung saan ay 5m-15m lamang ang distansya ng kalaban. Pabilisan kasi sa pag-align ng sights at pagkalabit kapag real-life combat scenario. Alam kong hindi sasantuhin ng aking AUG ang kagaya ni Robot na nagmamalaking hindi tinatablan.

Malaki ang respeto ko sa mandirigmang Tausug. Sa pangalan pa lang ng tribo ay nangangahulugan na ng katapangan. Ito ay hango sa salitang "Tau" (People) at "Mausug" (courageous), maliban pa sa bansag bilang 'people of the current or Tau (people) and Sug (current).

 Ganon pa man, matapang din naman ako at ang aking mga tauhan. Parehas kaming lahat na galing sa angkan ng Ten Bornean Datus na nagsagwan mula Borneo papuntang sa mga isla na ngayon ay kilalang Pilipinas noong nineteen forgotten pa.
 
Kung ikumpara ang pwersa ng Tausug warriors na Abu Sayyaf at Scout Rangers, malinaw naman na mas lamang kami. Mahabang panahon ang iginugol namin sa training at well-established ang aming command and control system.
 
Sa aking hanay, lahat ay nakakatama hanggang 250 metro ang layo. Meron akong iilang tropa na mga snipers na kayang tumama hanggang kalahating kilometro.
 
Lamang naman ang Abu Sayyaf dahil kabisado nila ang terrain sa buong isla. Kaya nilang mag-navigate kahit nakapikit makarating sila sa destinasyon. Mahaba-haba na rin ang kanilang combat experience dahil mga bata pa lang sila, naranasan na nilang makipaglaban sa hanay ng MNLF kagaya ni Radulan Sahiron, at pati sa mga labanan ng katunggaling pamilyang Tausug sa kanilang mga 'rido' (clan wars) na sanhi ng awayan sa ari-arian.
 
Kung marunong sila sa labang gerilya, kami rin. Ito ang inaaral namin sa Scout Ranger Training School. Kahit di namin kabisado ang terrain, alam naming magbasa ng 1:50,000 scale na military maps. Me bonus pa kaming Garmin Global Positioning System receiver. Meron din akong iilang PVS 7 Night Vision Goggles at me gamit kaming hand-held radios maliban pa sa tactical radios na kayang maka-kopya ayon sa planning range na 5-kilometers.
 
At, syempre meron kaming air support at artillery support. Meron din kaming mga armored vehicles na merong naka-mount na M60 Machine Guns at Cal 50 Heavy Machinegun.
 
Magkakatalo na lang talaga sa combat leadership. Kung sino mahina ang loob ang lider, talo sa bakbakan. Dahil marami sa aking mga tauhan ay laking Army headquarters at sanay sa parade, meron din akong pag-dadalawang isip. Kailangan ko silang i-motivate at pataasin ang confidence sa sarili.


Larawan ng mga mandirigma na miyembro ng 10th Scout Ranger Company. Wala kaming Kevlar helmet at bullet proof vest kaya kanya-kanya kaming suot ng anting-anting kagaya ng bandanna na me dasal, bandoleer ng kung anu-anong 'lana' (oil) na nagsisilbing paiwas sa lumilipad na bala. Ang aking gamit ay ibinigay ng aking Muslim na 'kaanak' sa Basilan. (10SRC Photo)


Nang binabaybay namin ang kalsada sa downtown Jolo, nagtitinginan ang mga sibilyan sa amin. Walang naka-smile. Maging kami ay tiger look. Ako ay nagpakita ng 'Musang stare'. Di namin kilala sino sa kanila ang kakampi at kaaway. Tila galit sila sa aming presensya dahil 'masama' sila kung makatingin. Iba ang pakiramdam ko sa lugar at parang ako ay isang tropa ni Jack Pershing na naligaw sa gitna ng komunidad ng mga mandirigma ni Sultan Kiram. Hinimas ko ang safety lock ng aking AUG. Isang pindot ko lang, nasa automatic fire mode na ito. To kill than be killed.

Nang nilingon ko ang aking mga tauhan, lahat sila ay di mapakali nang nagsimula na kaming magbyahe papuntang Indanan at sa direksyon ng Maimbung. Nadaanan namin ang isang kampo na naka-black suit ang mga armadong tao na may MNLF patch sa balikat. Kumakaway sila ngunit nakahawak ang kabilang kamay sa kanilang M16 Rifle at AK-47. Labo-labo na ito, napagtanto ko.

First timers kami lahat sa Sulu at tila ayaw kaming magpahuli ng buhay. Walang gustong umupo. Lahat ay nakaharap sa labas na bahagi ng sasakyan at nakatutok ang baril sa gilid ng daan. Malay nga naman merong mang-ambush. Kahit na merong armored vehicles sa harapan at likurang bahagi ng convoy, hindi ito sapat para ma-cover kami kapag merong ambush na paghihilamusin kami ng bala mula sa mga bandido.

Marami kaming nadaanang mga naka-Battle Dress Attire uniform along the way papuntang Maimbung. Ang iba ay tila relax na relax lang. Sila yong mga OPCON units ng Task Force Sultan ng 1st Infantry Division na pinamunuan ni Colonel Romeo Tolentino. Ang iba sa kanila ay matagal nang nakadestino dito.

Halos isang oras naming binabaybay ang kalsada hanggang narrating namin ang crossing Maimbung at Talipao. Dito ang aming Line of Departure/Line of Contact (LD/LC).

Don ko nakita ang sangkaterbang daming Marines na kasama rin sa operasyon. Parang nasa movie ng Normandy landings. Kahit saang sulok ay may sundalo.

Mga 9:00am na noon nang nagkaroon kami ng isa pang leader's briefing. Nagkaroon ng changes sa order of movement.

Sa likod ng isang malaking puno, kaharap naming mga Company Commanders si Colonel Bobby Morales ang  LRB Commander na me control sa lahat ng mga companies, ma-Ranger o SF.

"Sino sa inyo ang dati nang naka-assign dito?"  Nagtinginan kaming mga junior officers.

"Sino ang mag-volunteer na mag-lead sa ating movement?" Palingon-lingon si Sir Bobby sa aming lahat na mga mandirigmang Company Commanders.

"Ako sir!"

Proud akong mag-boluntaryong mauna sa movement. Gusto kong ako ang pinakaunang makasagupa ng mga Abu Sayyaf. Gusto kong makita ang performance ng aking mga 'parade warriors' mula sa Security and Escort Battalion. 

Nang binalikan ko ang aking kumpanya, kinausap ko ang  ang lahat na mga sub-unit leaders (Team Leaders, Section Leaders at ang Platoon Sergeant).

