Quantcast
Channel: Ranger Cabunzky's Blog
Viewing all 195 articles
Browse latest View live

Filipino soldiers hurdle the British All Arms Commando Course

$
0
0

The proud members of the All Arms Commando Course 01/16 pose for a souvenir photo after hurdling one of the most rigorous military training in the world. (Photo by Cpt Omar Al-Assaf)


Four of the active AFP officers who completed the course visited the AACC candidates in the United Kingdom. (From left) BGen John Aying, MGen Danilo Pamonag, Cpt Omar Al-Assaf, Lt General Glorioso Miranda, 2nd Lt Orlando Lictawa, and Lt Gen. Ferdinand Quidilla. (Photo by Cpt Omar Al-Assaf)

Lt. General Glorioso 'Dovie' Miranda, the incumbent Commanding General of the Philippine Army, chats with Cpt Al-Assaf (left) and 2nd Lictawa. (Photo by Cpt Al Assaf)


Two Filipino officers have hurdled the physically demanding All Ams Commando Course (AACC) 01/16 that was conducted by the Commando Training Centre, Royal Marines (CTCRM) in the United Kingdom. 

Army Captain Omar Al-Assaf, 32, of the Special Operations Command, Philippine Army and 2Lt. Orlando Lictawa of the Philippine Marine Corps were among those who completed the grueling course that lasted 13 weeks.  

Al-Assaf, Lictawa, and a Danish soldier were the only survivors out of the five foreign exchange students.  Only 45 soldiers out of 105 candidates finished the course and earned the right to wear the much coveted AACC 'Commando Dagger'.

Rigid course

The AACC candidates underwent various tests to qualify for the course. In full combat gear, the soldiers had to hurdle the following tests:
-30 foot rope climb
-Bottom Field assault course within 5 minutes
- Fireman's carry (with equipment for both soldiers) at a distance of 200 meters within 90 seconds
- Full regain over the water tank
- 12-mile (19km) load carry (also known as ruck march) carrying 31kgs and rifle within 4 hours
AACC students undergo rigorous tests during which more than 50% fail to finish the course. (AACC photo)

During the course, the candidates have to complete the Commando Tests such as the Endurance Course, 9-mile Speed March, Tarzan Assault Course, and the 30-miler.
Standing only 5ft 4 inches, Al-Assaf found it very challenging to carry the 45-kg combat pack which was designed for the taller and bigger soldiers from the West.
AACC candidates undergo the ruck march test carrying a 45-kg combat pack and an assault rifle. (AACC photo)

Weighing only 64 kgs, Al-Assaf was required to carry a 45kg ruck during ruck marches. He said that his iron determination that he learned as a PMA cadet helped him overcome the odds. 

"I wanted to succeed because I was wearing the Philippine flag on my shoulders. I wanted to prove that Filipino soldiers are among the best in the world," said Al-Assaf, a member of PMA 'Mandala' Class of 2006. 

Aside from the Commando Dagger, Al-Assaf has also earned the distinct honor of being granted the Commandant's Certificate as one of the best students in the course.
Cpt Omar Al-Assaf was awarded the Commandant's Certificate for being one of the best students of AACC Class 01-16. (Photo by Cpt Omar Al-Assaf) 


Hitsurang Bandido: Ang kagawiang dapat walisin sa Sandatahang Lakas

$
0
0
 Ang hitsura ng mga rebeldeng nakakaaway ng mga sundalong Pilipino noong unang panahon. (Larawan mula sa open sources)


Simula nang magkaroon ng mga propesyonal na Army sa Europa noong 1800s, dahan-dahan na nabuo ang mga regulasyon na syang nagpapairal sa kakaibang disiplina ng organisasyong itinatatag para ipagtanggol ang mga umusbong na mga bansa. 

Ang pagsusunod sa mga regulasyon ng militar kagaya ng tamang kasuutan, gupit at kagawian ay nagpapakita sa kakaibang disiplina na inaasahan sa isang propesyonal na organisasyong militar. 

Kahit ang mga sinaunang mandirigma sa Battle of Thermopylae ay pare-parehas ang kasuutan at sumusunod sa mahigpit na regulasyon ng kanilang mga pinuno. (Larawan mula sa open sources)

Ang hitsura at kasuutan ng mga sundalo ng France na pinamunuan ni Napoleon Bonaparte sa pakikidigma ay sumusunod din sa mga regulasyon ng kasuutan. (Larawan mula sa open sources)

Ang pagpapasunod sa parehas na standard ng gupit at uniporme ay mahalaga para sa isang yunit ng militar nang sa gayon ay mapanatili ang kakaibang unit pride, disciplinary standard, at comradeship ng mga tropa. 

Simula nang maitatag ang Philippine Army noong 1897, dahan-dahan ding naisulat ang mga regulasyon kagaya ng tamang gupit at uniporme. Si Heneral Antonio Luna ay kilala sa isang mabagsik na pinuno sa larangan ng pagpapairal ng disiplina, kasama na ang pagsusuot ng tamang uniporme at gupit militar. 

Ito ang hitsura ng mga mandirigmang kagaya ni Macario Sakay na lumaban sa mga Amerikano noong Filipino-American war. (Larawan mula sa open sources)

Ang mga sundalong Amerikano ang nagpataas sa antas ng disiplina militar nang binuo ang USAFFE bago ang ikalawang digmaang pandaigdig. Naipagpatuloy na muli ang pagsasanay ng mga sundalo  sa tamang disiplina nang matapos ang digmaan ngunit agad-agad namang nasabak ang mga sundalo sa pakikidigma sa mga gerilyang Huk noong 1950s. 

Hitsurang bandido

Noong 1950s, ang mga sundalong Scout Rangers ay pinapayagang magpahaba ng buhok at mag-hitsurang bandido dahil sa kanila iniaatas ang mga sensitibong misyon kagaya ng paghahagilap sa mga kuta ng mga bandido at ang pagpatay sa mga pinuno nito. Katunayan, nagawa ng mga Musang na sina Msgt Francisco Camacho Cpl Weenee Martillana ang pagpatay sa kilabot na lider ng bandidong Huk na si Eddie Villapando, dahil nagpahaba rin sila ng buhok at nagpanggap na mga sibilyan habang nasa misyon. 

Nakagawian na rin ng mga Scout Rangers ang magpahaba ng buhok noong 1970s at 1980s dahil sa mga 'espesyal' na mga misyon na kung saan ay nakikihalubilo sila sa mga ordinaryong tao sa kanayunan para mahagilap ang mga bandidong humahalo sa komunidad. 

Disiplinado at maayos ang hitsura ng mga sundalong Pilipino na nakikidigma noong WWII kasama ang US Army na nasa larawan. (Larawan mula sa open sources)

Pagwawasto sa kagawian

Para sa akin, dapat pairaling muli ang disiplina ng mga sundalo kagaya ng tamang pagsuot ng uniporme at pagsunod sa tamang hitsura ng isang propesyonal na sundalo. Una, nawawala ang silbi ng pagpapahaba ng buhok habang nasa misyon dahil sa mga karanasan ng mga kaaway sa taktika ng pakikidigma ng mga sundalo sa mga nakaraang panahon. Halimbawa, ang misyon ng mga Musang ay 'strike mission' (direct action mission) lamang at hindi kaparehas sa Special Forces na tumitira sa kanayunan at nag-oorganisa ng CHDF o CAFGU para idepensa ang mga tao mula sa bandido. Common sense na lang na makikiayon ang Special Forces sa kagawian ng tao nang mapadali ang pagtanggap ng mga ito sa kanila. Kagawian sa kultura ng mga Pilipinong Muslim ay magpatubo ng bigote kaya praktikal na rin noon na gayahin ang hitsura nila bilang pakikiayon sa kanilang kultura. 

Pangalawa, kahit mahahaba ang buhok ng mga sundalo, di naman sila marunong ng salita ng mga netibo sa lugar. Mas lalo nang malabong useful ang pagpapahaba ng buhok o bigote kung natuto na rin ng passwords at countersigns ang mga bandido. Nasa internet na ngayon ang mga kwento ng pakikidigma, kasama na ang counterinsurgency warfare

Pangatlo, dapat lang na tatalima ang lahat sa nakasaad sa AFP Transformation Roadmap na kung saan ay inaasam ng pamunuan na 'aakuin at ipagmamalaki ng mga Pilipino ang kanilang mga sundalo'. Sino ba namang matinong Pilipino ang magmamalaki sa sundalong hitsurang bandidong Abu Sayyaf o NPA? 

Pang-apat, ang matitinong lider ay dapat malawak ang pananaw at natututo sa mga karanasan. Minsan, hindi mo na matukoy kung sino ang sundalo o bandido sa mga engkwentro kung maghalo-halo na ang iba't-ibang yunit. Ito ang aking mapait na karanasan nang mag-reinforce ako sa mga estudyante ng SR Class 145 na nakasagupa ng mga bandidong Abu Sayyaf sa Tuburan, Basilan noong taong 2002. 

Pangwakas, walang direktang koneksyon ang pagpahaba ng buhok at ng katapangan. Noong ako ay Tenyente, binuo ko ang grupo ng mga sundalong ayaw magpagupit at pinamunuan ko bilang nasa spearhead ng mga operasyon kontra Abu Sayyaf. Sa mga labanan, nakikita ko yong sumusubsob sa likuran ng bato o sa puno ng niyog ang mga 'warrior'kuno. Di rin nagtagal, gusto nang magpagupit iyong ibang gupit bandido. Porma lang pala pare ko. Sa ngayon, ang aking opinyon sa mga nagpapahaba ng buhok ay pabebe at pang-porma lang sa FB posts.

Ang dapat na hitsura ng respetadong mandirigmang Pilipino. Pinaninidigan ang pagiging mandirigma sa aktwal na labanan at hindi sa porma lamang. Pinatunayan ito ng mga mandirigma ng SOCOM (SR, SF at LRC) sa Zamboanga Siege noong 2013. (Larawan mula sa open sources)

Therefore, hindi ako sang-ayon sa inyong baluktot na paniniwala at argumento tungkol sa paggaya sa hitsurang bandido. Kung ipagpilitan ninyo, volunteer agad na maging assault element parati sa yunit ninyo. Mas maigi kung magiging pinuno nyo ako, katabi sa labanan at kikilatisin ko ang pagiging 'warrior' base sa hitsura nyo. 


Walang Iwanan hanggang kamatayan: Ang mandirigma ng 5th Mechanized Infantry Battalion

$
0
0


Si 1st Lt Jerry Alvarez ng 5th Mechanized Infantry Battalion ay nagpakita ng kabayanihan pagkatapos na maipit sa sagupaan na kung saan ay nabalahaw ang armored vehicles na tinamaan ng anti-armor high explosive rounds. (Photo by 1st Lt Jerry Alvarez)

Minsan, ang tinaguriang bayani ay bigla na lang lumulutang sa panahon ng kagipitan na kinasasadlakan. Ito ang kwento ni 1st Lt Jerry Alvarez, 37, tubong Bayambang, Pangasinan at opisyal ng 5th Mechanized Infantry Battalion. Sya ay naatasang sagipin si 1st Lt John Carl Morales ng 49th Infantry Battalion, na nasugatan sa labanan kontra Maute Group noong ika-23 ng Mayo 2017.

Si 1st Lt John Carl Morales ang Commanding Officer ng Bravo Company, 49th Infantry Battalion na nasugatan sa sagupaan kontra teroristang Maute Group noong ika-23 ng Mayo 2017. Si 1st Lt Alvarez ang naatasan na sagipin ang nasabing opisyal para madala ito sa ospital. (49IB photo)

Mag-alas onse na noon ng gabi ng sya at nabigyan ng isang mahirap na misyon. “Sunduin mo si Lt Morales sa casualty collection point para madala sa ospital. Malubha ang kanyang kalagayan,” sabi ng Operations Officer.

Sa hapon na iyon ay na-monitor nya ang impormasyon na naglabasan ang mga armadong grupo sa mismong syudad at inokupa nito ang mga matataas na buildings. Ang mga Maute ay namataang may bitbit na scoped rifles, rocket-propelled grenades, at machineguns.

Sa kinakaharap na armadong pwersa at sa urban terrain na control nito, alam nya na kulang ang kanyang tropa na lulan sa dalawang armored vehicles, and Commando V150 at Simba (SFV).

Naalala nya ang kanyang pamilya, ang kanyang dalawang mga anak na sina Angie, 11, at Alex, 6. Naiintindihan din nya na merong pamilya na nag-aantay kay Lt Morales kaya kailangang masagip sya sa tiyak na kapahamakan. Dahil dito, naging sentro sa kanyang isipan ang tulungan si Lt Morales kahit alam nya na makikipagsugal din sya kay Kamatayan.

Binigyan nya ng detalyadong mission briefing ang kanyang mga kasamahan, at tinalakay nila ang contingency plans. Taimtim silang nanalangin at nilisan ang kampo dakong alas-onse ng gabing iyon.

Mainit na pagsalubong

Lulan ng isang Commando Vehicle at Simba Vehicle, tinahak nila ang kalsada patungo sa Marawi City. Tinatawid nila ang Banggolo bridge nang pinaulanan sila ng automatic fires at pinaputukan ng rocket propelled grenades. Sa lagabog at kalansing ng mga punglo na tumatama sa kanyang sasakyan, nanariwa sa kanya ang kanyang baptism of fire sa Butig, Lanao del Sur iilang taon lang ang lumipas.

“Return fire!”.  “Bypass!” Isinigaw nya ang kanyang commands at ipinaabot din ito sa sumusunod na vehicle sa pamamagitan ng tactical radio. Habang umusad sila papunta sa syudad ng Marawi, iilang improvised bombs ang pinasabog sa kanilang vehicles ngunit walang napuruhan sa kanila.

Kinontak ni Lt Alvarez sa tactical radio ang opisyal ng 49th IB para sa gagawing link-up operation. Si 1st Lt Ray Acosta, ang nakausap nya sa kabilang linya.

“Ang pinaka-reference mo sa location namin ay ang trak na nakaharang sa daanan. Abangan namin kayo,” sabi ni Acosta.

Itinuloy nila ang pag-advance pagkatapos malampasan ang stronghold ng kalaban hanggang sa may nakita silang nakahambalang na trak sa daanan.  Ang problema, umuulan na bala ang sumalubong sa kanila. Binagbagan kaagad ng kanyang gunner ang pwesto ng mga armadong grupo kaya napasigaw si Lt Alvarez.

“Cease fire! Mga kasama natin iyan!”

Samantala, si Sgt Waoy na syang driver at nakakakita sa mga hitsura ng nailawan na mga armado ay sigurado na terorista talaga ang nang-ambush sa kanila.

“Kalaban na talaga ito sir! Cpl Lumbay, continue firing!”

Di nagtagal sa kanilang pakipagpalitan ng putok ay niyanig ang Commando vehicle ng pagsabog. Tinamaan sila ng Rocket-propelled grenade!

Puwing mula sa mga alikabok, makapal na usok, at kalawang ang inabot nila. Marami ang may tama sa kasamahan niya sa loob ng armored vehicle.

“May tama ako sir!”

Tuloy ang pamumutok sa kanila at merong mga kasunod na RPG fires. Nakita nyang nakahandusay na si Private Purlas. Patay na ito nang pinulsuhan nya. Nang inusisa nya ang mga kasamahan, isa lang ang walang tama.

Tumawag sya sa Simba vehicle para ma-sustain ang supporting fires mula sa likuran.

“Cpl Parel, tuloy ang putok sa pwesto ng mga kalaban!” Nag-maneuver ng mas magandang position ang driver ng Simba na si TSg Santos at pinaulanan nila ng bala ang mga terorista na nasa mga konkretong pwesto. Napatay nila ang ilang sa naabutan ng Cal 50 M2 ball rounds.

Sa kasagsagan ng putukan, tinamaan uli ang Commando vehicle na syang dahilan para ito ay tumirik. Di na ito makaalis sa posisyon at ang kanyang Cal 50 machinegun ay nakatutok na lamang sa eastern direction. Doon sya nagdesisyon na lumabas para idepensa ang mga vehicles mula sa nakapaligid na buildings.

“Dismount tayo, maiwan ang driver at gunners para mag-base of fire!”

Tinawagan din nya sina Tsg Santos na nasa Simba vehicle upang bigyan din ng kaparehas na instruction.

“Maiwan kayo ni Cpl Parel, ang ibang tropa ay maghati-hati ng posisyon para makakuha ng mga buildings sa lahat na north, south, west at east.”

Kasama ang mga sugatan na kaya niyang hilahin palabas, tinakbo ni Lt Alvarez ang isang bahay para gamiting cover. Si Pvt Cabonitas ay di na kayang makalakad dahil sa naputol ang kanyang paa, kaya tinalian nila ito para mahinto ang bleeding at binigyan ng first aid treatment. Pinilit din nito na makakuha ng defensive position sa labas para makasuporta sa pagbigay ng cover fire sa grupo ni Lt Alvarez.

Habang nakikipagputukan ang mga armored vehicles sa labas, ginamot at pinapataas nya ang morale ng mga sugatan na kasama. Apat sa kanila ay natamaan sa mata ng shrapnel. Si Pfc Martin ay nabulag ang dalawang mata. Si Pfc Rebuca at Pvt Balasico ay natamaan ang isang mata. Samantala, kinuha ni Pfc Valencia ang medical kit sa loob ng vehicle para gamutin ang mga sugatang kasamahan.

Sa buong madaling araw ng May 24, nakipagbarilan sila sa mga terorista. Napansin nya ang mga laser aiming devices ginamit ng mga kalaban na tila ay hinahagilap ang kanilang silhouette sa pinagtataguan.

Nakita rin nya ang mga sibilyan sa mga bahayan na ayaw pang lisanin ang lugar. Nahahabag sya sa takot ng mga iyon sa gitna ng putukan na nagaganap. Pinatago nya sila sa mas magandang pwesto. Minabuti ni Lt Alvarez na makapagbigay kanyang grid location at humingi ng reinforcement para sa MEDEVAC ng kanyang mga casualties.

Sa kanyang pakikipag-usap sa kanyang Battalion Commander na si Lt Col Goyena, pinapatatag nito ang kanilang kalooban: “Kapit lang kayo, makakarating din ang reinforcements dyan. Papunta na sila sa Banggolo Bridge!” 

Napabuntong-hininga sya sa narinig dahil alam nya ang tindi ng pwersa na nakaabang sa lugar. Malaking balakid ang mga kalaban na nakapwesto sa matataas na buildings at sa paligid ng tulay na iyon.

Nang lumiwanag, humupa ang putukan at napansin nya ang pagdagsa ng mga sibilyan sa kanyang pwesto.

“Sir, tulungan nyo po kami. Gusto naming makaligtas mula sa nagliliparang bala dito,” sabi ng isang babae na tangay ang kanyang maliliit na mga anak. Lubos syang naawa sa mga ito kaya itinuro nya ang direksyon ng 49th Infantry Battalion upang doon sila makakuha ng mas ligtas na pwesto.

Nagkaroon ng lull sa putukan sa umaga na iyon. Kinuha nya itong oportunidad para maka-reposition ng mas magagandang sector sa mga buildings ang kanyang mga tauhan. 

Nang nilapitan nya si Pvt Cabonitas, nagmamakaawa itong humingi ng tubig. “Sir, pahingi naman ng tubig!” Nilapitan nya ito para basain lang ng tubig ang labi nito.

“Masama para sa iyo ang uminom ng tubig. Laban lang tayo at paparating na ang reinforcements!”

Pagkabalik nya sa kanyang pwesto, pinagsaing nya ang tropa ng kanin. Gutom na gutom na sila sa panahon na iyon. Na-monitor nya sa tactical radios na dumadami ang casualties ng reinforcing troops sa Banggolo Bridge, lalo na ang mga miyembro ng SR Class 200 na sumugod para tulungan sila. Alam nyang matatagalan pa ang pagsundo sa kanila.

“Tuloy lang ang laban. Bantayan nyong mabuti ang sector nyo,” utos ni Lt Alvarez sa kanyang tropa.

Bandang alas diyes, nabalitaan nya na nakahandusay na si Pvt Cabonitas sa kanyang pwesto. Di na nya nakayanan ang sobrang hirap dahil sa kanyang tama. 

Buong maghapon, inikot nya ang pwesto ng kanyang tropa. Nakahanap din sya ng helicopter landing zone (HLZ) sa isang solar drier na di kalayuan sa kanilang pwesto. Sa araw na iyon, naging abala rin sya sa pagtulong sa mga tao na nagsipaglikas sa lugar.

May 25 (Nabuhay ang 'patay')

Mga 5:00am ng May 25, nakita nya ang isang matanda na naglalakad na may gamit na tungkod. Namumukhaan nya ito dahil mga 25 metro lamang ang layo nito mula sa kanyang pwesto. Napansin nyang itinuturo ng matanda ang direksyon ng bodega na katabi ng building na tinaguan nya. Di nagtagal ay sinundo ito ng isa pang lalaki na nakasuot ng malong. Dahil sa tingin nya ay ordinaryong sibilyan ang mga ito, hindi nila ito pinaputukan. Ngunit, nang makaalis ang matanda, niratrat uli ng mga armadong grupo ang kanilang pwesto bandang 6:30am!

Humigit kumulang sa 50 na terorista ang lumusob sa kanila ngunit maganda ang mga pwestong building ang nakuha ng tropa ni Lt Alvarez. Paisa-isa nilang nababaril ang mga kalaban na nasa kalsada. Patuloy din ang pakikipaglaban ng dalawang armored vehicles na nasa kalsada.

Sa hapon ng May 25, nauubusan ng bala ang Simba, at sobrang nanlupaypay sa pagod at gutom si Tsg Santos, ang driver nito. Ganon pa man, tinakbo ni TSg Santos ang Commando vehicle para kumuha ng bala doon. Sa kasamaang palad, tinamaan sya ng bala nang paakyat muli sa Simba, ngunit tumuloy ito para i-maneho ito. Napa-jockeying pa ni TSg Santos ang sasakyan para makaputok ang gunner na si Cpl Parel,  hanggang huminto na ito ng nalagutan sya ng hininga.

Nang magkaubusan uli ng bala ang Simba, lumabas si Cpl Parel para kumuha ng bala mula sa Commando vehicle, ngunit tinamaan din sya at napilitang gumapang sa ilalim nito. Nakita ni Lt Alvarez na hindi na ito gumagalaw.

Sa loob ng Commando, patuloy ang pakikipagputukan ng gunner na si Cpl Lumbay. “Ayaw nya talagang iwanan ang namatay na tropang sina Pvt Cabonitas at Pvt Purlas,” salaysay ni Lt Alvarez.

Si Sgt Waoy naman ay lumabas din sa Commando at kinuha ang east sector para doon magdepensa. Kahit mag-isa, nagawa nitong paatrasin ang nagtangkang lumapit sa kanilang sasakyan na nasa open terrain.

“Ang problema ni Lumbay ay hindi na nya maiikot ang Cal 50 machinegun dahil nasira ito kaya napilitan itong tumakbo papunta sa Simba para gamitin ito sa pakikipaglaban,” dagdag pa ni Lt Alvarez.

Kinagabihan, naulinigan ni Cpl Lumbay na merong kumakatok. Noong una inakala nya itong kalaban ngunit napansin nyang marunong itong kalikutin at buksan ang lock ng pinto.

“Nagulantang si Cpl Lumbay nang Makita nyang si Cpl Parel ang pumasok sa Commando. Buhay pala sya,” sabi ni Lt Alvarez. “Natuwa si Cpl Lumbay dahil nagkaroon sya ng ka- buddy sa pagdepensa ng kanilang sasakyan at mga kasamahan.”

Habang nagmo-monitor sa radio mga alas kuwatro ng hapon, nabalitaan ni Lt Alvarez ang paparating na tropa ng 44th Infantry Battalion at 15thInfantry Battalion. Nang i-plot niya ang GPS location ng mga reinforcements, nasa bandang 50 metro na lang sila. Kinausap nya uli ang tropa at pinasaya sila.

“Ayan, nasa tabi na lang natin ang reinforcements. Sige, maghanda na tayo na salubungin sila para madala na kayo sa ospital!”

Tumindi ang palitan ng putok sa pwesto ng 44th IB at 15th IB na ikinasugat ng ilan sa mga tropa nito. Nagpasya ang opisyal nito na i-suspend ang pag-rescue sa kanila dahil sa tindi ng resistance mula sa mga terorista.

Patagal nang patagal ang labanan, dumagsa ang maraming kaaway mula sa north sector. Pinaulanan nila ng RPG at tinatapunan ng Molotov cocktails ang bahay na pinagpwestuhan ni Lt Alvarez.

“Sa isang iglap, nakita naming nagliyab na ang mga kutson na naging mitsa na masunog ang bahay. Tumakbo kami pababa ngunit nasusunog na rin ito. Inakay ko ang mga sugatan papunta sa CR dahil di na naming matiis ang paglanghap ng usok,” sabi ni Lt Alvarez.

Tinangka ni Lt Alvarez na apulahin ang apoy ngunit tuloy-tuloy ding niraratrat ng mga kaaway ang kanilang pwesto kaya doon sila sa nagpaikot sa may drum ng tubig, ang kanilang huling pag-asa na mabuhay sa loob ng nasusunog na bahay.  Nagbasa sila ng mga tela at damit at ginamit itong panangga sa apoy at usok sa iilang oras na nagliliyab ang buong bahay.

Mga bandang 7:00pm nang nagpasya siyang akayin ang mga sugatang kasamahan pabalik ng second floor. Sa kanyang assessment, mas madali nilang madepensa ang posisyon nila kapag don sila magpwesto sa ikalawang palapag, dahil hindi sila napuputukan ng mga kalaban na nasa ibaba. Kinakapa nya ang kanyang mga kasamahan para ma-account sila bago nya ito inakay paakyat sa hagdan.

“Ang problema namin, dahan-dahang bumabagsak ang mga baga mula sa kisame na kasusunog. Napapaso kami ngunit kailangan naming itong tiisin kaysa ulanin kami ng M203 rounds at RPG,” sabi nya.

Pinapataas ni 1st Lt Jerry Alvarez ang morale ng kanyang tropa na panay sugatan sa nangyaring sagupaan sa Marawi City. (Photo by 1st Lt Jerry Alvarez)

Para lumakas ang loob ng lahat na kasama, nagtabi-tabi sila sa isang sulok. Minabuti nyang magdasal habang tinitiis ang init ng baga na naglusaw sa parte ng kanilang uniporme. Parang nag-chorus ang mga kasamahan niya sa pagsunod sa panalangin sa Diyos nang marinig ang kanyang dasal.

“Ang dasal ang siyang nagpatatag sa kalooban naming sa gabing iyon. Naisip namin ang aming mahal sa buhay na nag-aantay sa amin kaya kinakailangan naming lumaban hanggang sa huling patak ng aming dugo,” ayon kay Lt Alvarez, na dating kadete at miyembro ng PMA Class 2005.

“Malaki rin ang tulong ng pagka-plebo ko sa PMA na kung saan ay dumaan ako sa matinding pagsubok. Itinuro sa amin doon na huwag sumuko at panatiliing matatag ang kalooban sa gitna ng kagipitan,” dagdag pa nya.

Tiniis ng grupo ni Lt Jerry Alvarez ang init ng bumabagsak na baga mula sa nasunog na kisame para maiwasan ang tiyak na kamatayan mula sa pang-ratrat ng mga terorista sa ground floor ng bahay na tinaguan. (Photo by 1st Lt Jerry Alvarez)


May 26 (Ang katapangan ni Pvt Estores)


Sa kanilang pakikipag-usap sa kanyang mga kasamahan na nasa katabing building, inireport ng mga ito na meron nang mga tropa na nasa eastern location nila, at lahat ng mga iyon ay nakasuot ng itim na helmet. Itinawag nya ito sa 44th IB.

“Hindi kami iyan. Olive drab ang aming helmet. Mga Maute ang nakikita nyo,” sabi na opisyal na kanyang nakausap.  Bigla syang naalarma, napapaligiran na sila ng mga kalaban. Tumawag sya ng close air support (CAS) sa 103rd Brigade Headquarters. Pinabagsakan nya ng bomba ang posisyon ng mga ito kaya natahimik ang mga terorista sa pwesto nila.

Si Pvt Estores ay nagpasyang takbuhin ang Commando vehicle kasama si Pvt Rivera dahil ang mga terorista ay sumugod sa eastern direction na kung saan nakatutok ang tumirik na Cal 50 machinegun. Marami ang napatay nina Pvt Estores kaya lalong pinaulanan ng mga Maute ng RPG ang Commando vehicle, isa rito ang tumagos at agad na ikinamatay ni Pvt Estores, ang pang-apat na nagbuwis ng buhay sa grupo ni Lt Alvarez.

Mag-isa na lang na buhay si Pvt Rivera sa Commando ngunit lalo syang nagagalit sa mga kalaban na lumapit sa kanilang armored vehicle. Inilabas nya ang kanyang baril sa gun port at pinagbabaril ang RPG gunner ng terorista. Nagsipagtakbuhan ang mga ito pabalik sa pinanggalingan na building sa eastern sector.


May 27 (Ang tutong na pagkain)

Kinaumagahan ng May 27, naghagilap sya ng makakain dahil naubos na ang ilang kapirasong Skyflakes na naisingit nya sa kanyang bandoleer. Tila milagro, nakita nya ang tunaw na kaldero na meron pang laman na kanin na iniluto nila noong nakaraang araw!

“Nasunog na rin ang kanin ngunit nang inusisa ko ang ilalim nito, meron pang natirang maputing bahagi na pwede pang pagtyagaan. Tutong ang itaas at ilalim nito na tila nasunog na bibingka. Hating kapatid kaming lahat sa milagrong pagkain,” sabi nya.

Nasa kalagitnaan sila ng pagngatngat ng tuyo nang pagkain nang umulan uli ng bala sa paligid. Dumami uli ang mga terorista na gustong agawin ang armored vehicles.

Na-lobat na ang kanyang radio kaya cellphone na ang gamit nya sa pagkontak sa Brigade at sa mga kasamahan na nasa ibang mga building. Nagrequest sya ng artillery support sa hilagang bahagi ng kanyang pwesto na pinagposisyonan ng mga terorista. Noong una ay di sya pinagbigyan ng Brigade dahil 50 metro lang ang layo nito sa kanyang pwesto. Ang taktika naman ng terorista ay lalong lumalapit sa pwesto ng mga sundalo tuwing mabagsakan ang pwesto nila ng 105mm rounds.

“Nag-alala ang nasa artillery na matamaan kami dahil 30 metro lang ang pinapatakan ko. Ipinaliwanag ko na matibay ang building na kinaroonan ko at maliban doon, maaaring ma-wipe out na kami dahil paubos na ang aming bala,” sabi nya.

Nang nagdapuan ang 105mm high explosive rounds, natameme ang mga terorista at nagsipagtakbuhan sila. Nang nakita ni Pvt Okoman na gustong mag-maneuver ng terorista sa likuran nya, bumaba sya sa gate para pagbabarilin ang terorista na gumapang papunta doon.

Di kalaunan, dumating uli ang tropa ng 44th IB at 15th IB at nakalapit muli sa 50 metro ang layo ngunit nagkaroon na naman ng casualties sa sagupaan. Dahil dito, aborted muli ang pagsundo sa kanila.

Kinagabihan, paubos na muli ang battery ng kanyang cellphone na ginagamit sa pagcontact sa TCP. Ma-isolate sila kung maubusan sila ng battery kaya nagboluntaryo si Pvt Cabanayan na gumapang papunta sa labas at maghanap ng baterya ng motor o sasakyan. Di nya inalintana ang pamamaril ng Maute na di kalayuan sa kanila.