"Dapat proud tayo dahil tayo ang nasa tip ng spear. Sa atin ang unang putok. Kasama nyo ako sa harapan. Walang iwanan!"

Don naman ipinakilala sa akin ang isang sundalong 'MNLF integree' na kilalang si Sgt Indanan. Maputi at singkit si Indanan. Sya ay palangiti at fluent mag-Tagalog. M16 Rifle ang kanyang dala ngunit 'banana type' ang kanyang magazine.
 
Batid ko na dati syang kaaway ng pamahalaan ngunit naging sundalo pagkatapos na nagkaroon ng peace agreement noong 1996. Sa aking pag-estima sa kanya, di naman sya yong tipong tuso. Iniabot ko ang aking kamay sa pagbati ng kapatid na Muslim.
 
"Assalamu Alaikum. Ikaw ang aming guide dahil mas kabisado mo ang lugar. Sa akin ka sumunod. Hwag mo kaming ilagay sa alanganin ha."
 
Si Indanan ang aking naging buddy. Feel ko na hindi sya fully trusted ng tropa kaya binabantayan ako lagi ng mga tropa sa lahat ng panahon.
 
Kaya naman, sa aming order of movement sa 10th SRC, ako ay nasa pang-limang pwesto mula sa pinaka-Lead Scout na si Cpl Raymund Dumago, sa likuran ako ng unang Team Leader na sya namang sumusunod kay Indanan.
 
Di ko masisi na di magtiwala agad ang tropa kay Indanan. Iyon ang unang pagkakataon na nakasama namin ang mga dating kabarilan na MNLF. Ganon talaga eh. Mga kabaro namin sila ngayon at nanalangin na lang kami na hindi nila kami ipagkanulo.

The road to Talipao

Nadadaanan ng sasakyan ngunit rough road ang binabaybay namin papuntang bayan ng Talipao. Ito ay nasa paanan ng Bud Talipao (Mt Talipao) ang pinagkutaan ng mga mandirigmang Tausug na lumaban sa mga Amerikano noong 1913 dahil sa pag-ayaw nitong magbayad ng road tax. Nilalakad ko na ngayon ang kalsadang nagging dahilan sa bakbakan ng Kano at mga Tausug sa unang dekada ng ika-19 siglo. Tila ay parte ako sa mga mandirigma na nagtatagisan sa mga panahon na iyon ngunit mas papanig ako sa mga Tausug na inaapi ng mga banyaga. Ngayon naman ay iba dahil ang iilang Tausug ay namuhay bandido at naging kidnappers at rapists. Di ko iniidolo ang grupong ito. Kinamumuhian sila maging ng kanilang kapwa Tausug na matitino.

Kaming lahat ay naka-low ready rifle carry at naka-trigger finger out lagi. Kapag magtawag ako ng short halt para mag-map check ay agad na mag-deploy  ang tropa para bantayan ang paligid ayon sa SOP ng short halts na aming sinusunod.

Pagkatapos ng dalawang oras na paglalakad, nakikita ko na ang tuktok ng Bud Talipao sa horizon at sa itaas na bahagi ng mga puno ng niyog. Kalbo na pala itong historic na battle scene noong 1913.

Medyo hinihingal na ako sa init at tila naliligo na ako sa pawis. Tinitipid ko naman ang aking tubig dahil sa pangambang maubusan ng drinking water. Pabigat nang pabigat ang pakiramdam ko sa aking combat pack habang tumatagal. Buti na lang meron itong frame at di kagaya sa Philippine Army issue combat packs na talaga naming pahirap sa tropa dahil manipis ang foam at wala pang frame. Tinitiis lang namin ito dahil ika nga 'make do' with what you have. Nagkataon lang na ako ay napagawi sa Dau sa Pampanga at nakabili ng surplus na combat pack na very comfortable kumpara sa local version.
 
Palapit na kami sa paanan ng Bud Talipao nang nakita ko ang hand signal ni Dumago na 'Halt'. Nakabuka ang kanyang kaliwang palad at nakadikit ang fingers na tila nagpapara ng traysikel. Nakaumang ang kanyang baril sa harapan. Nag-skirmishers position ang unang team bilang paghahanda sa posibleng putukan. Sumisilip ako ng niyog na mataguan kung sakaling umuulan na ng bala. History repeats itself ata. Sa lugar din na iyon ang bakbakan ng mga Kano at mga Tausug noong unang panahon.
 
Sinilip ko si Indanan at ako naman ay nilingon nya. Naka-smile lang sya.
 
"Sel, mga kapatid natin yan sa MNLF ditto sa Talipao. Di natin yan kalaban. Kasama nila si Barangay Captain".
 
Iyon na nga sinasabi ko. Labo-labo na. Sino na Abu Sayyaf ngayon? Sa dami ba naman kasi ng armadong grupo sa Sulu. Kung gumawa ng kabulastugan, nagpakilalang Abu Sayyaf kuno.
 
Lumapit sa akin ang isang matanda at agad itong kinausap ni Indanan sa salitang Tausug. Parang me halong Bisaya at Ilokano ang salita nila kaya medyo naintindihan ko rin.  
 
"Salam sel. Kami ang natitirang residente rito dahil ang iba nag-bakwit na sa Jolo".

Itinawag ko kay Col Morales na kami ay nakarating na sa bayan ng Talipao. Sya ay nasa likurang bahagi lang ng aming battalion size patrol.

Nagbigay agad ng kanyang kautusan si Sir Bobby na ibinato sa akin gamit ang PRC 77 VHF Radio na tira-tira pa sa gyerang Vietnam.

"Okay, secure the area at mag-long halt tayo para sa pananghalian."

Pagkatapos na nakapag-post kami ng security elements sa paligid, ibinigay ko ang pinakamatinding kautusan sa araw na iyon.

"Ilabas ang bahaw na kanin at ang sardinas!"


(Ipagpatuloy)


Band of Brothers: Ang mga pagsubok ng aking mga mandirigma

$
0
0


 Maliban sa iilang batikang nga NCO, ang karamihan sa aking mga bagong mandirigma ay mga neophytes sa field assignment. Tanging si Cpl Rodel Bonifacio (pinaka- kaliwa sa likuran na nagtaas ng kanyang M14 Rifle) at si Pfc Marlou Lisnang (pinaka-kanang may bitbit ng M60E3 Machinegun) ang mga datihan na sa combat operations sa islang lalawigan ng Basilan. (10SRC photo)
 




Google map ng Sulu na kung saan Makita ang nilakad naming mga lugar simula sa crossing Maimbung hanggang sa bayan ng Talipao. Umabot kami hanggang sa gilid ng dagat sa pinaka-kanang bahagi ng larawan na kung saan matatagpuan ang mga barangay ng Buhangin Puti, Mabahay at Lubok.