“Laking tuwa namin dahil nakabalik si Cabanayan na may bitbit na baterya ng motor. Ginawan nya ito ng diskarte na maging power source para marecharge ang power bank ko. Ito ang nagamit ko para ma-coordinate ang pagreinforce sa amin ng 1stScout Ranger Battalion kasama ang tropa naming sa 5th Mech Battalion,” sabi nya.

May 28 ("Fire at my position!")

Sa ika-28 ng Mayo, nasa malapit na ang mga Rangers na pinamunuan ni Lt Col Samuel Yunque ngunit makapal pa rin ang mga kalaban na nasa paligid ni Lt Alvarez at mga kasamahan.

“Tuwing marinig o maramdaman naming ang nagmamaso ng pader sa timog na bahagi ng aming pwesto, napapangiti kami sa tuwa. Subalit, nagbubutas din ng pader sa hilagang bahagi ang mga terorista gamit ang maso, kaya napapawi naman ang aming ngiti dahil alam naming papasukin nila kami at pagpapatayin,” kwento nya.

Binubutasan ng mga Scout Rangers ang pader para marating ang pwesto ng tropa ni Lt Jerry Alvarez sa Marinaut, Marawi City. (Photo by 1st SRB)

Gamit ang cellphone, nakarequest si Lt Alvarez ng close air support at napabagsakan ang pwesto ng mga snipers na humarang sa mga Scout Rangers sa southern sector. Dito tumahimik ang mga terorista sa kanilang pwesto kaya mas napabilis ang advance ni Cpt Carandang palapit sa armored vehicles.

Napansin din ni Lt Alvarez na ang mga kalaban ay nakaakyat na sa rooftop ng building na kanyan pinagpwestuhan. Naalarma sya dito dahil baka makababa ito sa ikalawang palapag. Itinawag nya kay Lt Col Yunque ang kanyang request.

“Sir, patakan mo ng mortar ang rooftop ko. Andito na sila sa itaas ko!”

Nag-alala si Lt Col Yunque dahil baka ang sariling tropa ang matamaan ngunit nanigurado si Lt Alvarez na maganda ang cover nila kaya safe ang posisyon nya. Nagdalawang isip man, pinatakan ni Lt Col Yunque ang rooftop hanggang sa matamaan ang mga nakapwesto doon.

“Tuwing merong pumalit na terorista sa rooftop, pinapatakan ko uli hanggang sa wala nang nagtangkang umakyat uli doon. Malaking pasalamat namin sa magagaling na mortar section ng 1st SRBn,” paglalahad ni Lt Alvarez.

Bandang hapon, napagkasunduan nila ni Cpt Carandang na ang rendezvous point ay ang bodega o rice mill iilang metro lang mula sa armored vehicles. Ibinigay nya ang instruction na ito sa lahat ng mga tropa gamit ang kanyang cellphone.

“Sa rice mill tayo magkikita lahat. Salubungin tayo ng Rangers doon.” Nagfeedback ang lahat ng affirmative.

Nang dumating ang takdang panahon ng salubungan sa rice mill, inakay ni Lt Alvarez ang mga kasamahan papunta sa bodega ng rice mill. Merong pailan-ilang putok na sumalubong sa kanila ngunit himala na di sila tinamaan hanggang nasulyapan na nya ang pwesto ng mga Rangers.

“Parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan nang Makita ko ang mga Rangers. Ngunit nag-alala naman ako dahil kulang ang nakarating sa aming rendezvous point,” sabi nya.

Sa kalituhan sa gitna ng putukan, napunta pala sa solar drier sina Pvt Cabanayan at Cpl Lumbay dahil ang pagkaintindi nila dito ay ‘dry mill’! Pagdating sa bilaran, sniper fire mula sa Maute ang sumalubong sa kanila kaya kumaripaspas din silang pabalik hanggang sila ay makapag-link up sa 1st SRBn dakong alas tres y media ng hapon.

Nang binilang ni Lt Alvarez ang kanyang tauhan sa rendezvous point, napag-alaman nyang kulang ang kanyang tropa. Wala si Sgt Wa-oy na kanyang driver sa Commando vehicle at ang ka-buddy nito na si Pfc Martin.

Kinagabihan, nakatanggap siya ng text message mula kay Sgt Wa-oy kaya nagplano uli sila ng taktika paano sila masundo sa kanilang pwesto.

“Wag kang mag-alala, di naming kayo iiwanan. Magkikita tayo bukas umaga pagsikat ng araw,” pa-high morale nyang text kay Sgt Waoy na noon ay nakagamit ng natagpuang cellphone sa isang building.

Sa sunod na umaga, isinakatuparan ang plano na pagsagip sa dalawang natitira pang sundalo. Matinding palitan ng putok uli sa buong maghapon dahil nakapag-reposition ang mga terorista malapit sa mga armored vehicles at nakapwesto ang mga snipers sa matataas na buildings.

Umabot ng 6pm ang engkwentro hanggang matagpuan ng mga Rangers sina Sgt Waoy at Pfc Martin.

“Sa wakas, nakumpleto rin kaming lahat na survivors. Ang natitira na lamang ay ang mga bayaning namatay na nasa loob pa ng armored vehicles. Hindi kami kumpleto hangga’t di pa naming sila maiiuwi,” ayon kay Lt Alvarez.

Abangan ang kuwento sa mga aksyon ng 5th Mechanized Infantry Battalion at ng 1st Scout Ranger Battalion sa kanilang pag-bawi sa naiwang armored vehicles na naiwan sa pwesto ng teroristang Maute. 


(1st of two parts)

Walang iwanan hanggang kamatayan: Ang usapang lalaki ng mga Musang (Part 2)

$
0
0
Ang part 2 sa aking kwento ay naka-sentro sa combat actions ng mga mandirigma ng 1st Scout Ranger Battalion na ipinadala sa Marawi City para mag-reinforce sa mga tropa ng 5th Mechanized Battalion na napaligiran ng mas malaking pwersa ng teroristang Maute simula noong ma-ambush ito noong hating gabi ng ika-23 ng Mayo 2017. Makikita sa larawan ang mga opisyal ng 1st SRBn na pinamunuan ni Lt Col Samuel Yunque, miyembro ng PMA Class 1995 at SR Class 127. (1st SRBn photo)

JUNGLE TERRAIN VS URBAN TERRAIN. Bihasa sa jungle operations ang mga Scout Rangers ngunit meron din silang background sa close quarter combat na parte sa program of instruction ng Scout Ranger Course. Kung ano man ang kakulangan sa kaalaman o kagamitan, ang tanyag na positibong attitude at combat leadership ng mga Scout Rangers ang nagiging susi sa tagumpay. 

23 May 2017 (The Forced March)

Ang tropa ng 1st SRBn ay nasa bulubunduking lugar ng boundary ng Talakag, Bukidnon at Lanao del Sur noong ika-20 ng Mayo dahil tinutugis nila ang mga bandidong New People's Army na nanunog ng farm equipment ng Del Monte Philippines. Nasa ikatatlong araw sila ng kanilang tracking patrol nang matanggap nila ang tawag mula sa 103rd Brigade headquarters para ipaalam na kailangan nilang bumalik sa Lanao del Sur para mag-reinforce sa nangyayaring madugong engkwentro simula noong ika-23 ng Mayo. 

Apat na araw ang kanilang paglalakad papasok sa masusukal na kagubatan ngunit nang mabalitaan na kailangan ang kanilang serbisyo sa Marawi City, pinilit nilang lakarin ito sa pinakamabilis na pamamaraan. Nakuha nilang makabalik sa exit point sa Lanao del Sur sa loob ng dalawang araw na tuloy-tuloy na paglalakad. Dahil dito, panay paltos ang kanilang paa at dalawa sa tropa ay naiwan sa Brigade TCP sapagkat natatanggal na ang balat sa kanilang paa sa kalalakad na basa ang medyas.


 Karamihan sa mga Musang na sumama sa assembly area para sa pag-rescue sa mga tropa ng 5th Mechanized Battalion ay paltos din ang mga paa ngunit di nila ito inintindi dahil nais nilang matulungan ang kapwa sundalo na naipit sa madugong bakbakan. Ayon pa kay Lt Col Sam Yunque:

"Isang oras lang kaming nag-stay sa 103rd Brigade TCP para sa mission briefing ni Col Gene Ponio, ang Brigade Commander. Paika-ika dahil sa sobrang sakit ng paa ang mga tropa habang binabagtas namin ang direksyon papunta sa posisyon ng 44th Infantry Battalion at 15th Infantry Battalion, ngunit kinakalimutan namin iyon para masagip ang mga kasamahan mula sa kapahamakan."


Makikita sa imahe ang Google Map ng lugar na kung saan na-ambush ang grupo ni 1st Lt Jerry Alvarez ng 5th Mechanized Infantry Battalion. Makikita sa larawan ang solar drier, ang bahay na ginawang defensive position ni Lt Alvarez, at ang kanto na kung saan natirik ang armored vehicles. Binilugan ng pula ang mga bahay na kontrolado ng mga teroristang Maute. 

Si Cpt Arnel Carandang, 34, ng Rosario Batangas, ang Commanding Officer ng 1st Scout Ranger Company at ang kanyang Executive Officer na si 1st Lt Gem Kee Gemaol, 27, ng Tacloban City, ang naatasan na maging spearhead unit sa gagawing combat-rescue mission. Ang ka-buddy nito na yunit ay ang 2nd Scout Ranger Company na pinamunuan ni Cpt Erwin Ercilla, ang mistah ni Cpt Carandang.

Si Cpt Arnel Carandang ay miyembro ng PMA Class 2007 (Kaliwa) at si 1st Lt Gem Kee Gemaol naman ay miyembro ng PMA Class 2012. Sila ang nanguna sa pagsugod sa teroristang Maute Group na gustong i-wipe out ang tropa ni 1st Lt Jerry Alvarez.

Si 1st Lt Gem Kee Gemaol ay nagpakita ng katangi-tanging katapangan sa tatlong araw na engkwentro (May 26-May 28) para sa misyon na ibinigay sa 1st Scout Ranger Battalion na i-rescue ang tropa ng 5th Mechanized Infantry Battalion na naipit sa sagupaan sa Bgy Marinaut, Marawi City. Ipinakita ni Lt Gemaol ang stability under pressure at kahanga-hangang combat leadership sa naturang misyon. Ipinagmamalaki nya ang kanyang motto na "Stay Cool!"


Bandang alas kwatro noong ika-26 ng Mayo, narating nila ang ridge line na pinagpwestohan ng 44th Infantry Battalion at 15th Infantry Battalion. Ipinaalam nila na sila na ang manguna sa pag-reinforce sa mga tropa ni Lt Alvarez. 


Dakong alas siyete ng gabi, narating nila ang vicinity ng junction ng mga armored vehicles. Giniliran nila ang mga bahayan para hindi sila mabakbakan sa gitna ng kalsada. Nang sinilip nila ang lugar gamit ang Night Observation Devices (NODs), nakita nila ang mga terorista na umaaligid sa armored vehicles. 

"Malaki ang tuwa namin nang makita namin ang dulo ng Simba vehicle na nasa road junction. Alam namin na buhay pa ang ilan sa mga sundalo na nasa loob nito. Ang problema namin ay hindi namin matiyak kung sa aling mga bahay naroon ang iba pang mga sundalo," sabi ni Lt Germaol. 

Kasama ang leading teams na pinamunuan ni Sgt Rey Tampil at Sgt Romar Parangan at Sgt Roland Saludes, itinawag ni 1st Lt Gemaol kay Cpt Carandang ang kanyang obserbasyon. 

"Sir, may mga kalaban na umaaligid sa armored vehicles. Di namin alam kung saan ang exact location ng friendly forces dito," bulong nya sa radyo.

Sa kanyang pwesto, tila gusto nyang pagbabarilin ang walang kamalay-malay na mga terorista. Merong gamit ang mga Musang na Night Fighting System kaya pwede silang makipagbarilan kahit gabi. 

Nai-zeroed nilang mabuti ang Infra-red aiming device sa kanilang baril at sila lang na merong IR mode na night vision goggles ang nakakakita nito kapag nakatutok laser dot sa noo ng kalaban. Ngunit, nanaig ang kanyang diskarte sa taktika. 

"Sir, paliparan ko muna ng dalawang tear gas ang kalaban at obserbahan ko ang kanilang reaksyon nang matukoy ko ang  lahat ng kanilang pwesto," sabi ni Lt Gemaol kay Cpt Carandang na naka-pwesto sa gilid ng building 20 metro sa kanyang likuran.

Nang ma-approve ng kanyang CO ang diskarte, pinutukan nila ng dalawang rounds ng tear gas ang mga kalaban. Dali-daling nagsipagpulasan ang mga ito ngunit pinaulanan naman sila ng mga bala mula sa iba't-ibang direksyon. 

Di nagtagal, tinira ang kanyang pwesto ng M203 Grenade Launcher at pati small arms fire mula sa iba't-ibang caliber. Lumapag sa limang metro mula sa kanyang pwesto ang 40mm high explosive rounds kaya naghilamos sila ng tilamsik ng lupa at alikabok. Doon nila nalaman na merong nakapwesto sa ibang mga buildings na katabi ng pwesto ng mga tropa ni Lt Alvarez. Kinausap nya uli ang kanyang Company Commander gamit ang hand-held radio. 

"Sir, kontrolado ng mga kalaban ang maraming mga buildings dito sa paligid. Dapat muna nating ma-locate alin sa mga buildings dito ang posisyon ng mga tropa ng 5th Mech Battalion."



Sa mga yugtong iyon, di pa nila natitiyak kung nasaan talaga ang mga bahay na okupado ng friendly forces. Base sa pinanggalingan ng putok, labo-labo na ang location nila. Dahil dito, iniutos ni Lt Col Yunque kay Cpt Carandang ang pagkuha ng covered positions sa likuran. Agad tinalima ni Lt Gemaol ang utos ng kanyang CO nang tinawagan sya nito sa tactical radio.

"Nag-reposition kami sa mas magandang pwesto, isang bahay na katabi ng 3- storey na orange building. Nagpahinga kami sa ground floor ngunit di rin kami nakatulog dahil laging namumutok sa mga bahayan sa paligid ng armored vehicles. Napansin kong merong solar light sa loob ng orange building na iyon," sabi ni Lt Gemaol. 

27 May ("Sleeping with the Enemy")

Bandang 5:30am, may nakitang kalaban ang tropa ng Battalion TCP na nakapwesto ng 100 metro lamang sa likuran ng 1st SRC. Inutusan kaagad ni Lt Col Yunque ang kanyang RATELO na si Sgt Pelaez na itawag ito sa tropa ng 1st SRC na ang iba ay nakapwesto sa 1st floor ng  katabing building na okupado ng kalaban.

"Di namalayan ng ibang tropa ng 1st SRC na ang dalawang mas mataas na mga palapag ng katabing bahay na tinulugan nila ay okupado ng mga terorista. Inalerto namin sila para di sila maunahan,"sabi ni Lt Col Yunque. Biniro pa nya ang mga tropa, "Watch out, you are sleeping with the enemy!"

Sa isang iglap, umalingawngaw ang isang putok at napansin na lang ni Lt Col Yunque na may tumunog sa kanilang pwesto. 

"May tama ako sir!" Di maipinta ang hitsura ni Sgt Pelaez dahil nadaplisan ang kanyang balikat na bahagya palang naka-expose sa kalaban. Agad syang pinalapatan ni Lt Col Yunque ng first aid sa kanyang combat medics. 


Malaki ang orange na bahay na okupado ng kalaban na namaril kay Sgt Pelaez. Naka-grills ang bintana at naka tinted ang glass nito. Tinawagan ni Cpt Carandang si Lt Gemaol para i-clear ang bahay na iyon.

"I-CQB nyo ang orange na bahay. Kami ang mag-cover fire para ma-suppress ang mga kalaban na nasa mas mataas na palapag habang pinapasok mo ang pwesto nila," instruction ni Carandang sa kanyang Executive Officer na si Lt Gemaol. 

Ang trabaho ng supporting elements na pinamunuan ni Cpt Carandang ay ang pagbigay ng suppressive fires sa pwesto ng mga terorista para mabigyang daan ang pag-assault ng entry teams na pinamunuan ni Lt Gemaol. 

Biglang hudyat sa pag-clear ng building, pinaputukan nina Cpt Carandang ang mga bintana sa mas mataas na mga palapag. Nagkabutas-butas ang tinted windows nito. Doon nakita ni Cpt Carandang ang apat na teroristang nakapwesto sa mga bintana sa second floor. Merong isa pa na namumutok mula sa 3rd floor. Tuwing sumilip ang mga ito, binubugahan kaagad nila para hindi mabaril ang entry team ni Lt Gemaol.  

Sa kanyang pwesto, napansin ni Lt Gemaol na nakasara ang gate na green at na-sense nya na inaabangan ito ng mga terorista mula sa second floor. Nagpasya syang giliran ang pader at tinakbo ang kabilang panig para doon akyatin papasok sa compound. 

"Habang niratrat ng supporting elements ang matataas na palapag, pinasok namin ang compound at nadikitan namin mismo ang building na pwesto ng kalaban," sabi ni Lt Gemaol.

Inikutan at ginapang ng mga Musang ang bahay na pinosisyonan ng mga teroristang Maute, habang binabagbagan ng supporting elements ang matataas na palapag na nakapwesto ang terrorist snipers. 


Nang madikitan na ni Lt Gemaol at team ni Sgt Saludes at Sgt Parangan ang wall ng bahay, pinaputukan nila ng tear gas ang loob ng ground floor. Nang napasok nila ang bahay, niratrat sila ng mga kalaban na nasa second floor kaya agad silang gumilid sa pader para maiwasan ang ricochet ng mga punglo. 

"Di pa sila nakuntento sa pagratrat sa amin, binuhusan pa nila ng gasolina ang hagdanan na nag-iisang access namin papunta sa kanilang pwesto. Kung masindihan nila iyon, tiyak magliyab ang bodega sa ground floor dahil panay PVC pipes ang laman nito. Para mahadlangan sila, pinaputukan namin ang second floor ng tear gas," sabi ni Gemaol. 

Bandang tanghali, napasok ni Lt Gemaol ang ikalawang palapag. Napatay nila ang isa sa sniper wannabe ng Maute at ang iba ay naubusan ng tapang kaya nagsipagtalunan pababa mula sa 3rd floor at ang iba ay tumawid sa katabing building. Nabaril ang isa sa kanila nang lumapag sa kalsada na kung saan nakaposisyon ang supporting elements. 

Nakahandusay ang isang teroristang Maute pagkatapos mabaril ng isang Musang na nakapwesto sa kanyang harapan. Tumalon ang terorista mula sa ikatlong palapag nang sinugod ang pwesto nila ng mga Musang na pinamunuan ni Lt Gemaol. 


Pagkarating nila Lt Gemaol sa 3rd floor, nakita nyang kumuha ng bagong pwesto ang mga terorista sa katabing building. Magkarugtong pala ang mga bahay doon sa compound. Inireport nya ito kay Cpt Carandang.

"Sir, tumawid sila papunta sa kabilang building. Meron silang mga kasamahan doon na namumutok din sa amin. Sugurin ko sila doon sir, basta mag-support ka sa akin galing dito sa 3rd floor!"

Dali-daling inakyat nina Cpt Carandang ang orange na bahay para madugtungan ang topa ni Lt Gemaol. Sa katabing building, tuloy ang pamumutok sa kanilang pwesto.

Kumuha sila Cpt Carandang ng magandang pwesto at sinimulan nila ang pag-suppress sa pwesto ng kalaban habang tinakbo ng grupo ni Lt Gemaol ang kabilang bahay sa gitna ng palitan ng putok. 

Matindi ang resistance ng mga teroristang Maute pero di nagpapatinag si Lt Gemaol at mga kasamahan na inulan ng bala mula sa mga kwarto sa loob ng bahay. 

"Isa-isa naming pinasok ang lahat ng kwarto sa bahay na iyon. Dahan-dahan namin itong ginawa dahil di namin kabisado ang mga lagusan at napakatindi ng volume of fires na kalaban. Nang ma-tear gas namin sila, doon sila nahilo at nababaril namin habang papatakas," kwento ni Lt Gemaol.

Bandang alas tres ng hapon, tumawag si Lt Gemaol kay Cpt Carandang para ibalita ang resulta ng clearing operations nila. 

"Sir, sa wakas tayo na ang may control sa concrete building na ito na overlooking sa general area ng mga armored vehicles. Mailatag na rin natin ang plano sa pag-rescue sa kanila."

Habang pinapanood ni Lt Gemaol ang usok at pinanggalingan ng mga namumutok na kalaban sa unahan ng armored vehicles, alam nya na malaki pa ang kanilang problema. Nasa 50 metro pa ang layo nila mula sa pwesto ng Simba. 

Maswerte nga lang na sa araw na iyon, nakapag-text sina Lt Alvarez tungkol sa kanyang exact location. Di rin naglaon, nakapagtext din si Cpl Lumbay na nasa loob pa rin ng Commando, pati si Cpl Cabanayan na nasa isa pang building. 

"Medyo disoriented sila sa directions sa mga panahon na iyon ngunit minabuti kong i-guide sila gamit ang landmarks at reference points sa lugar. Halimbawa, merong katabing solar drier at pulang trak sa katabi ng pwesto ni Lt Alvarez," sabi ni Lt Col Yunque. 

Bilang miyembro ng tropa na na-commit sa  Oplan Final Option II, ang misyon sa pag-rescue sa mga bihag ng Abu Sayyaf sa Puno Mohadji noong April 2000, alam ni Lt Col Yunque ang hirap sa ganoong misyon. 

"Pinapataas ko parati ang morale nila sa pamamagitan ng text messages. Sinasabi ko na nasa 50 metro na lang kami at di kami papayag na di sila makuha sa kanilang pwesto," dagdag nya. 

Nang makuha na nina Lt Gemaol at Cpt Carandang ang concrete buildings, ipinag-utos ni Lt Col Yunque ang pagbutas sa mga pader para makalusot sa kabilang pwesto papalapit sa armored vehicles. 


Binabantayan ng isang Musang ang rooftop na pinosisyonan ng teroristang Maute habang naghahanda ang kanyang kasamahan na pasukan ang kabilang bahagi ng wall na kanilang natibag. Si Lt Gemaol ang nagdala at nag-motivate sa tropang assault elements para sumugod sa pwesto ng mga kalaban para malapitan ang mga armored vehicles.


28 May (Pusang gala!) 

Bandang 5:30am, nagsimula sila na magbutas ng wall gamit ang maso dahil merong mga snipers mula sa buildings.  Kung anu-ano lang ginagamit nilang pambutas sa wall, may maso at mga bakal na napulot sa mga bahayan. 

"Minsan, grabe ang tuwa namin pagkabutas ng wall, iyon pala meron na namang katapat na wall sa tapat nito. Lupaypay ang tropa sa pagmamaso ngunit tiniis namin kahit walang kain dahil inaalala namin na baka ma-overran ang pwesto ng armored vehicles at ng tropa ni Lt Alvarez," sabi ni Lt Gemaol na anak ng isang retired PNP NCO at dating miyembro ng Philippine Constabulary. 

Sa pwesto ni Lt Jerry Alvarez, inihanda na nya ang lahat na kasamahan para sa gagawing salubungan sa designated rendezvous point. Naririnig nila ang lagabog ng maso sa direksyon ng mga Rangers kaya nabuhayan sila ng loob.

"Tuwing meron ding nagmamaso mula sa pwesto ng mga Maute, nalulungkot naman kami dahil tila ay nagpapabilisan ang magkabilang panig kung sino ang makakuha sa amin," kwento ni Lt Alvarez na noon ay naubusan na ng bala.
Nang sinilip ng mga Musang ang butas sa pader, nakita nila ang mga armored vehicles ngunit pinaulanan sila ng bala ng mga terorista na nasa matataas na palapag. Nakita nila na meron ngang mga snipers sa tuktok ng building na inokupa ni Lt Alvarez. Dito nagdesisyon si Lt Col Yunque na ipa-mortar na ito ayon sa koordinasyon nila ni Lt Alvarez.  


Sobrang malakas ang resistance mula sa mga buildings na nasa paligid ng armored vehicles. Nagpasya si Lt Gemaol na maghanap ng ibang lagusan na hindi gaano expose sa line of fire ng mga terorista. 

 Nakahanap sya ng ibang lagusan na isang maliit na eskinita na merong concealment mula sa isang bahay na gawa sa kahoy. Nang sumilip sila sa labas, meron ding namumutok mula sa rice mill kaya umatras muna sila para ma-address ang problema.

“Pinutukan muna namin ang tear gas ang rice mill, pinalusot namin sa bintana saka pinaulanan namin ito ng automatic fires gamit ang machineguns. Tumahimik ang terorista doon,”

Giniliran at tinapunan ng granada nina Lt Gemaol at Sgt Saludes ang teroristang nagtatago sa kahoy na bahay na syang pinakamalapit na pwesto sa tumirik na armored vehicles. 

Giniliran nina Lt Gemaol ang kahoy na bahay na syang malapit sa pwesto ng armored vehicles. Narinig nilang merong kumakaloskos doon kaya tinapunan nila ito ng granada. 

"Napatay namin ang terorista sa loob ng bahay na iyon at nakumpiska namin ang kanyang baril," kwento ni Lt Gemaol. 

Ang pagkakuha sa mga pwesto na iyon ang naging hudyat para mailatag ni Cpt Carandang ang security elements ng tropa ni Lt Gemaol na magsalubong sa mga  sundalo ng 5th Mechanized Infantry Battalion. Ayon sa usapan, takbuhin nila ang direksyon papunta sa rice mill habang pinuputukan ng 2nd SRC at 1st SRC ang mga buildings na kontrolado ng Maute. 

 Inabangan nina Cpl Tugade at Pfc Soberon ang kanilang sector sa ginawang salubungan ng tropa ni Lt Gemaol at ng mga tropa ng 5th Mechanized Infantry Battalion bandang alas tres ng hapon noong ika-28 ng Mayo 2017.


Salubungan

Bandang alas tres y media ng hapon, nag-commence ang sustained firing ng support elements ng 1st SRC at 2nd SRC habang sinisilip nina Lt Gemaol ang gilid ng tangke para makita kung saan lulusot sina Lt Alvarez. Ang team ni Sgt Saludes ang kanyang kasama na mag-cross sa open terrain at makipagpatintero sa mga bala ng Maute, habang sinasalubong ang mga sugatang kasamahan. 

Ang malakas na putok ang naging hudyat nina Lt Alvarez para kapit-kamay na lumabas sa building na tinaguan at tumakbo papunta sa direksyon ng rice mill. Nang nasa kalsada na sila, sinalubong agad sila nina Lt Gemaol at Sgt Saludes. 

"Nanghihina at paika-ika sila at mabagal na silang kumilos dahil sa sobrang pagod at gutom. Agad namin silang sinalubong at kanya-kanya kaming akay o hila sa mga hindi na magawang tumakbo. Napagulong-gulong pa ang iba sa amin dahil pinuputukan kami ng mga terorista," kwento ni Lt Gemaol. 

Halos magkasabay din, bumukas ang pintuan ng armored vehicle at lumabas sina Cpl Lumbay at tumakbo papunta sa aming pwesto, at inakay namin papunta sa likurang bahagi. 

Umabot din ng 15 minuto ang kanilang 'salubungan' sa kill zone ng kalaban. Nang makapagtago uli sina Lt Gemaol sa covered position, kinakapa nila ang kanilang katawan kung meron nga ba silang tama. Natuwa sila dahil wala ni isang nahagip ng bala!

Napansin ni Cpt Carandang na disoriented ang mga tropa ni Lt Alvarez. Pinapwesto nila ito sa magandang lugar at binigyan ng tubig at pagkain. Nang binigyan ng sigarilyo, lahat sila ay nagsindi at humitit.

Napabuntong hininga si Lt Alvarez at nakangiti sa mga kasamahan at sa mga Musang na nagsagip sa kanya. "Hay, salamat. Naka-survive tayo!"

Ayon kay Lt Gemaol, parang nadurog ang puso nya nang makita ang kalagayan ng mga tropa ni Lt Alvarez. Merong nabulag at malalaki ang tama. Gusto sana nyang magpa-groupie bilang ebidensya ng tagumpay pero di nya ito nagawa.

"Sobrang naawa ako sa kanila dahil kulay uling na silang anim. Ayaw ko na makita ng publiko na ganoon ang dinanas nila," sabi ni Lt Gemaol.

Nang makapagpahinga na sina Lt Alvarez, doon sila nag-account ng mabuti. Saka lang nila nalaman na kulang sila ng dalawa. 

"Missing sina Cpl Waoy at ka-buddy nya. Sigurado akong buhay pa sila dahil nakapag-text pa yon sa akin," sabi ni Lt Alvarez. 

Sa gabing iyon, pinagpahinga muna ni Lt Col Sam Yunque ang mga tropa habang nagsagawa ng isa pang plano para masagip ang natitira pang tropa na nasa isa sa mga buildings. 

Boluntaryo si Cpt Carandang na pangunahan sya naman ang makikipagpatintero sa umuulan na bala. Di sya nakakitaan ng takot dahil tiwala sya sa mga kasamahan. Lagi din nyang ipinagmamalaki ang sikretong ng mga Rangers. 

"Walang iwanan!"


 May 29 (Salubungan: Take 2!)

Alam nila na buhay pa ang dalawang tropa kaya hindi nila pinabomba ang dating posisyon ni Lt Alvarez. Binalikan nila uli ang mga armored vehicles para hanapin ang dalawang tropang nawawala.

Sa buong umaga, tuloy-tuloy ang palitan ng putok dahil nagtangka ang mga terorista na sugurin ang mga armored vehicles na kung saan ay nandoon pa ang mga cadaver ng tropang namatay. 

Bandang tanghali ay nakapag-text si Sgt Waoy kay Lt Alvarez gamit ang nakitang cellphone sa bahay na tinaguan. Dito sya nabigyan ni Lt Col Yunque ng instruction paano makatakbo papunta sa location ng rendezvous point. 

Bandang alas syete ng gabi, nagkaroon ng tsansa sina Sgt Waoy at Pfc Martin na makatakbo palabas nang binagbagan ng 1st SRC at 2nd SRC ang mga buildings na pwesto ng Maute. Ang problema, napunta sila sa western direction, sa location ng drier!

"Saan na sila? Marami nang naubos na bala para i-cover fire kayo pero di sila nakikita ng tropa ni Cpt Carandang," sabi ni Lt Col Yunque kay Lt Alvarez sa phone.

Nag-text muli si Lt Alvarez kay Sgt Waoy na sundan ang heavy volume of fire sa direction ng rice mill. Pinalakas nya ang loob nina Sgt Waoy na hindi sila matatamaan kasi sa taas ng buildings ang pinuntirya ng mga Rangers na gumagamit ng Night Fighting System.  

Iniutos din ni LtCol Yunque na isigaw ng 1st SRC at 2nd SRC ang pangalan ng tropa. Nag-chorus sila na sumigaw habang namumutok. 

"Wa-oy! Wa-oy!

Di nagtagal, karipaspas na tinakbo nina Sgt Waoy ang pwesto ng Rangers. Parang milagro, wala rin silang tama mula sa mga terorista na nagratrat sa kanila. 

Agad itong itinawag ni Cpt Carandang sa Battalion TCP: "All accounted for sir, except yong apat na patay na nasa loob ng armored vehicles!"

(Abangan ang Part 3 ng kwento, ang kabayanihan ng tropa ng 1st SRBn at 5th Mechanized Battalion sa pag-retrieve sa mga tropang nagbuwis ng buhay sa ambush)


Pfc John Bernaldez: The Knight of Shining Armor

$
0
0
Si Pfc John Bernaldez, 28, ng Bgy Kalanawi, President Quirino, Sultan Kudarat ay nagbuwis ng buhay habang nakikidigma sa mga teroristang Maute sa Marawi City. Sya ay kasapi ng 7th Scout Ranger Company. (Photo by 7th SRC)

Kasama si Pfc John Bernaldez sa tropang nakakumpiska ng 18 matataas na kalibre ng baril iilang araw lang ang nakaraan. Nasa larawan din si Sgt Reynold Palma, ang kanyang Team Leader na kasama nyang nasawi noong June 26, 2017.