Sarap na sarap ako sa inihanda ng tropa na pinakaunang tanghalian namin sa islang lalawigan ng Sulu.
 
Kahapon lamang (September 15) ay iniikot ko ang napakagandang Mactan Island na kung saan ay na-explore ko rin ang mga dive sites nito.

Sa aming mga organic personnel ng Scout Rangers, normal na yong sa biglaang pagkakataon ay sa malayong lupalop kami pupulutin dahil sa tawag ng tungkulin. Batid naming na malaki ang tiwala ng Army sa aming kakayahan. Kumbaga, kami ay mga firefighters. Kung saan ang sunog, pinapadala kami. Ganito talaga ang dahilan kung bakit binuo ni Capt Rafael Ileto ang Scout Rangers noong November 25, 1950.

Ewan kung meron akong ESP (extra sensory perception) ngunit doon pa lang sa Bulacan nang kami ay nag-retraining, lagi ko nang sinasabi na baka naman ay mapunta kami sa Jolo instead sa Iloilo!

Biro ko pa sa mga tropa ko noon, baka Pancit Jolo matikman natin instead of Pancit Molo! Ito na nga inabot namin ngayon.

Kahit hindi inuutusan, ang mga most junior naming tropa ay agad-agad na nagsaing ng kanin para bauning muli. Sa Rangers ay nakagawian ang "2-meals up". Ang ibig sabihin, nakalagay sa aming combat pack ang kanin na dalawang meals.

Bawal kami magluto kung gabi kaya ginagawa namin ito kung tanghali. Combat stove ang gamit namin para minimized ang apoy. Hindi kasi namin type ang combat rations na kilala sa tawag na 'Meals-Ready-to Eat' o MRE, lalo na yong gawang Pilipinas. How I wish ipalamon ko ito sa mga opisyal sa Army headquarters na nagsabing OK raw ito para sa tropa. Marami rito ay panis, maasim at di maintindihan ang lasa. Mas pipiliin ko pa ang tuyo at bagoong na budburan ko ng sukang puno ng labuyong sili at bawang, mas masarap pa kaysa MRE.

Isang oras lang ang ibinigay sa amin para sa aming patrol base operations sa lugar na iyon. Nang mapuna kong well-rested uli ang tropa, ibinigay ko ang aking kautusan.

"Ipasingaw ang mga sinaing na kanin. In 15 minutes, mag-move uli tayo papunta sa ating objective, ang barangay Mabahay."


Paghahanap kay Robot at Susukan
 
Kahit pa man sa kayabangan ni Galib Andang na harapin daw nila ang mga sundalo pagdating sa Talipao, ni anino nya ay hindi mahagilap.

Namonitor ko sa PRC 77 ang usapan sa kabilang Infantry Battalion na abandoned na rin ang barangay Samak at Bandang, ang kilalang balwarte nina Robot. Ito ay nasa northeastern direction ng Bud Talipao.
 
Bago pa man ako nakarating ng Sulu, kinilala ko na pa-isa isa ang mga personalidad ng Abu Sayyaf sa Jolo.
 
Tuso talaga si Galib Andang at halatang ma-hangin sa kanyang pananalita. Binatilyo pa lang sya nang sumanib sa MNLF pagkatapos bayuhin ng mga problemang personal sa kanyang tahanan. Nang sya ay nagkaroon ng armas at sense of power, naging mayabang na sya sa kanilang komunidad.

Samantala, ang kanyang close buddy at pinsan na si Mujib Susukan ay tipong tahimik lang. Anak sya ni Susukan Agga na isang MNLF mujahideen na nakapag-aral ng explosives handling sa ibang bansa, at kilalang responsible sa pagpasabog sa mga 'Sikatuna' (armored vehicles) ng Army sa mga bakbakan noong 1970S.
 
Namatay sa bakbakan si Agga noong kabataan ni Susukan ngunit nakuha nitong makapag-aral sa Notre Dame of Jolo.

Ito ngayon ang aming pino-problema, ang hanapin ang dalawang damuho sa kasukalan ng Talipao. Nang ina-alisa ako ang terrain sa lugar, wala gaanong mataguan ang mga bandido rito. Una, mahirap ang tubig at ayon sa mga residenteng natira sa lugar, doon sila nag-iigib sa Maimbung!

Kung gamitin ang process of elimination, maaaring sa kasukalan ng Mt Mahala at sa Buhangin Puti sila makapag-tago.

Ngunit, napakarami ng mga sundalo na nagpaikot-ikot sa mga lugar na iyon. Nang tiningnan ko ang mapa, 2-kilometro sa paligid ng aming Area of Operations (AO) na tila ay isang pahabang rectangle sa mapa, merong mga Army units!
 
Siguro, confused na sina Robot at Susukan sa mga panahon na iyon. Meron pa rin silang hawak na mga Malaysian hostages sa mga panahon na iyon kasama si Rolland Ullah. Naisip ko rin na hindi rin pwedeng basta-basta na lang silang ratratin kasi madadamay ang mga biktima.
 
Ibinilin ko lagi sa tropa na ang nakikipagbarilan lamang ang gawing target. Bawal sa amin ang automatic fire, kundi selective fire lamang na nakaumang sa dapat patamaan.

Naiintindihan ng lahat na tanging ang Cal.7.62mm M60E3 Machinegun lamang ang authorized mag-deliver ng burst fire. Naisama ko rin sa turo sa kanila paano gamitin ang sights ng machinegun para tumama sa layong 100m, 200m, 300m at 500m. Maging ang trigger control para sa burst fire ay aking naipamahagi sa aming retraining na kung saan ay tinuruan ang mga gunners ng machinegun employment at marksmanship.
 
Pagkakataon na lang talaga inaantay namin para masubukan ang gilas ng aking mandirigma.
 
Mga boses ng anghel
 
Nasa tactical movement mode na kami noon papunta sa direksyon ng Mt Mahala nang naulinigan namin na merong boses sa di kalayuan. Halatang merong boses ng mga paslit na tila kumakanta.

Nanggaling ang mga tinig sa likod ng masukal na lugar mga 200 metro ang layo. Nasa ilalim kami ng niyugan at tanging tagisan ng mga dahon ng niyog at mga kahoy ang naririnig sa paligid namin.

Nagtawag ako ng short halt sa lahat ng miyembro ng patrol. Ipinaalam ko sa aking BatCom ang aking plano na usisahin ang ingay na narinig. 
 
Agad kong kinausap ang aking mga NCOs: "Two teams ang sasama sa akin mag-conduct tayo ng Leader's Recon.Maiwan si Indanan dito kasama nyo."
 