Ang digmaan sa Marawi

Mainit ang klima sa Marawi City ng hapon noong ika-26 ng Mayo 2017 nang matanggap ng team ni Pfc John Bernaldez ang verbal OPORD tungkol sa kanilang bagong tasking. 

Si Sgt Reynold Palma, ang kanilang Team Leader ang nag-brief sa kanila tungkol sa kanilang misyon.

"Gentlemen, kailangan nating i-clear ang building na nasa ating harapan. Naka-occupy dyan ang mga terorista na namamaril sa ating tropa," sabi ni Sgt  Palma na kasama nilang nakakumpiska ng 18 na matataas na kalibre ng armas kamakailan. 

Ayon kay Pvt Robin Nicolas, 24, kalimitan nyang katuwang sa paghahanda ng food provisions ng kanilang team si Pfc Bernaldez. 

"Sya ka-buddy ko parati sa Team. Masigasig pa syang naghahanda ng aming pagkain para sa aming misyon sa gabing iyon," ayon kay Pvt Nicolas na tubong Gamu, Isabela. 

Bandang alas siyete ng gabing iyon, nagpasya silang simulan ang kanilang trabaho. Mataimtim silang nanalangin ng Psalm 91, ang nakagawian nilang dasal tuwing misyon. 

Seryoso silang lahat dahil sa nakaambang panganib na kanilang susuungin. Sa mga nagdaang araw ay nakipagbakbakan sila para maagaw ang mga buildings sa kanilang sector para matapatan nila ang ibang mga unit na tuloy-tuloy din ang pag-advance sa layuning pasikipin ang mundo ng mga terorista. 

"Gamit ang aming Night Vision Goggles, naka-file formation kami habang tinatahak ang kalsada patungo sa kabilang building. Napatamaan na iyon ng air strike ngunit nanatili itong nakatayo dahil buhos ang pagkagawa nito," ayon kay Pvt Nicolas. 

Nang marating nila ang bungad ng building, gumilid muna sila sa wall nito at pinakiramdaman ang paligid. Tanging mga putok mula sa ibang sector ang nauulinigan nila.

Pinasok at na-clear nila ang first floor at sinilip ang mga kasuluksulukan nito. Naglikha ng ingay ang mga basag na salamin na naaapakan nila sa sahig. Tinatapik sila ni Sgt Palma tuwing nakakalikha ng ingay.

"Shhhhh. Dahan-dahan ang apak, baka tayo ay mapapahamak!"

Nang wala silang makitang kalaban sa first floor, agad-agad silang umakyat patungo sa second floor para doon naman halughugin ang mga kaaway. 

"Nakarami na kami ng building clearing missions sa mga nagdaang mga araw pero kakaiba ang naramdaman ko sa gabing iyon. Parang nanlalamig ako pero pinagpapawisan din naman ako," kwento ni Pvt Nicolas. 

Bandang 8:00pm na noon nang matapos ng grupo nila Pvt Nicolas ang clearing operations. Malaking ginhawa ang naramdaman nila ni Pfc Bernaldez. Mission accomplished, para sa bayan.

Impyerno sa lupa

Palabas na sila sa building na pinuntahan nang bigla na lang silang inulan ng putok mula sa gilid ng pader. Halos limang metro lamang ang layo ng mga kaaway na nakapwesto sa likod nito. Ramdam nya ang hapdi ng kanyang tama. Gusto nyang sumigaw sa hapdi ng tama pero may nauna sa kanya. Boses ito ni Pfc Bernaldez.

"Tinamaan ako!"

Tinamaan man si Sgt Palma, nagawa pa rin nitong mag-command sa mga tauhan. 

"Extricate, extricate!"

Gutay-gutay ang bahagi ng building na sinugod ng mga Scout Rangers na miyembro ng 7th Scout Ranger Company. Matindi ang resistance ng mga terorista na gumagamit ng RPG para pasabugan ang pwesto ng mga Musang. Umabot na sa 18 ang namatay na miyembro ng First Scout Ranger Regiment sa madugong bakbakan sa bakbakan sa Marawi. 

Habang nagtulong-tulong ang lahat na miyembro ng team ni Sgt Ongkaras sa paghakot ng mga wounded, nagpaiwan si Sgt Palma at ang gunner na si Cpl Edano para putukan ang mga kalaban na nasa kabilang building, nang ma-MEDEVAC ang casualties.

"Nagawa ng aming kasamahan sa section na madala kami ni Pfc Bernaldez sa ospital dahil sa kabayanihan nina Sgt Palma at Cpl Edano," sabi ni Pvt Nicolas. 

Nagising na lang si Pvt Nicolas kinaumagahan sa balita na pumanaw ang kanyang ka-buddy na tinamaan sa pantog. 

Sa sumunod na araw, nabalitaan din nya ang pagkasawi nina Sgt Palma at Cpl Edano. Natagpuan sila sa gilid ng hagdanan na hawak-hawak pa ang kanilang baril. Namatay silang lumalaban. Di nya mapigilan na mapaluha sa sinapit ng mga kasamahan.Sa muli, naalala nya ang malagim na pangyayari na kumitil sa kanilang buhay.

"Nasa lupa ang impyerno sa tagpong iyon. Ang Satanas ay ang mga terorista na aming nakalaban," sabi ni Pvt Nicolas. 


Larawan ng ambush position ng mga kalaban sa gilid ng pader at ang kanilang taguan sa likurang bahagi nito. Handang-handa ang mga terorista sa pagdepensa sa mga buildings na naokupa ng mga ito. 

Bayanihan ng pamilya

Si Pfc John Bernaldez, 28, ay isa sa sampung anak ni Oscar, 67, at Jezebel, 60 ng Bgy Kalanawi, President Quirino, Sultan Kudarat. Ang kanyang ama ay isang magsasaka, samantalang simpleng maybahay naman ang kanyang asawa na syang nag-aalaga sa kanilang mga anak. 

Dahil sa dami ng mga anak, di na nakayanang pag-aralin sa high school si John nang magtapos ito ng elementarya. Ang tiyahin na si Elma Padrones, 44, ang sumuporta para mapatapos ito ng high school. 

Ang nakakatandang kapatid naman na si Gellany Sustento, 41, ang kumuha kay John para pag-aralin ng Computer Technology sa Dumangas, Iloilo. 

Taong 2009 nang magpasya si John Bernaldez na mag-apply bilang Candidate Soldier sa First Scout Ranger Regiment. Kahit pa man sa kanyang taglay na certificate of completion sa kursong automotive mechanic at sa kanyang determinasyon na maging Musang, paulit-ulit syang bumagsak sa AFPSAT o kaya sa physical/medical exam. 

Ayon sa kanyang nakakatandang kapatid na si Analyn, 33, sobrang desidido si John na makamit ang kanyang pangarap na magiging ganap na sundalo. 

"Sa loob ng apat na taon, ako ang nagtaguyod sa kanyang pangangailangan habang sya ay naging 'striker' sa bahay ng isang sundalo sa Camp Tecson. Ayaw daw nya umuwi hangga't di nya nasungkit ang kanyang pangarap," kwento pa ni Analyn na isang OFW sa Dubai. 

Sa taong 2013, nagtapos sya sa pre-entry training ng mga Musang, ang Candidate Soldier Course. Sa kanyang Facebook post, lubos na ipinagmamalaki ni Pvt Bernaldez ang kanyang unang tagumpay.

Bayani ng pamilya

Simula nang matanggap ni John ang kanyang unang sweldo, agad nya itong itinulong sa kanyang mga kapamilya.

Una nyang kinuha mula sa Iloilo ang pamangkin na si Marianne, 18, para pag-aralin ito sa Tacurong City. Tinustusan din nya ang dalawang anak ng kapatid na si Bernald, 40, na isang manggagawa sa Dole Philippines. 

Si Marianne Sustento, 18, ay agad na pinag-aral ni Pvt John Bernaldez nang ito ay nakatanggap ng sweldo bilang sundalo.

Tinulungan din nya ang anak ng tiyahin na si Elma Padrones para makapasok bilang Candidate Soldier. Nang magkasakit sa kidney ang tiyuhin na si Noel, 52, nagpadala rin agad sya ng tulong sa pagpagamot dito. 

Di maburang alaala

Ayon sa inang si Jezebel, halos araw-araw ay tinatawagan sya ng kanyang maalalahaning anak. Kahit nang ma-deploy sa sa Marawi, nagagawa pa rin ni John na tumawag sa kanyang mga kapamilya para mapawi ang pag-alala nila sa kanyang kalagayan.

"Simula nang nagtapos sya sa training, halos araw araw ko syang kausap. Basta matapos ang misyon nya sa isang araw sa Marawi, tumatawag kaagad sya para malaman namin na okay lang sya," sabi ni Jezebel, 60. 

Si Analyn naman ang pinakamalapit nyang kapatid na syang kakwentuhan nya sa mga personal na bagay. 

"Naririnig ko ang putukan sa background kaya sobra akong nag-alala kasi baka matamaan sya. Minsan pinatay nya ang cellphone nang may sumabog pero tumawag sya uli at tawa pa nang tawa dahil peaceful naman daw sa kinalagyan nya," kwento ni Analyn na isang OFW sa bansang Dubai. 

Ayon naman ng kapatid na si Bernald, tumutulong talaga si John kahit sya mismo ay di na makakabili ng personal na gamit. 

"Nang magkasakit ang anak ko ng dengue, di agad sya makapadala dahil dire-derecho ang gyera sa Marawi. Pinahiram nya ako ng pera sa 5/6 at nangako sya na bayaran lahat pati ang interest pagkababa nya ng Iligan," sabi ni Bernald.

Sa pinag-isang birthday celebration ng kanyang mga magulang noong June 26, nagawa pa ni John na tumawag bago sya sumuong sa kanyang delikadong misyon.

"Binati nya kami ng tatay nya ng happy birthday. Masaya naman ang boses nya habang kami ay nag-uusap. Iyon pala ang pinakahuli naming kwentuhan," kwento ni Aling Jezebel na napaluha sa sinapit ng mahal na anak. 

Si John ay bibigyan ng tribute ng Provincial Government ng Sultan Kudarat sa ika-28 ng Hulyo 2017, isang araw bago ito ilibing. Pangunahan ni Hon. Sultan Pax S Mangudadatu, ang gobernador ng lalawigan ang seremonya na gaganapin sa kapitolyo. 

"Kinikilala namin si Pfc Bernaldez bilang bayani ng Sultan Kudarat dahil sa pag-alay nya ng kanyang buhay para ipagtanggol ang mamamayan mula sa mga terorista," sabi ng butihing gobernador. 

Nakakwentuhan ko ang mga kapamilya ni Pfc John Bernaldez. Nasa larawan ang kanyang mga kapatid at ang pamangkin na si Marianne (pinakakanan).

 Nagbigay pugay ako sa bayaning si Pfc John Bernaldez na miyembro ng 7th Scout Ranger Company na kung saan ako ay naging miyembro noong ako ay segunda kamote pa lamang.


Commander Banog: Ang aming pagkikita ng BIFF commander na si Datu Parido Balabagan

$
0
0
Noong ika-20 ng Oktubre 2018, nagpakita mismo sa aking opisina si Datu Parido Balabagan alias Commander Banog, kasama ang iilang mga kaanak at si Midconding Barangay Captain Bong Abdul, para ipahayag ang intensyon na suportahan ang isinusulong na kapayapaan ng 33rd Infantry (Makabayan) Battalion at ng buong pamahalaan. (Photo by Sgt Christian Santos)



Bandang alas dos ng hapon noong ika-20 ng Oktubre 2018, nakatanggap ako ng tawag sa cellphone na nagpaabot ng balita:


"Sir, gusto nang makipagkita sa iyo si Commander Banog!"


Natuwa ako sa narinig dahil ito na ang magiging susi sa pagbalik normal sa pamumuhay ng mga mamamayan sa Barangay Lumabao, sa bayan ng General Salipada K Pendatun, Maguindanao. 


Si Datu Parido Balabagan, 66, ay nasangkot sa problema ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters pagkatapos na kumampi sa grupo ni BIFF commander Edzrafil Guiwan sa mga pang-aatake nito sa Barangay Bagumbayan, President Quirino, Sultan Kudarat mga 4-5 taon na ang nakaraan. Nagkaroon sya ng warrant of arrest dahil dito. 

Larawan ng pagbisita ko sa Barangay Lasangan sa GSKP, Maguindanao na kung saan ay napabalitang itinatago si Commander Banog ng mga kaalyado nya sa MILF. 

Para maintindihan ko ang puno't dulo ng problema kung bakit merong kagaya ni Datu Parido na napupunta sa hanay ng BIFF o kaya ay nadadawit sa karahasan na isinusulong ng grupong iyon, binibisita ko ang mga pamayanan para pakinggan ang boses ng ordinaryong tao sa barangay. Binuksan ko ang aking puso't isipan para intindihin ang panig nila na malimit ay inisantabi lamang. 

Direkta kong pinapakinggan ang masa sa barangay para alamin ano ang kanilang saloobin at kung ano ang maitutulong ng mga sundalo sa kanilang mga problemang pang-komunidad. 

Ipinapaliwanag ko sa mga tao na kami ay kanilang sundalo at tungkulin namin na sila ay ipagtanggol sa kahit sinong gumagamit ng karahasan. Ipinaliwanag ko na hindi ko sila kaaway bagkus ay kaagapay sa pagsulong ng kapayapaan at kaunlaran sa kanilang lugar. 

Ipinaliwanag ko ang kahalagahan ng pagtapos sa mga hidwaan at karahasan na syang balakid sa pag-unlad ng kanilang pamumuhay. Ipinaintindi ko na ang kabataan ay dapat bigyan ng pagkakataon na magbalik sa paaralan at hindi masadlak sa mga bakbakan. 

Halos 20 taon ang inabot ng patayan sa Barangay Midpandacan kaya tila naging ghost town ang lugar nang una ko itong binisita noong March 2017. Nakakatuwa ang tanawin na kampante ng ang mga magsasaka na alagaan ang kanilang mga pananim na walang bitbit na mga armas. Kuha ang larawan noong Agosto 2018. 


Larawan ng aking Mortar Section nang ginamit ko sila para suportahan ang ground troops sa labanan kontra sa teroristang grupo ni Ustadz Sulaiman Tudon na nagtangkang lumusob sa bayan ng Datu Paglas, Maguindanao noong ika-10 ng Hulyo 2018. 

Binigyang diin ko na hindi ako mag-atubiling gamitin ang pwersa ng gobyerno para supilin ang magpupumilit na gumamit ng armas na syang dahilan kung bakit nadadamay ang mga sibilyan sa mga barilan. 

Gamit ang sniper scope, sinilip ko ang pwesto ng mga teroristang BIFF sa Sitio Mopac, Barangay Poblacion, Datu Paglas, Maguindanao noong ika-10 ng Hulyo 2018.  Doon ko nakita na merong mga menor de edad ang ginamit ni Ustadz Sulaiman Tudon bilang child warriors. Ginamitan namin ng calibrate force ang naturang engkwentro para mabawasan ang collateral damage sa komunidad. 

Ipinamahagi ko sa kanila ang istorya ng mga sumuko ng BIFF sub-leaders kagaya nina Commander Motolite, Commander Dido, at Commander Lapu-lapu.

Larawan ng pagsuko ni Commander Lapu-lapu kay Governor Esmael 'Toto' Mangudadatu sa Barangay Midconding, GSKP, Maguindanao noong ika-10 ng Oktubre 2018. 