"Maiwan dito ang iba at i-secure itong lugar. Ipinagpatuloy ko ang aking instruction gamit ang GOTWA sa Scout Rangers, ang aming paraan ng pag-paalam pag humiwalay sa main group ng patrol."
 
 Naka-wedge formation kaming palapit sa source ng ingay at dahan-dahan naming nakita ang isang building. Sinilip ko ito mula sa aking posisyon mga 50 metro lamang ang layo.
 
Binasa ko ang signage na nakalagay. "Abdurassad Maddas Elementary School. Uy meron pang mga elementary pupils na nag-aaral dito kahit nag-bakwit na ang karamihan!"
 
Minamanmanan naming mabuti ang naturang school at wala naman kaming nakitang armed threats. Kasalukuyang nagtuturo ang kanilang babaeng titser na nakasuot ng hijab.
 
 Parang normal lang ang klase nila na tila ay walang nakaambang bakbakan sa kapaligiran nila. Clueless ata silang lahat lalo na ang mga 5-6 na panay babaeng nag-aaral doon.
Nag-post ako ng mga snipers sa strategic locations bago ko nilakad ang posisyon ng mga bata. Merong bahay sa tabi ng school at merong mga matatanda na andon.
 
Nakababa ang aking baril na naka-sling sa aking balikat habang nilalapitan ko ang mga matatandang nag-uusap sa bakuran ng kanilang bahay.
 
"Assalamu alaikum! Mga sundalo po kami. Wag po kayong matakot."
 
Naka-smile agad ang dalawang aking kausap. Si Ina ay agad na nag-offer ng kinakain nilang putong kamoteng-kahoy.

"Gusto mo sel? Bagong luto yan." Natatakam ako pero nagpasalamat na lang. Kakahiyang partehan ko pa sya eh nakita ko parang kasya lang sa kanila.
 
Mamaya-maya lang, nagsipaglabasan na ang mga paslit galing sa kanilang classroom. Inuusyoso nila kami.
 
 Binabasa nila ang aking name patch.
 
 "Abu Dakil! Abu Dakil"

Mga inosente talaga ang mga bata. Nakakatuwa na nagsisikap silang mag-aral.
 
Napansin ko na wala ni-isang lalaki doon. Saan ang tatay? Saan si Kuya? Si Uncle? Duda agad ako na merong kakaiba ngunit ganon pa man, naka-smile akong lumayo at nagpaalam. Kumakaway ang mga bata. Para silang mga anghel. Mga inosente sila.
 
Hinatid ako ng titig ng dalawang matatandang nakausap. Di ko alam ano ang naisip nila. Siguro nag-alala rin na makasagupa ko ang mga kaanak nila sa mga masukal na lugar doon.
 
 "Magsukul Ina!" (Thank you mother!)
 
Ipinagpatuloy namin ang aming patrol nang dahan-dahan dahil nais naming manatili ang katahimikan ng aming movement. Bawal ang magsalita. Bulong lang pati sa radio na naka-squelch down.
 
Minsan merong di makatiis na nakapag-ingay, lalo na ang mga baguhan. Kung makapatay ang 'tiger look' sa mga pasaway, me napatay na siguro akong kasama.
 
Bandang alas tres ng hapon nang malapitan namin ang lugar na kung tawagin ni Sgt Indanan ay Bgy Latih. Nasa itaas na bahagi ito ng Bgy Mabahay na nasa gilid naman ng mangrove area.
 
Nakikita ko na ang dagat at nasa horizon ang Pata Island. Isa ito sa nightmares ng Army. Merong namasaker dito ang 119  mga tropa ng 31st Infantry Battalion sa kamay ng mga Moro fighters noong 1981 dahil sa sobrang pag-rerelax ng kanilang opisyal. Imagine, 119 soldiers killed in a matter of minutes! Ayaw ko ata mangyari yon sa amin!
 
Pinag-halt ko uli ang patrol para suriin ang lahat ng posisyon ng mga units na nasa aming paligid. Ito ay lagi naming ginagawa para maiwasan ang misencounters. Kapag merong paungas-ungas na di marunong magbasa ng mapa, malamang magbanggaan ang friendly forces. Ayaw naming mangyari ito.
 
Nasa kalagitnaan ako ng pag-plot ng mga grid coordinates ng mga 'friendlies' nang bigla na lang umalingawngaw ang : BRATATATATAT!!!!!
 
Tumalon agad ako para dumapa sabay pindot ng safety lock ng aking AUG Steyr. Naalala ko ang Pata Massacre. Di pwede yon!
 
 Merong nag-aagawan ng puno ng niyog. Merong nagsiksikan sa likod ng sukal eh wala namang proteksyon doon. Merong humahalik sa lupa at hinahanap ang source of gunfire.
 
(Ipagpatuloy)
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 




Dare to fail: We lead from the front

$
0
0




























Sa malakihang combat operations na umaabot ng isang daan ang kasama sa patrol, ang leading elements ang syang pinaka-delikado na pwesto. Kalimitan, sila ang unang nababakbakan at nalalagay sa matinding panganib.
Para sa akin, ang pwesto ng leading element ay may kasamang sense of pride. Dapat maipakita ng aking kumpanya ang kagalingan nito lalo na sa tactical movement. Dapat kami ang makauna at hindi maunang makipagpatintero sa humahaging na bala.
Kasama ako sa pinakaunang team na nangunguna sa hanay ng 10th Scout Ranger Company. Gusto ko na may direct knowledge ako sa kaganapan sa harapan. Ika nga, the commander must see the battlefield and make quick and sound decisions.
Kampante ako na kung mapasabak kami sa matinding bakbakan, ka-buddy ko naman ang isang batikang mandirigma, ang aking Ex-o na si Lt Marlo Jomalesa, miyembro ng PMA 'Mabikas' Class of 1996. Parehas kaming napasabak na sa Basilan laban sa grupo ni Abdurajak Janjalani lalo na yong pinakamatindi naming sagupaan sa naturang grupo sa Hill 83, Libok, Lantawan Basilan noong taong 1998.
Mahirap kasi na maging parte na leading element tapos duda ka pa na baka pabayaan ng kasama na nasa likuran at panoorin lang sa panahon ng pitpitan kagaya ng nangyayari sa ibang yunit na napupugutan ng ulo ang kasamahan. Kaya nga, noong nasa 12th Scout Ranger Company (Men in Black) pa man ako naka-assign, nabuo naming ang motto na "Walang iwanan!"
Balikan ko ang kaganapan bandang alas dos ng hapon noon September 16, 2000.
Sa unang bugso pa lang ng putok, kanya-kanyang dive na kami para kumuha ng magandang pwesto sa ilalim ng niyugan.
Parte sa SOP ay inoobserbahan kaagad namin ang paligid. Saan nanggaling ang putok? Saan ang pwesto ng mga kasama?
Dami akong narinig na mga sigaw.
"Ano yun?"
"Linti gid!"

"Nya met ten!"
Sinilip ko ang kasamahan sa first team. Lahat gumagalaw at 'alive and kicking'.
 Si Sgt Indanan ay naka-upo sa likod ng niyog katabi ng isang Private . Me nagkubli ng ulo pero nakalabas ang pwet. Merong tatlong tao sa maliit na puno ng marang. Nakakatawa silang tingnan pero wala akong time para sila ay kantyawan.
Isa ang sigurado ko. Hindi nakasalubong sa aming direksyon ang putok. Alam ko ang tunog ng sonic crack ng lumilipad na projectiles ng small caliber.
Walang tumitilamsing sa ere na at lumalagapak sa dahon at sa lupa. Walang lumalagatok sa mga sanga at puno.
Nang sure na ako, agad akong tumayo at nag-paspas ng uniporme habang palapit kay Cpl Arnold Panganiban na agad sumalubong sa akin.
"Damuho yan, galing din sa atin yon ano?!!!"
"Yes sir. Si Ranger P, ang ating gunner na baguhan nakalabit ang gatilyo ng kanyang machinegun!"
"Hay naku Lobat talaga! Sanamagan, parang nag-anunsyo na kayo na paparating tayo!" (Lobat ang termino namin sa mga 'very laxed' o yong mga palpak kumilos)
Putlang-putla si Ranger P na tubong Mindanao nang nakita nyang nagpupuyos ako sa galit na lumapit sa kanya.
Di ko rin sya masisi, first time nya sa combat environment dahil parade and ceremonies ang kinalakihan nya sa Army headquarters.
Pinakalma ko na lang ang aking sarili at sya ay pinaalalahanan.
"Dong, kapag nag-move tayo, laging naka-engaged ang safety lock. Kapag me kalaban, split second lang yang mag-unlock, kumalabit ng initial rounds at dumapa para mas tumamang mabuti."
"Sorry sir, di ko sinasadya. Mag-ingat na ako sir."
Naging traffic ang ere sa aming radio frequency sa pag-usisa ano ang nangyari sa amin.
Tinawagan ko agad ang aming ground commander na kasama naming naglalakad.
"Sir, pumalpak ang bata ko. Pinagsabihan ko na sir. Magdoble ingat kami sir kasi burn out na tayo sigurado, maliban sa may nag-tsu tsu na rin sa atin na mga taga Talipao proper."
Pinatawag ko uli ang aking unit leaders para sa FRAG-O. Ang fragmentation order (FRAG-O) ay mga pagbabago sa mga kautusan kung mayrong mga adjustments na gagawin.
"Sa loob ng sukalan tayo dumaan at huminto para mag-observe kung me alanganing lugar sa daanan. Merong tropa ang nagpa-patrol sa vicinity ng Mt Mahala at sa Bgy Lubuk kaya iwasan na lumampas sa phase lines sa kabilang bahagi ng ating AO."
Di kalaunan, dahan-dahan uli naming tinahak ang kasukalan ng Bgy Lati. Tuyo ang lupa sa mga panahon na iyon at tila iilang lingo nang hindi umulan.
Sa kanang bahagi ng aming direction of attack (DOA), nakikita ko ang madawag na kogonan at merong maliit na gubat sa gilid ng dagat.
Napansin kong wala man lang tanim na punong kahoy, mais o upland rice. Sa gilid ng dagat ay merong niyugan maging sa mababang bahagi ng Mt Mahala.
Sa sukalan na aming dinaanan, nakikita ko ang napakatabang lupa. Matataba ang mga maliliit na puno na napakatingkad ng mga berdeng dahon. Ang swerte naman ng mga Tausug sa lupain.
Napaisip ako na ganitong lupa ang paborito ng mga magsasakang Ilokano at Ilonggo.
Kapag taga rito siguro kami, hindi palalampasin ng aking amang magsasaka ang nakatiwangwang na lupain. Pati ako siguro ay nag-aararo na rin at magtanim ng goma, durian o dinoradong palay.
Napansin ko na bihira ang foot prints ang nakikita sa lugar. Kung grupo ni Robot at Mujib ang napa-rito, sigurado na merong traces na kung tawagin namin ay 'indications'.
Sa training namin sa Scout Rangers, ang leading elements ang responsible sa tracking. Habang nagbabantay sa harapan ang Lead Scout, busy ang Team Leader at Guide para usisahin ang kapaligiran lalo na ang lupa.  
Tinitingnan namin kung merong apak ng sapatos o paa, me nahawi na damo, nabali na sanga o kaya naiwang bagay na hindi natural sa paligid na iyon.
Naka-short halt kami sa sukalan mga 500 metro mula sa Bgy Mabahay nang lumapit si Cpl Raymund Dumago sa akin.
"Sir, daming bagong apak ng baboy damo. Ang laki ng hugis ng kuko at nandito ang kahoy na pinagkiskisan nila ng kanilang katawan."
"Si Robot hanapin natin. Ang mayabang na kidnapper na si Robot at ang Malaysian hostages pati ang grupo ni JMC preacher Almeda."
Nakaka-awa na nakakainis kasi ang grupo ng Jesus Miracle Crusade. Mantakin mo ba naman na i-pray over nila ang mga European hostages at ipinagpilitang pumasok sa kuta nina Robot sa Tiis Kutong!
Nasaniban na ata ng demonyo sina Robot. Sumobra na ang kanilang pagka-gahaman. Sa mga panahon na iyon, nabalitaan naming nag-mumudmod sila ng pera mula sa ransom ng mga hostages na binayaran ni Muammar Khadaffi, kaya marami silang kakampi pati mga bata.
Money talks ika nga. Sa lugar nila, parang hero pa ang dating nila ,umasenso bigla ang buhay nila at panay pamimili ng bagong armas at mga kagamitan. Palit-palit rin ang asawa ni Robot dahil marami syang perang pang-'dowry'.
Bandang alas kwatro na noon nang narating namin ang gilid ng Bgy Mabahay.
Dala ang dalawang teams, sinilip namin ang lugar mula sa mataas na bahagi o vantage position. Gamit ang pamamaraan ng operasyon, ginamit namin ang SLLS.
Stop. Look. Listen. Smell. Matindi kaming usisero, inaamoy pa talaga.
Kapag me tao, kinikilala namin kung armado o hindi. Kapag palaban ang kilos, me kalalagyan ang bala ng mga snipers na nakatutok sa lugar.
Mga limang bahay lang ang nakikita ko sa lugar. Merong masjid (mosque) na itinirik sa gilid mismo ng dalampasigan.
Merong iilang manok at kambing ang pagala-gala sa paligid. Walang nakikitang tao at naka-kalat ang ibang mga gamit.
Pinabantayan namin ng mga kasamahang tropa sa likod ang vantage position para magbigay ng support by fire (SBF) habang pinapasok namin ang mga bahayan inikot ang mga sukalan sa paligid nito. 
Butas-butas ang mga bubong ng bahay. 'No man's land' na ang lugar.
Wala ni isang bangkang natira pero merong nakasabit na mga lambat.
Merong pinatuyong agar-agar (seaweed) ngunit hindi na ito naitabi ng may-ari.
Halatang nagmamadali ang mga lumisan dito.
Kung Abu Sayyaf sila o hindi, ewan ko na lang. Si Robot ay taga Bandang ngunit dito raw nagtatago sa lugar.
Maaaring nadamay lang din sila sa kabulastugan ng kanilang kabayan na taga kabilang baranggay.
Sila ay maaaring parte na sa tinatawag na 'bakwit' na nagkukumahog na mabuhay sa bahay ng mga kaanak sa Jolo na palagay nila ay mas ligtas para sa kanila.
Kakainis si Robot. Akala ko ba matapang ang bruha na yon.  Ang walang laban lang ata kaya nya lalo na yong mga babaeng pinagre-reyp nila!
Boluntaryo ako na manguna sa harapan dahil gusto kong makaharap sina Robot.
Akala ko naman totohanin nya ang banta na paulanan daw ng bala ang susugod sa kanila. Sobra libo na raw ang mga tauhan nya kaya di sya natatakot at marami syang magamit sa suicide attacks.
"Rooooooooooooobooooooooot!"
 