Larawan ng pagsuko ni Commander Motolite at mga kasamahan nya kina Mayor Abdulkarim Langkuno at Mayor Bonnie Kali sa Bgy Damakling, Paglat, Maguindanao noong Mayo 2018.

Larawan ng pagsuko ng grupo ni Commander Dido Malawan ang Deputy Brigade Commander ng 2nd BIFF Division, na naganap sa Liguasan Marsh. 


Ipinaliwanag ko na mahirapan silang kalabanin ang pwersa ng pamahalaan kung sasadyain nila kaming gawing kaaway. Mas mahuhusay kaming bumaril. Unlimited ang aming bala.  Meron kaming tangke, eroplano, night fighting capabilities. Mas maraming tao ang kampi sa kapayapaan, kasama na doon ang overwhelming majority ng miyembro ng Moro Islamic Liberation Front. 

Dagdag pa dyan, matatapang at disiplinado ang aming mga sundalo, at handa ring magbuwis ng buhay para sa kapakanan ng inang bayan. 

At, hindi mangyayari na ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang yuyuko at lumuhod sa kahit sinong masasamang elemento na lumalaban sa gobyerno. 


Sinusugod namin ang mga teroristang BIFF kahit sa kanilang balwarte sa Liguasan Marsh. Ipinapakita namin sa kanila na wala silang pagtataguan kung maging kakampi namin ang lahat nga mga Maguindanaon na nais maging mapayapa ang kanilang pamayanan. 

Kung talagang di nadadala sa negosasyon, magsama-sama ang mga sundalo at pulis para hulihin ang mga taong pinaghahanap sa batas kagaya ng mga miyembro ng BIFF. 

Mag-isip isip sila sa kanilang desisyon na lumaban dahil lalong pinaigting ang kampanya ng gobyerno laban sa kanila nang merong pagtatangkang atakehin ang PNP station ng Lambayon noong nakaraang linggo. 

                           
Sa aking commander's guidance, ipinaalala ko parati ang pagrespeto sa Rule of Law sa pagsasagawa ng aming tungkulin kagaya ng law enforcement operations. Kailangang mapanatili ang aming kredibilidad bilang pwersa ng estado kaya dapat ay walang napapabalitang pang-aabuso kagaya ng excessive use of force, nawawalang kagamitan, at pambabastos sa mga tao. 

Kasama ang CIDG-ARMM, 4SAB, SAF at 2nd Mechanized Infantry Battalion, sinugod namin ang Barangay Lumabao para i-serve ang arrest warrants laban kay Commander Banog at mga kasamahan niya. Dito namin nasamsam ang matataas na kalibre ng baril at naposasan ang iilang suspek na nahuli sa mismong compound nya.


Nakapuslit si Commander Banog ngunit hindi na matakasan ang mensaheng ipinaabot namin sa kanya. Pursigido kaming tugisin sila lahat kahit saang lupalop sya magtago. Ipinaliwanag din namin na bukas ang pintuan para yakapin nya ang kapayapaan. 

Kaya, sino ba naman ang matutuwa kung nagpasya ang isang taong nalihis ang landas para tahakin ang tamang daan tungo sa kapayapaan?


Nagpakuha kami ang larawan sa aking opisina bilang tanda na sa wakas, kami ay nagkakaintindihan. 




Dinala ko sila sa Mama's Love restaurant para i-welcome sa kabihasnan. (Kung meron lang Soldier's Love restaurant, doon ko talaga dadalhin!) 

Gusto kong makita nya ang dapat magkasama kaming ipagtanggol ang Tacurong City at Isulan City, pati ang mamamayan nito mula sa mga hardcore na teroristang BIFF na nambobomba dito. Gusto kong magiging saksi sya mismo na hindi naman ipinagbabawal ang magsambahayang ang mga Muslim sa Christian-dominated areas. Walang diskriminasyon sa mga katutubong Muslim at nakikinabang ang lahat sa kasaganaan na matatamasa sa syudad. 

Pinakinggan ko ang kwento ng buhay nya. Isa pala syang ama ng 10 anak. Isa dito ay nakatapos ng BSEED at kasalukuyang nagtuturo sa kanilang baranggay. Graduating din ng BSEED ang isa pang anak. Nagtatapos ng high school ang isa pang lalaking anak. Nangangarap din sya na maging normal na ang buhay nilang lahat. 

"Apektado ang pamumuhay naming lahat sir. Di ko masagot ang mga tanong kung kakilala ko ang kaapelyido kong si Parido Balabagan na naakusahan bilang kaaway ng gobyerno dahil baka ituring din akong terorista," luhaang sabi ni Bai Fariza na isa sa anak nya. 

Sa ganitong tagpo ko napapatunayan na dapat iniintinding mabuti ng isang military commander ang problemang kinakaharap sa kanyang Area of Operations. Nilalagyan dapat ng 'mukha' ang mga taong sangkot sa problema. Marami ang 'mukha' ng problema kagaya ng mga kaanak, ka-barangay, at mga political leaders. 

Kinikilala din dapat ang mukha ng tigasing terorista na gustong-gusto na maraming nasasaktan at namamatay sa mga labanan, dahil dadami ang recruits nila

Dahil dito, isinusulong ko ang ugnayan, pag-intindihan, at pagbibigay tugon sa mga suliraning panlipunan na hindi ginagamitan ng armas. Para sa mga tradisyonal na mag-isip, hindi ako magiging 'bayaning' kawal na nakikilala sa mga madugong labanan. 

Labis ang tuwa ng mga anak ni Commander Banog nang nagpasya itong lumabas sa pinagtataguan para makiisa sa kapayapaan. Parehas din yan sa gyera, kung kapayapaan at kaunlaran ang pag-usapan, dapat ay walang iwanan!

Abangan kung magiging katotohanan ang pormal na pagsuko ng grupo ni Commander Banog, at kung paano maging tulay para sa tunay na kapayapaan at kaunlaran ang mga sundalo ng bayan sa kanilang lugar. 

(Photo credits: Sgt Christian Santos, Pfc Henrich Burata, Pfc Jefferson Lipura, Pfc Salbidin Maulana)


The Lone Ranger: The adventures of MSg Eugenio 'Bobords' Dela Cerna

$
0
0

Ang mandirigmang Musang na si Master Sergeant Eugenio 'Bobords' Dela Cerna sa isang assignment nya sa Mindanao noong 1990s. (Photo by Bobords dela Cerna)




Kung katapangan ng isang mandirigma ang ating pag-uusapan, isa sa mga nakasama kong Musang ang tunay na maihahanay sa mga mababangis na sundalo sa mga matitinding labanan. 

Sya yong tipong mandirigma na walang inuurungan at walang kinatatakutan. Sya ay kilabot ng mga terorista at bandidong nakakalaban. 

Dugong Bisaya. Mula kay Kali Pulaku (Lapu-lapu) ang kanyang angkan. Sino nga ba kundi si Master Sergeant Eugenio Dela Cerna, kilala sa palayaw na si Bobords. 

Simula ng taong 1973 nang pumasok sya sa serbisyo, hanggang sa kanyang pagretiro noong taong 2009, nakatanggap sya ng napakaraming combat medals kagaya ng 18 na Gold Cross Medals at sobra 30 na Military Merit Medals with Spearhead Device! Whoa! 

Ayaw mong maniwala? Yes, at kung susuriing mabuti ang kanyang mga combat actions, siguro nairekomenda na rin sya dapat na maging Medal for Valor awardee dahil sa katangi-tanging katapangan sa bakbakan. Alamin nyo sa kanyang kwento.


Serbisyo militar

Dahil sa naranasang kahirapan ng kanyang pamilya noong 1970s, nakikita nyang mahihirapan na syang makatapos sa pag-aaral at maiangat ang estado ng kanyang buhay. Namatay ang kanyang ina bago sya nakatuntong ng kolehiyo kaya napilitan syang ipagpatuloy ng pag-aaral sa Manila.

"Tatlong taon din akong nagtiis na mag-aral sa Manila dahil sinuportahan ako ng aking mga tiyuhin. Kaya lang hinahanap ko ang kakaibang propesyon na makakatulong ako sa mamamayan," sabi ni Dela Cerna. 

Sa mga panahon na iyon, naging magulo na sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas dahil sa pananalasa ng mga komunistang terorista at ng secessionist group na Moro National Liberation Front. Katatapos na madeklara ang Martial Law nang mapagpasyahan nyang manilbihan bilang mandirigma ng bayan. 

Naengganyo syang pumasok bilang sundalo dahil sa mga kakilala at kabarkadang kamag-anak din ng sundalo kaya ng anak ni Sgt Papillero at kapatid ni Sgt Demaala. Ramdam din nya ang excitement ng pagiging sundalo na nakikipaglaban sa mga masasamang elemento na namimiktima sa mga pamayanan.

"Malaking impluwensya ang aking mga barkada at halos sampu kaming nakapasok sa Army at magkasamang napunta sa Jolo," kwento nya.

Nagsimula sya sa serbisyo bilang isang 3rd Class Trainee noong 1973. Dahil dito, ininda nya ang hirap ng anim na buwan na pagsasanay sa "Molave Warfare" training ng Special Forces sa Cebu City. Ang 15th Infantry Battalion na pinamunuan ni Colonel Pedro Villalon ang kanyang unang assignment. 

                  
Larawan ni Sgt Bobords Dela Cerna habang namahagi ng taktika sa pakikidigma sa mga kasamahang sundalo sa kanyang yunit. (Photo by Bobords dela Cerna)


Isa sya sa naturuan ng advanced marksmanship kaya naisyuhan sya ng M1 Garand Rifle na merong scope bilang pangsipat. 

Simula't sapul, kayang-kaya ni Dela Cerna patamaan ang ulo ng tao kahit sa layong 200 metro hanggang 300 metro. Naging parte sya sa piling advanced marksmen ng 15th IB na binigyan ng mas mataas na pagsasanay sa rifle marksmanship. 

"Una, ginawa muna kaming shooters para sa competitions dahil mahilig yong Batcom namin sa marksmanship. Kalaunan, nabuo ang aming sniper platoon sa unit."


Larawan ni Bobords Dela Cerna habang nagtuturo ng advanced rifle marksmanship sa mga kasamahang sundalo na isinasabak sa mga bakbakan. (Photo by Bobords dela Cerna)


Nang malaman ng kanyang lolo na sinuong nya ang mapanganib na serbisyo militar, ipinatawag sya nito para bigyan ng pang-proteksyon .

"Huwag mong kalimutan ang mga dasal na iyan. Kausapin mo parati ang Diyos kung kailangan mo ng kanyang proteksyon dahil sya lang ang may kapangyarihan na gawin ito," sabi ni Bobords. 

Di rin nagtagal nang sya ay nagreport sa 15th IB nang nakatanggap ito ng radio message na ang kanilang yunit ay ipapadala sa Jolo noong 1974 para bawiin ang syudad mula sa mga bandido na umatake at nagkontrol dito. Maraming mga sibilyan ang naipit at merong mga sundalong naiipit sa bakbakan. 

Naramdaman ni Bobords ang magkahalong kaba, excitement, at sigasig na maipamalas ang kanyang kahusayan bilang mandirigma.
"Atat na atat ako na ma-deploy na kaagad. Kung pwede nga lang, ilipad na kami at derecho isabak sa gitna ng labanan para maisalba namin ang mga tao doon," sabi nya.

Nang malaman nya ang kanilang sasakyan pa-Jolo, medyo nadismaya sya. 

"Sasakay pala kami ng barko ng Philippine Navy. Matatagalan pa kaming magbyahe sa laot papunta sa Mindanao."

(Abangan ang karugtong)






Msg Bobords Dela Cerna: Byaheng Jolo (Part 2)

$
0
0


Ang Landing Ship Tank ng Philippine Navy na kaparehas sa sinakyan ng 15th Infantry Battalion papuntang Jolo noong 1974. (Internet photo)



Ang mga mandirigma ng 15th Infantry Battalion

Sa pagkaalaala ni Msg Bobords Dela Cerna, naaayon sa grupo ng region ang pagka-organisa sa kanilang battalion.

Mga Bisayang taga Ormoc at Cebu, napunta sa Alpha Company. Si Bobords ay miyembro ng 1st Platoon ng kumpanyang ito at ang kanyang Platoon Leader ay si 2LT Crucero at ang kanyang Company Commander ay si 1Lt Suarez.

Ang mga Bisayang Waray galing Samar, solid silang lahat napunta sa Bravo Company. Ang mga ‘tikal’ na Ilonggo naman ay napunta sa Charlie Company lahat.

Samantala, sa Headquarters Company ay nagkahalo-halo na ang mga Cebuano, Ilonggo, Waray, at iilang mga Ilokano.

Ini-organisa sila ni Colonel Villalon na merong weapons squad kada kumpanya. Dala-dala ng mga miyembro nito ang Bazooka at M19 Cal 30 Machinegun. Bawat kumpanya ay merong dalawang Advanced Marksman o Sniper na ang ginagamit ay scoped Cal. 30 M1 Garand Rifle.

Ang mga Scout Ranger qualified personnel naman ay naka-distribute sa mga Platoons ng bawat kumpanya dahil sila ang inaasahan na mag-control sa mga baguhang sundalo, lalo na ang mga 2nd Class trainees sa mga misyon. Madali silang makilala dahil authorized silang magsuot ng 'Seven Colors', ang camouflaged uniform ng US Army, na kakaiba sa Olive Drab (fatigue) uniform ng Philippine Army sa mga panahong iyon. 

Dahil iniidolo ni Bobords ang mga Musang, lagi syang dumidikit sa mga ito para makipagkwentuhan at matuto sa kanilang mga kaalaman. Iniidolo nya ang mga batikang mandirigmang Musang na kagaya ni Sgt Banzon at Sgt Bernas. Iisa ang maalala nyang turo ng mga NCOs na Musang:

“Bobords, para sa mga Musang, hindi kami mag-iiwanan. Dapat tayong mga miyembro ng 15th IB ay hindi mag-iiwanan kahit sa bayag na magkaipitan.”

Natutunan din nya sa mga Musang na mahuhusay silang magdala ng tao. Napapakibagayan nila ang lahat na tauhan kahit Bisaya, Ilonggo, o Waray. Dahil kaya ni Bobords na makapagsalita sa lahat ng dialect na iyon, nagagawa nyang makipagbolahan sa kahit anong miyembro ng battalion. 


“Mas madali kong nakakapalagayang loob  ang tropa kung parehas ang aming salita. Mabuti na lang alam ko ang mga salita nila dahil sa mga barkada ko simula noong ako ay elementarya pa lang,” sabi nya.

Ang kanyang kaalaman sa mga dialects ay nagagamit nya para maging mediator sa mga awayan ng iba’t-ibang grupo. Isang araw, inawat nya ang nagsusuntukan na isang Ilonggo at isang Waray. Nabitawan nya ito ang matinding pananalita.

“Bay, kanang atong kaisog, ato kanang ipakita sa mga kontra. Paghulat lang gud mo kay hapit na ta makigyera sa Jolo, tan-awon gyud nato kinsa ning mga tinuod nga banggiitan ug kinsa ning mga talawan!” (Pare, ang ating katapangan ay ipakita natin sa mga kaaway. Antay lang kayo kasi malapit na tayo makikidigma sa Jolo, tingnan talaga natin kung sino ang tunay na mga tigasing matatapang at kung sino ang mga nerbyoso sa labanan!)

Ang mga kalaban sa Jolo

Mainit pa ang mga kwentong ‘Jabidah Massacre’ noong 1968 na kung saan ay pinagbintangan ang Philippine Constabulary trainors ng mga recruits na Moros na syang nagmasaker diumano sa sinasanay na tropa na dapat ay lulusob sa Sabah para bawiin ang teritoryo na inaangkin ng Malaysia pagkatapos na lumayas ang British colonizers.

Dahil sa galit ng mga Moro, nasindihang muli ang poot sa dibdib ng mga Moro na nag-ugat pa sa pang-aabuso ng pwersa ng mga Espanyol kagaya ni Capitan Esteban de Figueroa na nagkanyon sa Jolo noong June 1578. Nanatili ang galit na ito sa mga pwersang mapanakop, lalo na sa mga Kristyano, dahil sa ipinagpatuloy na pagkontrol ng dayuhan simula ng malagdaan ang 1998 Treaty of Paris na kung saan ay nagbigay daan ito para pumalit naman ang pwersa ng mga Amerikano sa Sulu at sa buong Pilipinas.

Kasama ang Bud Dahu Massacre noong 1906 at Bud Bagsak Massacre noong 1913 sa mga pang-aapi ng mga Amerikano sa nagpapaliyab ng poot ng mga Tausug. Dahan-dahang nananahimik ang Sulu dahil sa Benevolent Assimilation na estratehiya ng mga Amerikano.

 Makikita sa larawan ang pangkakanyon ng mga American Forces sa mga Tausug warriors na nagkuta sa Bud Daho, Indananan, Sulu noong 1906. (Internet Photos)

Ang karima-rimarim na sinapit ng mga Tausug na lumaban sa pwersa ng mga Amerikano ang kasama sa poot na nararamdaman ng mga nakikidigma sa naturang lugar hanggang sa kasalukuyang panahon. (Internet Photo)

Subalit, nabuhay muli ang galit sa mga dayuhang pwersa dahil sa dami rin ng pinatay na Tausug ng mga Hapon nang sinakop nila ang Pilipinas at karatig na mga bansa noong 1942 para itatag ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere, na layunin ay pag-isahin ang kultura at ekonomiya ng mga Asiano.

Iilang taon lamang pagkatapos ng kalayaan ng Pilipinas noong 1946, nasindihan muli ang galit at pakikidigma ng mga Tausug nang ginamitan ng malakas na pwersa ng Armed Forces of the Philippines nang nag-alburoto ang grupo ni Maas Kamlon noong 1950s. Marami ang napatay sa bakbakan, samantalang hindi naman nagrerebelde si Kamlon kontra sa pamahalaan, kundi kumapit sa patalim dahil sa nakikitang di parehas ng pag-disarma ng Philippine Constabulary sa mga armadong grupo.

Kaya naman, ang sinaunang kampo ng Bangsamoro Army (na naging kilala bilang MNLF) ni Commander Talib Congo noong 1970s ay pinangalanang Camp Kamlon. Sila ang lumusob sa bayan ng Jolo noong February 1974.

Ito ang naging hudyat para magpadala ng pwersa ang AFP sa Jolo, kasama ang 14th Infantry Battalion at 15th Infantry Battalion na kinabibilangan ni Second Class Trainee Eugenio ‘Bobords’ Dela Cerna.

Kagaya sa mga pwersa na ipinadala para labanan ang mga Tausug noong 1578 (Spanish), 1900s (Americans), 1942-1945 (Japanese), 1950s (AFP), sa narrative ng mga rebelde o kaya sa mga bandido o terorista, ang mga deployed troops ay ‘pwersang mapanakop’ o ‘pwersa ng mga Kristyano’, lalo na at gumamit din ng Christianized indios mula sa Visayas ang mga Espanyol sa pang-aatake nila sa Sulu Sultanate sa mga panahon na iyon. 

Makakaharap nina Bobords Dela Cerna at mga Bisayang tropa ng 15th Infantry Battalion, ang mga salin-lahi ng mga mandirigma na lumaban sa mga dayuhang pwersa simula pa noong 1600s.

Byaheng Jolo

Katatapos pa lang mag-agahan ang mga tropa ng 15thInfantry Battalion nang sila ay ipinatawag ng kanilang Battalion Commander para sa kanilang final briefing bago ang kanilang jump-off papunta sa Landing Ship Tank (LST), ang barko na  syang magkarga sa kanila papunta sa Jolo, Sulu para sa isakatuparan ang kanilang misyon.

Mataas ang gupit at maliliit ang tiyan dahil sa mahihirap ng physical training kagaya ng Molave Warfare Training, ang mga Second Class Trainees kagaya ni Bobords Dela Cerna, ay naka-distribute sa mga line companies ang infantry platoons.

Hindi nya maisalarawan ang naramdaman nang marinig na tuloy-na tuloy na ang deployment nila doon. Pagkakataon na nila yon para maipakita sa mga kasamahan na ganap na silang sundalo.

“Parang naiihi, natatae pinapawisan, nilalamig, umiinit ang tenga namin sa formation area. Pero, maliwanag para sa akin na pakitaan na ito ng katapangan,” sabi ni Bobords, na gustong ipamalas sa mga Musang ng 15thIB na meron din syang angking katapangan.

Sa nagdaang gabi, di sya gaano nakatulog dahil nagkandandarapa sya at mga kapwa 2nd Class Trainees sa mga preparasyon.

Para sa sariling paghahanda, isinasaulo nya muli ang itinuro ng lolo nya na dasal. Inusisa nya ang combat pack na naglalaman sa kanyang mission-essential equipment: Bala, bala, bala. Nagsiksik sya ng halos 500 na bala ng Cal 30 para sa kanyang M1 Garand.

“Wala na akong dinalang pagkain kundi mess kit lang at canteen na pinuno ko ng tubig. Panay bala at konting mga damit lang nilagay ko sa aking pack. Kahit isang lingo akong makipagbarilan, pwede!”

Sinaulo at inilagay nya sa imahinasyon ang naisalarawan ng kanyang Platoon Leader sa kanilang OPORD briefing.

“Halos isang libong kalaban ang makakaharap natin. Okupado nila halos lahat ng kabahayan lalo ang mga sementadong pwesto. Ang misyon natin ay bawiin ang Jolo, iligtas ang mga mamamayan, at ipabalik normal ang pamumuhay ng mga tao doon sa lugar. Magdasal kayo, merong iba sa atin ay posibleng tuwid na ang paa na makauwi. Ingatan ang sarili. Ingatan ang kasamahan.”

Sinalansan nya sa kanyang higaan ang lahat ng mga gamit pakikidigma, pati ang kanyang steel helmet bago sya naglinis muli ng kanyang baril. Sinigurado nya ng nalagyan ito ng lubricants at nahigpitan ang lahat ng turnilyo ng kanyang scope.

“Wala akong pinalampas sa inspection ng gamit. Dapat mananagumpay kami para buhay kaming uuwi,” sabi nya.

                                        
Ang kaparehas na Scoped M1 Garand Rifle na ginamit ni Bobords Dela Cerna sa pakikidigma sa Sulu noong 1974. (Internet Photo)


Di nya alam alin pa ang pwedeng paalaman. Wala naman siyang girlfriend. Napagsabihan na nya ang kanyang tatay at mga kapatid. Nakapagmano na sya sa kanyang lolo. Nag-isip isip pa rin sya.  Patay na kung patay.

“Gentlemen, form!”

Boses ng First Sergeant.

“Form na kayo at pag accounted na lahat, sakay na sa trak. Byahe na tayong Jolo!”

Bog. Bog. Bog. Lumalakas ang pintig ng puso nya na tila gustong umalpas sa dibdib nya. Mainit ang kanyang mukha sa kanyang pakiramdam. Tumaas ang kanyang adrenaline. Atat na sya na makipagbarilan sa mga kalaban. 

Tinapik nya ang classmate na si 2nd Class Trainee Hontiveros.

“Wala tayong iwanan bay!”


(Merong karugtong)


Ang paglalayag papuntang Jolo: The story of Msg Bobords Dela Cerna (Part 3)

$
0
0
Ang mga tropa ng 15th Infantry (Molave) Warrior habang lulan sa Landing Ship Tank ng Philippine Navy sa karagatan ng Visayas, patungo sa Sulu Sea para sa kanilang combat deployment. (Photo by Bobords Dela Cerna)


Sa unang pagkakataon, nakasakay si Bobords ng Landing Ship Tank (LST) ng Philippine Navy kasama ang buong tropa ng Molave Warriors.

Para sa kanya, sobrang mabagal ang takbo ng naturang barko na tila ay di umuusad kung malakas ang alon sa karagatan.

Mabuti na lang, mero silang routine activities habang naglalayag sa dagat. Bilang 2nd Class trainee, silang mga 'lowest mammal' sa battalion ang syang mga 'Kaldero Six' na tumutulong bilang 'Kitchen Police'.

"Kami ang automatic na katulong ng aming Mess NCO sa pagluluto ng pagkain para sa buong batalyon. Ang kusina na ata ang naging pinakamainit kong assignment sa tanang buhay ko!"

Samantala, kung open time naman ay minabuti nilang panoorin ang pailan-ilang mga dolphins na sumasabay sa barko na tila nakikipaghabulan ng kalaro sa karagatan. Kung merong nadadaanang mga isla o kaya mga mangingisda, kinakawayan nila ang mga tao na nakikita sa kalayuan.

Napansin nya na pagkatapos ng isang araw sa byahe, kinakalawang ang kanyang M1 Garand.

"Matindi pala ang epekto ng hamog sa dagat dahil kinakalawang agad ang aming mga baril. Dahil ayokong pumalya ito sa tunay na misyon, parati ko itong pinupunasan ng gun oil, kinakasa para makita kung swabe ang functioning nito," sabi nya.

Paminsan-minsan, iniipon kami ng mga Platoon Leaders at mga Platoon Sergeants para sa mga paalala sa mga diskarte ng pakikidigma.

"Dong, parati kayong makinig sa boses ng mga kumander at tingnan kung paano mag-maneuver kasama ang iyong Squad at Platoon. Manggaling tayo sa landing craft paglusob sa beach na ating pag-daungan. Doble ingat parati dahil maaaring napwestuhan na ng kaaway ang lahat ng lugar," sabi ni Sgt Banzon na miyembro ng Scout Ranger Class 16, at isa sa pinaka-respetadong NCO sa unit.

"Huwag na huwag nyong hiwalayan ang inyong baril. Ituring nyo yang asawa na karugtong ng inyong buhay sa hirap at ginhawa," dagdag nya.

Dahil doon, parating naka-sling ang kanyang M1 Garand Rifle kahit saan sya mapunta. Naalala nya na sa training ng Molave Warfare, 'ninanakaw' ng mga Tac NCO ang kanilang baril kung nahihiwalay sa kanila at matinding parusa ang abutin ng mga patulog-tulog na kasamahan.

Sa pangalawang gabi ng kanilang paglalayag, narinig nya na ang nakikita nilang lupa sa kanilang kaliwa ay ang Zamboanga Peninsula. Alam nya na ang Jolo ay nasa bandang kanang bahagi, sa kanluran ng Zamboanga.

Marami syang naiisip sa mga posibleng mangyari sa kanila pag-landing nila sa dalampasigan. Nakahiga sya sa sahig sa gilid ng rampa at nagbibilang ng mga bituin habang naghihimas ng niyayakap na Garand bilang palipas- oras.

"Umiinit ang aking tenga tuwing pumapasok sa isipan ko ang larawan ng mababangis na kaaway na magraratrat sa amin. Iniisip ko rin paano ko sila barilin at sino sa kanila ang aking uunahin dahil itinuro sa akin na ang pinakaimportanteng targets ang aking atupaging barilin," sabi ni Bobords.

Mga bandang hatinggabi, naramdaman na lang nya na pumipikit na ang kanyang mata sa sobrang antok. Inaantay na lang nya ang mainit na pagsalubong ng mga kaaway pagdaong sa Jolo.

Medyo maliwanag na kinaumagahan nang nabulabog sya sa boses ng kanilang Platoon Sergeant.

"Mga bugoy, gising na!"

Kinakabahan sya. Nakita nya na nakababa na ang rampa ang kanilang barko. Umiinit ang kanyang pisngi kahit malamig ang simoy ng hangin.

Napahawak sya ng mahigpit sa kanyang baril. Inaaninag nya ang lupa sa paligid. Ready na sya na sumampa sa landing craft para mauna nang lumusob kaya nag-chamber load na agad sya ng bala sa kanyang baril.

Ka-tsak!Swabe ang kasa ng kanyang bolt assembly dahil napaliguan nya ito ng langis.

"Hoy, sinong kinakasahan mo?"Boses ng kanyang senior NCO.

Lumapit si Bobords sa isang senior at nagtatanong, "Sargeant, Jolo na ba yang nasa harapan? Lulusob na ba tayo?"

"Hoy, ungas, relax ka lang mag-stop over pa tayo sa Zamboanga!"


(May karugtong)





Di bale nang mamatay, wag lang mapahiya: Msg Bobords Dela Cerna Story (Part 4)

$
0
0


Larawan ng Jolo na kinuhanan pagkatapos na ito ay masunog sa bakbakan sa pagitan ng pwersa ng pamahalaan at ng Moro National Liberation Front noong February 7-12, 1974. Nasa background ang Mt. Tumatangis (Weeping Mountain) na tila umiiyak sa sinapit ng kanyang mga anak na Tausug, ang kasama sa mga biktima ng karahasan. (Photo from MNLF online publication)


Bakbakan sa Jolo

Isa sa mga kasama ni Bobords sa combat deployment sa Mindanao noong panahon na iyon ay si Msgt Rodolfo ‘Randy’ Ecija Sr.,  isang Waray, at tinagurian na isa ring Living Legend ng mga Musang sa Mindanao.

Dati syang miyembro ng 11thInfantry Battalion, ang nag-iisang Army unit na nakikidigma sa Moro National Liberation Front sa Sulu simula 1972 hanggang 1973. Nalipat sya bilang Platoon Sergeant sa 15th Infantry Battalion nang ma-pull out ang 11thIB at ibinalik sa 3rd Military Area sa Cebu.

Ayon sa kanya, sa Cotabato area ang orihinal na destinasyon ng 15th Infantry Battalion ngunit nabago ang lahat dahil sa isang FRAG-O (Fragmentation Order) na kung saan ay inilipat ang kanilang destinasyon.

“Di ko yon inaasahan na mabalik ako Jolo pagkatapos ng 2 taon kong deployment sa nasabing lugar. Nang atakehin ng mga MNLF ang mismong syudad noong February 7, 1974,” sabi ni Msgt Ecija na nanilbihan sa hot spots a secessionist insurgency sa iba’t-ibang bahagi ng Mindanao na umabot ng sobra dalawampung taon.

Si Ranger Ecija at Bobords ay parehas ng naging ganap na Musang nang sila ay naka-graduate sa SR course sa magkahiwalay na pagkakataon. Noong February 7, parehas silang na-boring sa kaaantay ng paglayag papunta ng Sulu mula sa Port of Zamboanga.

Si Ranger Ecija ang kasama sa nag-supervise sa mga 2nd Class Trainees kagaya ni Bobords sa pagkakarga ng mga supplies na gagamitin nila sa nagaganap na bakbakan sa mismong sentro ng Jolo.

Bilang trainees, ang leg work sa battalion ay nakasalalay sa kagaya ni Bobords.

“Nagkandakuba kami sa pagbuhat ng kahon-kahong bala na baon naming papuntang Jolo. Sa dami ng  aming kinarga, alam ko na matindi ang labanan ang nag-aantay sa amin,” sabi niya.

Bala ng mortar, machine gun, kanyon, bigas, de lata, at karagdagang sasakyang pang-militar ang nakasalansan sa deck ng barko na sinakyan nila.

Lupaypay sa pagod ngunit gising ang diwa ni Bobords dahil sa kanyang pinakaaantay na pagkakataon na maranasan ang pagiging mandirigma ng bayan.

Pagabi na noong February 7, 1974 nang naglayag silang mula papunta sa sentro ng aksyon sa Sulu na kung saan ang ibang military units kagaya ng 14th Infantry Battalion na pinamunuan ni Col Salvador Mison Sr. at Marine Battalion Landing Team, ay kasalukuyang nakikidigma sa mismong poblacion ng Jolo.

Maraming pumapasok sa kanyang isipan habang pinipilit nyang umidlip para makapagpahinga.

Sumandal sya sa isang sulok katabi ng tropa ng Weapons Squad kagaya nina Cpl Tunac, Pfc Castillo, at Pfc Asoki. Minsan na nakakatulog na sya kayakap ang kanyang asawang M1 Garand, ginulantang sya ng tila busina ng barko.