Scout Rangers: We strike

$
0
0

  

Sanay ang mga sundalo ng First Scout Ranger Regiment sa mabilisang deployment sa mga lugar kung nasaan ang kalaban. Karaniwan, hindi kami binibigyan ng sariling Area of Responsibility (AOR) kasi palagi kaming pinapadala kung saan merong nagpapasaway na mga bandido.

Sa mga panahon na iyon ay merong labing siyam na independent Scout Ranger companies ang First Scout Ranger Regiment. 

Kapag nadedestino kami sa isang lugar, nilalagay kami bilang OPCON o operationally controlled ng tactical unit na syang nakakasakop sa lugar. Minsan, ang isang Scout Ranger Company ay nilalagay sa isang Infantry Division at bahala na ang Division Commander kung aling Brigade ito ilalagay para sa specific operations sa lugar.

Ang ibig sabihin nito, sa isang Infantry Brigade kami nilalagay bilang 'striker force' laban sa kinakaharap na mga armadong grupo sa lugar.

Dahil karaniwang direct action missions kagaya ng raid o ambush ang binibigay sa amin na mga missions, ang pag-handa sa intelligence ay sa controlling unit na syang me hawak sa lugar. 

Ang problema, kung palpak ang S2 o Intelligence Officer, palpak din ang ginagawang plano ng combat operations ng kanyang ka-tandem na S3 o Operations Officer. Kapag nangyayari ito, ginagawa na lang nilang pang-araro ang mga Scout Rangers at bahala na si Batman kung magkasalubungan sila ng mga kalaban sa mga liblib na lugar na pinagtaguan. 

Mas epektibo ang employment ng Scout Rangers kung nabibigyan ito ang magandang intelligence. Halimbawa, klaro ang objective, makagawa ang kagaya kong Company Commander ng klaro rin na mission planning para isakatuparan ang isang raid o kaya ambush. 

Naiinis kami minsan sa ibang Brigade Commander o Division Commander na tila 'warm body' lamang ang paningin sa Scout Rangers na isang mahalagang 'asset' ng kanyang unit kung alam lang paano ang tamang employment. Merong mga pagkakataon na ginagawang personnel sa detachment ang tropa ng Rangers na nakadestino sa isang Division kaya ang nangyayari, naging sitting duck sila at nag-aantay na lamang na atakehin ng kalaban. 

Sa Sulu noong 2000, ang aking kumpanya ay nilagay sa Light Reaction Battalion (Provisional) na pinamunuan ni Lieutenant Colonel Roberto 'Bobby' Morales, isang batikang Special Forces at  miyembro ng PMA Class 1979. Ang kanyang Deputy Commander ay si Major Faustino 'BJ' Bejarin, isa namang Scout Ranger na miyembro ng PMA Class 1986. 

Ang purpose ng SOCOM leadership sa mga panahon na iyon ay pagsamahin ang lahat na pwersa nito na kinabibilangan ng mga Special Forces at mga Scout Rangers. Mas nagkakaintindihan kasi ang mga ito sa trabaho kasi ika nga 'they speak the same language'. 

Dahil OPCON ako sa LRB, ang immediate superior ko na pagkuhanan ng operational orders ay si Sir Bobby na isang soft-spoken na Bisaya rin kagaya ko. Sya ay very approachable at nakikinig sa mga suhestiyon ng mga junior officers. Masaya kaming nagsasagawa ng aming mga tasking dahil tiwala kami sa aming mga lider sa LRB. 

Sa ikalawang araw namin sa Sulu, nararamdaman na namin ang problema sa tubig. Nagpaluto ako ng 3 meals para sa araw na iyon sakaling makatanggap kami ng FRAG-O. 

Nagpadala ako ng recon teams para maghanap ng water points sa gilid ng dagat at pati sa mga creeklines na naka-reflect sa mapa. 

Kamot ulo ang mga Team Leaders na bumalik at lalo pang nabawasan ang water canteens nila sa uhaw sa kaka-patrol sa mga sulok-sulok sa lugar na iyon. Ayaw rin naming mag-sabaw o uminom ng tubig alat. 

Nang inusisa ko ang lahat ng mga tauhan, napag-alaman ko na kaya pa hanggang kinaumagahan ang tubig basta walang magluto ng 'wet ration'. Ang ibig sabihin, lilipat kami sa skyflakes at sardinas na alternate food provisions namin. Sanay rin kami sa ganito lalo na sa long range recon patrols na umaabot ng 2 weeks without resupply. Kilala ang mga Scout Rangers bilang 'martir' o matiisin sa hirap. Kaya nga Ranger eh. 

Pakiramdam naming lahat ay nasa paligid lang si Robot at nagtatago sa mga sulok-sulok sa gubat. Kailangang gamitin ang aming training sa combat tracking para matukoy ang kanilang kinaroroonan. Pagkakataon na rin ito para makahanap ng tubig. Feel ko talaga noon na meron silang 'secret' water point sa lugar na iyon. 

Pagkatapos naming mag-agahan, nagkaroon kami ng mission briefing. Kami ay magsagawa ng zone reconnaissance sa aming AO (area of operations). 

Gamit ang reconnaissance and security teams (R&S teams), sinusuyod ang kapaligiran para mahanap ang 'indications' ng troop presence. Ginagamit dito ang 'fan method' 'box method' o 'zigzag method' o kaya converging routes method. Okay naman iyon, ang inaalala ko lang lagi, mauubusan kami ng tubig. Dapat magawan namin ng paraan na hindi na kailangan ng resupply. Think, think, think. 

Pagkatapos ng briefing, ako naman ang nagsagawa ng briefing sa aking mga tauhan. Pinalitan ko ang order of movement. Kay Cpl Roselito 'Sel' Tayros at si Cpl Rodel Bonifacio naman ang mauunang teams. Palitan naman kami ni Lt Marlo 'Toto Joma' Jomalesa sa harapan. 

Ang mission briefing ay naka-template ayon sa 5 paragraph format na kinopya ng AFP sa mga Kano. Simula sa basic training, ipina-saulo sa amin ito: METT-TC. Mission. Execution. Troops Available. Terrain. Time. Civilian Considerations (minsan ay pwede ring community considerations). 

Ito naman ay parte sa tinatawag na Troop Leading Procedure na merong acronym na RIMIRCIS:

1. Receive the mission;
2. Initiate action;
3. Make tentative plan;
4. Issue warning order;
5. Recon;
6. Complete the plan;
7.  Issue the complete operations plan/order;
8. Supervise.

Pabalik-balik namin itong ginagawa down to the Team level of command at dito nahahasa ang combat leadership ng aming mga opisyal at NCOs. Ewan ko lang bakit tinatamad ang ibang unit na gawin ito lagi samantalang applicable din ito kahit ma-combat o admin ang mga tasking. 

Lagi kong binibigyan ng emphasis sa aking tropa ang word na 'Enemy'. Ayaw ko namang tipong 'everything that moves' sa gubat ay 'enemy'. 

"Kapag walang baril na nakakasalubong, hindi sasaktan. Walang sisirain na mga tahanan o pananim. Iyong mga damuhong Abu Sayyaf na nakikipag-barilan lang talaga ang gawing 'target paper' at tulungang makarating sa 'heaven' na inaasam nila." 

"Bawal ang automatic fire na ginagawa ng mga nerbyoso. Tinuruan ko kayo ng marksmanship at dito nyo gamitin yon. Kapag ratratin nang ratratin nyo ang kalaban, tigok pati hostages na syang pinakapakay nating mailigtas."

Dahil batid ko ang problema namin sa tubig, ito naman ang paalala ko sa kanila:

"Kung nauubusan tayo ng tubig, ganon din sina Robot. Kung merong water point, malamang andon din sila. Suyurin natin lahat ang paanan ng Mt Mahala at baka meron pang igibang natira dyan. Wag tayong mag-pa isa dahil malamang doon din tayo aabangan."

Ang paghagilap ke Robot

Malaki ang pwersa namin na sumusuyod sa lugar. Kami pa rin ang nasa leading elements. Merong disadvantage kapag ganito karami ang pwersa. 

Una, mas madali itong ma-detect dahil sa tracks na maiwan nito. Mas malaki rin ang probability na maglikha ito ng ingay. 

Kung kami sa harapan ay naka-tip toe para maiwasan ang mga sanga sa lupa at dahan-dahang hawiin ang sukal na sinusuotan, ang iba sa likurang mga yunit ay walang pakialam. Tuwing nangyayari ito, sinisigurado kong i-reklamo ito kay Sir Bobby. 

Minsan kinausap ko si Major Bejarin nang kami ay naka-short halt. 

"Sir, sa mga nag-iingay sa likuran, i-recommend kong gawin nating parte sa leading elements para maramdaman nila ang pagod at kaba ng tropang tila tinutukan lagi ng baril ng Abu Sayyaf dahil kami ay nasa harapan."

Kapag sa jungle terrain kasi, ang ubo, hat-sing at kumalansing na kaldero ay naririnig ng daan-daang metro lalo na kung pabor ang ihip ng hangin. 

Hindi namin minamaliit ang survival instincts ng mga kalabang Abu Sayyaf kasi matagal na silang nakikipag-barilan sa pwersa ng pamahalaan at sa mga karibal nilang clans. Kahit wala silang formal na training, hindi matawaran ang kanilang combat experience. Bata pa lang sina Robot at Mujib, baril na ang hawak nila at umabot sila sa edad sobra trenta na pakikipagbarilan ay parte ng buhay.

Sa hanay ng 10SRC, wala akong problema. Dalawa kami ni Joma na mahigpit sa pagpapatupad ng TTPs (techniques, tactics and procedures) sa movement. 

Mga isang kilometro ang layo sa northern portion ng barangay Mabahay, nakita namin ang isa pang maliit na komunidad sa paanan pa rin ng Mt Mahala. 

Matagal din namin itong inoobserbahan at napansin naming wala itong tao. Magtatanghali na noon nang ito ay aming narating. 

Habang nag-secure ang kalahati ng aking kumpanya sa avenues of approach, pinangunahan ni Joma ang leader's recon. 

"Dalawa ang hanapin nyo To. Ang water source at si Robot." Naka-smile lang si Joma bago lumisan kasama ang isang section o dalawang teams ng tropa. 

Sinilip ko ang aking water canteen, simot na ang isa. Halos kalahati na lang natira sa isa. Panay sipsip na nga ako ng baon kong 'Halls' at 'Snow Bear' na kendi para mabawasan ang uhaw. 

Pagkatapos ng halos isang oras na mino-monitor ko ang movement ng recon, narinig ko ang tawag sa radio. Inabot ng aking RATELO na si Sgt Cuevas ang PTT (press to talk) ng  PRC 77. Si Joma ang nasa kabilang linya.

"Bullseye this is Cyclops 6. Ano nakita nyo dyan?" 

"Sir, nakita namin ang taguan ng mga Abu Sayyaf dito sa gilid ng creekline. More or less 50 ka tao ang nag-stay rito. May female napkins, balot ng kendi, buto ng isda at mga tutong ng kanin. Nakaalis na ito baka kahapon pa  base sa mga kanin na nagkalat at sa pinag-higaan nilang mga dahon at papag. Ang direction ng escape route nila ay papuntang direksyon ng Mt Mahala."

Kahit di namin sila naabutan, natutuwa pa rin kami kasi ang impormasyon na iyon ay mahalaga para sa aksyon ng mga katabing yunit. Batid ko na ang 7th Infantry Battalion na pinamunuan ni Lt Col Audie Delizo ay nasa northern portion ng Mt Mahala at ang southern portion o gilid ng dagat naman ang kinaroonan ng 59th Infantry Battalion na pinamunuan ni Lt Col Ed Pangilinan. 

Ibinato ko agad ang recon report kay Batcom para sa kanyang kaalaman. Ito naman ay inirereport sa 104th Brigade sa Camp Bautista sa ulat na kung tatawagin ay SITREP (Situation Report).

Di kalaunan ay nagconduct kami ng link-up operations sa aking recon teams. Lupaypay sila dahil lalong nabawasan ang aming tubig. 

Merong nakakita ng galong me tubig sa bahayan at agad itong pinagpartehan para panluto ngunit hindi ito sapat para sa lahat. 

Pinagpatuloy namin ang tracking operations sa hilagang bahagi ng pinagkampuhan nina Robot. Tila kinukutya kami ni Haring Araw dahil talaga namang matinding init ang ibinato sa paligid. Grabe na ang pagtitipid namin sa drinking water. Sisigaw na ata kami ng 'Sunoooooooooog!"

Dakong alas-dose, nag-request ako ng long halt para chow time. Pina-secure namin ang paligid para maghanap pa rin ng water points ang iba. Naging desperate na kami. 

Nagmuni-muni ako at patinga-tingala sa langit para manawagan sa Diyos na bawasan ang kagat ng sinag ng araw nang namataan ko ang berdeng bilog sa itaas. 

"Botong!" (Niyog)

Nakakita ako ng solusyon sa aming problema. Merong mababa lang na mga puno pero humihitik sa bunga. Kahit makalikha man ito ng ingay, nag-violate na kami para sa survival. Kung aatake sina Robot, welcome!

Nagpasungkit ako ng iilan para mainom. Mala-uhog ang napunta sa akin. Parang heaven ang dulot nito! Ini-imagine ko na nasa Megamall ako habang ninamnam ito. Solved!

"Wag nang maghanap ng tubig dahil talagang wala!Ito ang gawin nating sabaw simula ngayong hapunan!" 

Kaya ayon, manamis namis ang aming kanin pati ang aming ulam na sardinas. Parang naging biko ang lasa. 

Natitiis naman namin........noong una.

Dahil ito rin ang naging sabaw at inumin namin noong succeeding meals the next day, nawalan kaming lahat ng ganang kumain. 

Pinagtiyagaan kong unti-untiing baliin ang katago-tago kong chocolate bar pampawi ng gutom. 

Lalo kaming naiinis kay Robot at Susukan. 

"May araw ka rin Robot. Me kalagyan ka sa amin pag mag-cross ang ating landas!"

Pilit kong pataasin lagi ang morale ng aking tropa. 

"Tiis tiis lang tayo, kaya nga Rangers eh. Malay nyo uulan mamayang gabi? Buti nga tayo merong nakakain at nakakapagluto pa. Sina Robot di nga nila magawang magsungkit ng niyog. Hanggang nakatayo ang bandera ng Pilipinas, ayos pa tayo!"

(Ipagpatuloy)





























Morong 43 'health worker' dies in a gun fight with Army soldiers

$
0
0

 
Another NPA bandit who claims to be an ordinary 'health worker'  lay dead after engaging Army soldiers in a firefight in  Bgy Kabayunan, Dona Remedios Trinidad, Bulacan on August 9, 2013 .
 
Ramon dela Cruz, also known in the NPA circles as Ka Mandy, was among those arrested while undergoing medical seminar  in Morong town, Rizal in 2010.
 
Dela Cruz and his comrades engaged the combined elements of the 48th Infantry Battalion and the local police in a firefight. The security forces were sent to arrest them based on the complaint of extortion from a civilian resident of said village.
 
Two other NPA bandits were killed during the said firefight that lasted about an hour. They were only identified by their aliases, Ka Eldy and Ka Robin.
 
The cadaver of Dela Cruz was claimed by his parents who were identified as Ramon dela Cruz and Rosita, both residents of Namayan village in Malolos, Rizal.
 
The two unidentified fatalities were turned over to PNP-DRT for proper disposition.
 
The tale of the 'Morong 43'
 
It can be recalled that forty three alleged NPA bandits were arrested in a law enforcement operation carried out by PNP Rizal and the Army on February 6, 2010.
 
The security forces seized unlicensed firearms and explosives from the group.
 
They were initially detained at an Army detention facility in Camp Capinpin, Tanay, Rizal right after their arrest.
 
Self-proclaimed human rights advocates claimed that all of the arrested personalities were ordinary health workers.
 
Five of the arrested personalities admitted their membership to the banned communist armed group, the New People's Army. They were later known publicly as the 'Morong 5'.  
 
 Three of them  promptly denied reports that they were tortured by the arresting officers. Cherelyn Tawagon, Eleonor Carandang and Valentino Paulino all claimed in a TV interview that they were indeed members of the New People's Army like the others.

Carandang said that they were undergoing medical training to serve as 'combat medics' of the NPA. Among their training instructions was how to treat bullet sustained injuries.
 
Paulino said that he joined the communist movement in 2003 and that he had killed 3 people in previous firefights that he was involved in.
 
For her part, Tawagon said that  the soldiers are in fact treating them well while in detention. She said that they were indeed handcuffed but denied being blindfolded for 36 hours as claimed by KARAPATAN.
 
Inspector Rex Cuntapay positively identified two NPA members  Linda Otañez and Pearl Irene Martinez as among the bandits who  held him captive for 83 days after a deadly ambush in January 3, 2009 in Rodriguez town Rizal.
 
Meanwhile, the policemen who were detailed in the municipal police station in San Narciso town, Quezon pinpointed the NPA bandits who were among those who posed as journalists in a raid of their outpost in December 2009.
 
The policemen clearly identified Mark Escartin, Linda Otanez,  Aldrin Garcia, Edwin Detera, Antonio de Dios, and Reynaldo Macabenta as the ones who presented themselves as members of the media before poking their guns on them.
 
The 38 people who were part of the so called 'Morong 43' were later released by the government as among the  confidence building measures in the advent of the peace talks with the CPP-NPA-NDF.
 
A senior military official who was involved in the arrest of the 'Morong 43' said that he was saddened by the death of  Dela Cruz.
 
He said that the latter initially expressed his intention to avail of the Social Integration Program of the government but was forced by his handlers to go back to the armed group.
 
"If he followed the path of the 'Morong 5', he should be alive by now. I hope that the other 'health workers' who are now back in the armed bandit group will realize the futility of their cause. It is not too late for them," he said in condition of anonymity.
 

To see the feature stories about the 'Morong 5', please click the following links:

 
 
 
 

Viewing all 195 articles
Browse latest View live