Prrrrrrrrrrrrt! Brooooooot! Tssssh!

Ang akala nya, hudyat na iyon na dumating na sila sa Jolo landing site kaya bigla syang bumangon nang maalimpungatan!

“Pisting giatay, hilik pala ni Sgt Tunac!”

Dahil doon, hindi na sya nakatulog uli lalo na dahil sa makulit na alon na walang hinto sa pag-uuga sa kanyang hinigaang patong-patong na karton at combat packs.

Nagsawa sya sa kabibilang ng bituin sa langit nang mapansin nya na dahan-dahang nag-iba ang kulay sa kalangitan. Sa militar, iyon ang tinatawag nilang Beginning of Morning Nautical Twiligh (BMNT) na kung saan nag-aagawan ang hari ng kadiliman at ang Anghel ng Kaliwanagan.

Tumayo sa at sinilip ang kapaligiran kasama ang mas marami ring tropa na di rin nakatulog sa kaiisip kung ano ang mangyayari sa kanila paglapag sa landing site.

Narinig ni Bobords ang boses ng isang Musang na NCO na dati na rin sa Sulu.

“Ang nasa harapan natin ay ang islang lalawigan ng Sulu, ang lugar ng Tau Maisug (Matapang na Tao) o Tausug!”

Bog. Bog. Bog.Nagwawala na naman ang kanyang dibdib at tila sinilihan ang kanyang katawan.

Tinatanong nya ang kanyang sarili: “Matapatan kaya ng BiBu (Bisayang Sugbu) ang kabangisan sa away ng Tausug?”

Bandang alas singko, nasa kalagitnaan sya ng pagmuni-muni nang mabulabog ang mga batching nya na mga ‘Kitchen Police’ ng nakakakilabot na boses ng kanilang Mess NCO.

“Mga bugoy, man the kitchen! Ihanda ang numero diyes na ulam!”

Mabangis ang kanilang Mess NCO sa larangan ng lutuan at ‘Master Chef’ sya sa pagluluto ng menu na ‘Number 10’. Isang pirasong tuyo at isang pirasong itlog! Ipagtabi mo sa plato ang tuyo at itlog, Numero Diyes!

Sa kanilang magka-batch, meron ding pasiga-siga dahil malaki ang katawan kagaya ni 2nd Class Trainee Hontiveros. Porke patpatin ang kanyang pangangatawan, sinisigaan sya nito paminsan-minsan.

Nagsasalok sya ng tubig sa dagat gamit ang kaldero nang bigla syang itinulak nito kaya natampisaw sya sa tubig. Agad syang naglangoy para lumutang pero ang mabigat na kaldero ay kanyang nabitawan.

“Ang akala ni Hontiveros ay hindi ako marunong maglangoy eh laking Sugbu ako. Noong bata nga ako ay parang kinalawang na buhok ko sa kakasisid sa dagat sa paglalaro naming ng languyan!”

Inis man sa kanyang batchmate, umakyat sya pabalik sa barko at agad nilapitan ang ngising demonyo na si Hontiveros.

“Bay, doon sa mga mandirigmang Tausug mo ipakita mamaya ang iyong tapang!”

Busog na lumalaban

Bandang alas nuwebe, naririnig na nya ang mga boses ng mga NCOs ng bawat platoons.

“In 10 counts, ubusin ninyo ang lahat ng pagkain sa inyong meat can! Dapat busog kayong lahat na lumalaban!”

Binilisan ni Bobords na lumamon ng pagkain sabay lagok ng tubig. Naririnig na nila ang putukan sa Jolo at umuusok ang ilang lugar sa sentro na tila nasusunog sa nangyaring bakbakan.

Naisip nya na baka panghuli na nya iyon na agahan. Dinamihan nyang kumain ng kanin dahil possible ring pasma ang abutin sa dire-diretsong paglusob ng kanilang batalyon papunta sa pwesto ng kasamahan sa may Jolo airport.

Di kalaunan, nakita nyang inorganisa na ang mga landing crafts sa labas ng LST. Iyon ang kanilang sasakyan papunta sa dalampasigan mga 3 kilometro lang ang layo mula sa kanilang pinag-angklahan.

Napansin nila na tila walang imik sa pwesto ng kanilang landing site. Nasa landing crafts na ang mga platoons ng Molave Warriors at nakaporma nang skirmishers line nang nagsimula ang preparatory fires.

Booom! Booom! Booom! Yumayanig ang kanilang mas maliliit na landing craft habang umaalingawngaw ang putok ng naval gun fire. Pinapanood nila ang pagsabog ng bala sa dalampasigan.

“Wagaaam! Blaaag!” Usok at tilamsik ng buhangin ang kanyang nakikita sa mga niyugan at sukalan.

“Pinaulanan ng Philippine Navy ng katumbas ng bala ng kanyon ang lugar na aming pagdaungan at parang planting rice ang kanilang ginawa para siguraduhing mapulbos ang kahit sino mang nakapwesto doon,”sabi nya.

Kinapa ni Bobords ang kanyang steel helmet at hinigpitan ang pagtali nito. Napaisip sya kung kaya ba talagang harangin nito ang bala na itinitira sa kanila.

Kung tatablan man ang helmet o hindi, wala na syang pakialam. Naalala nya uli ang itinurong dasal ng kanyang lolo na antingan. Pumikit sya at nanalangin sa Panginoong Diyos.

“Ikaw na ang bahala sa akin Diyos Ama. Bigyan mo ako ng proteksyon para an gaming misyon ay aking magampanan.”

Papalapit nang papalapit na sila sa dalampasigan pagkatapos na huminto ang pagratrat ng naval gun fire.

Nilingon nya ang mga kasamahang sundalo at nakikita nyang paulit-ulit nag-sign of the cross ang iba, samantala ay tila nagsasalitang mag-isa ang iba. Ang mga Musang na kagaya ni Sgt Banzon ay di nagsasalita at nakatuon ang pansin sa kanilang pagdaungan.

“Gentlemen, lock and load! Ready to land!”  Boses ng 1Lt Suarez.

Sinundan naman ito ang boses ng mga senior na Musang. Nanlilisik ang mata ni Sgt Banzon na humarap sa amin. Parang mas nakakatakot ang bangis ng mukha nya kaysa isang kilabot na bandido.

“Dodong, wag nyong humiwalay sa inyong teams at squad! Makinig sa boses ng mga sarhento!”

Mas kinabahan sya sa sabat ng isa pang Musang na nasa tabi nya: “Mga bugoy, kung kayo ay tatakbo sa labanan, ako ang babaril sa mga talawan (matakutin)!”

Mga isang daang metro sa dalampasigan, dahan dahan nang binaba ang rampa sa harapan. Sinilip nya ang sukal sa harap pero wala ni isang tao ang nakikita. Kakaiba ang ang kaba na kanyang nararamdaman.

Mga 50 metro mula sa buhangin, tila napaaga ang tunog ng bagong taon sa kanilang harapan.

Kumanta ang napakaraming armas ng mga kaaway mula sa sa kasukalan sa  ilalim ng niyugan.

Bratatatatat! Bababab! Pikpikpik! Plok! Blaaam!

Nakita nya na ang ibang mga kasamahan sa platoon ay agad tinamaan. “Agay! Agay! Naigo ko! Naigo ko!”

“Talon! Talon! Baba! Baba! Assault!” Nangunguna sa unahan ang kanilang mga Musang na NCOs.

Tumalon na rin si Bobords sa tubig para lumusob. Di na baling mamamatay, huwag lang mapahiya.

Pilit nyang abutin ang ilalim ng tubig, kaya lang medyo napunta sya sa malalim na lugar. Mata lang nya ang nakalutang sa ibabaw ng tubig.

Marami-rami ring tubig dagat ang kanyang nainom bago sya naka-abot sa bahaging ga-leeg ang water line. Tumitilamsik ang mga bala sa kanyang paligid at tila ang pagratrat sa kanila ay walang katapusan.

Doon nya nalaman na mahirap palang tumakbo habang nasa tubig ngunit kung pinapaulanan ng bala ay tatalunin din ang milagrosong tao na parang naglalakad sa tubig sa bilis ng galaw!

Kasama ang ilang batchmates, narating nya ang buhangin katabi sina Sgt Tunac na hila-hila ang kanyang Cal 30 M1919 Machinegun.

“Castillo, ang tripod! Asoki, ang bala!” Humihiyaw si Sgt Tunac.

 “Assault! Assault!” Sigaw ng mga Musang na NCOs.

“Mama! Mama!”Humihiyaw sa sakit ang mga tinamaan. Ang iba di na nakaahon sa tubig.

Luminya si Bobords kina Sgt Tunac at sa mga kasamahan nya sa Squad. Hinihingal sya sa kakakampay sa tubigan at nasuka-suka sa dami ng nainom na tubig.

Bigla na lang, kumalabog ang steel helmet ni Sgt Tunac na tila sya ay binatukan.

Aaaargh! Boses ni Sgt Tunac. Nakatagilid na at umaagos ang dugo sa kanyang ulo. Dead on the spot sya.

Umuulan pa rin ng bala. Umaararo ang mga punglo sa lupa sa kanyang tagiliran.

Gusto nyang kunin ang Cal 30 Machinegun sa pwesto ni Sgt Gunac,  pero tila ay binakuran sya ng tilamsik ng mga bala sa kanyang kinalalagyan.

Karamihan sa kanila ay nasa open terrain at walang masubsuban ng ulo. Ang ibang Platoons ay nakagilid na sa niyugan at nasa 5-10 metro ang layo sa fox holes ng mga

Dahil natubigan ang kanyang scope, Malabo ang kanyang sight picture nang pinipilit nyang hanapin ang machinegunner ng MNLF sa harapan, pero pinutukan nya ng patsamba ang mga pwesto na merong gumagalaw na mga dahon ng damo.

Pak! Pak! Pak! Pak! Pak! Kling!

Ubos ang kanyang bala. Paglingon nya uli sa pwesto ni Sgt Tunac, tila iniimbita sya ng Cal 30 machinegun para ito ay kanyang kukunin.

Binilangan nya ang kanyang sarili habang pumorma na takbuhin ang machinegun.

Ready, wan…tu. Tri!

Prak! Bratattatatat! Agh! Pumulandit ang dugo. 

"May tama ako!"

(May karugtong)

Baptism of fire ng Molave Warriors: Msg Bobords Dela Cerna story (Part 5)

$
0
0

Larawan ng certificate ni Bobords Dela Cerna sa Molave Warfare Course, ang kurso nya sa warfighting na tinapos nya iilang araw bago ang kanyang pinakaunang combat deployment sa Jolo, Sulu noong taong 1974. 



Molave Warriors

Sa unang pagsabak sa labanan ng Molave Warriors, mabilisang nag-dive si Bobords papunta sa pwesto ni Pvt Tunac para masagip ito at nang makuha ang dala nitong machinegun.  Nilingon nya ang isang kasama na napasigaw dahil natamaan sa hita.

“Tabangi ko!”(Tulungan nyo ako!)

Nang tinakbo naman ito ng dalawa pang tropa, ginawa naman silang target paper ng nakapwestong MNLF, at ratrat ang inabot nila. Bratatattat! Pak! Pak!

“Nadagdagan na naman ang casualties namin dahil sobrang malapitan ang labanan. Nakita namin na merong foxholes ang mga kalaban kaya lugi kami sa bakbakan.”

Nakita nya na wounded ang isa sa mga Musang ngunit tumayo ito at lalo pang sumugod sa harapan.

“Wag matakot mga bugoy! Assault!”

Lalong lumakas ang loob ni Bobords nang masaksihan ang katapangan ng kanyang NCOs. Gusto nya itong gayahin sa pagpapakitang gilas sa kahusayan sa pakikipaglaban.

Inulan man sila ng punglo, naubusan na sya ng takot na mamatay sa panahon na iyon. Naawa sya sa sinapit ni Pvt Tunac.

“Di ko masikmura na iwanan syang nakahandusay doon sa open terrain. Di ko rin pwedeng pabayaan na maagaw ng kalaban ang dala nyang machinegun dahil mas lalong dadami ang malalagas sa amin, kaya di bale nang mamamatay, wag lang mapahiya!”

Kasama ang mga kapwa Second Class Trainees, hinila nila si Tunac at ang machinegun hanggang maabot nila ang mga puno ng niyog.

Sinubukan nyang magkubli sa likod ng puno pero nagsisikuhan sila dahil apat silang nagtago sa isang puno para iwasan ang umuulang punglo. Dahil inuulan sila ng bala, para silang mga bata na nag-aagawan ng laruan.

“Ayaw diri! Balhin sa pikas!” (Wag ka ditto, lipat sa kabila!)

Nangingibabaw ang boses ni Sgt Berroya, isa sa mga Musang, sa gitna ng umaalingawngaw na mga pagsabog at mga putok mula sa mga Molave Warriors na nakaabot na rin sa mga mapunong lugar.  

“Bazooka! Tirahin ang foxholes ng Bazooka!” Dala-dala ng mga tropa ang M9A1 Bazooka, ang grenade launcher na unang naimbento para pang-tigok sa battle tanks ng World War 2.

Ka-blaaaam! Pasok sa pwesto ng foxhole ang bala ng Bazooka. Tumahimik ang mga baril ng kalaban na nakapwesto dito. Ang iba ay nahiya nang tumayo sa dami ng shrapnel na nahilamos sa kanila.

“Allahu akbar! Allahu akbar!” Nagsigawan ang mga natirang kalaban.

Sumagot naman ang mga Musang na nangunguna sa lahat ng tropa kagaya ni Sgt Bernas na di man gaano kalakihan pero parang naka-megaphone ang boses nya.

“Ayaw kahadlok! Asdang ta!” (Huwag matakot! Sugod tayo!)

Nakikita ni Bobords ang iilang mga kalaban na humihila sa mga patay nilang kasamahan. Nasa 50 metro lang ang layo nila pero mas masukal ang kanilang pwesto.

Ini-sling nya ang kanyang M1 Garand at dali-dali nyang kinuha combat pack ni Pvt Tunac at tinanggal ang straps ng combat pack. Ipinangtali nya ito sa Cal 30 Machinegun para maging sling nito, para madaling buhatin.

Pinatabi nya sa kanyang pwesto ang mga ka-batch na sina Asoki at Castillo na syang may dala ng maraming linked ammo ng machinegun. Doon nya sinimulang paulanan ng bala ang mga kalaban na nasa likod ng mga puno ng lansones.

Brrrrrrrrrrt! Brrrrrrrt! Brrrrrrrrrrrt! Umaapoy ang iilang tracer rounds habang lumilipad ito papunta sa pwesto ng mga kaaway.

Ang iilan sa kanyang ka-batch ay nakasubsob na ang ulo at hindi na nakaka-return fire dahil sa nerbyos sa sinapit nila. Dahil dito, nakiki-command na rin si Bobords sa mga kasama na nakalinya sa kanya.

“Maneuver na mo, ako ang mag-cover fire!” Tuloy-tuloy ang pagpindot nya sa trigger para makapag-deliver ng burst fire at mapasubsob ang ulo ng mga kalaban.

Brrrt! Brrrrt! Brrrrt!

“Batching, reload!”Nakita nya na parang blangko ang titig sa kanya ni Asoki.

“Hoy, butangi kog bala kay nahurot na! Dalia kay basin asdangon ta ug matigbasan ta aning mga kanahan!” (Hoy, lagyan mo ko ng bala at naubos na! Bilisan mo at baka sugurin tayo at mataga tayo nitong mga ***%#!)

Ang juramentado

Batid na batid ni Bobords ang mga kwento tungkol sa mga juramentado na mga Tausug. May tali sa bayag, sa braso, at sa ulo, naging tanyag ang suicide attackers ng mandirigmang Tausug sa Filipino-American war na kung saan ay maraming Jolohano ang nag-alay ng buhay sa mga suicide attacks kontra sa pwersa ng mga Melikan (Amerikano) gamit ang kris at barong. Ang ‘bolo-wielding’ juramentado ay parte sa asymmetric warfare tactics na pangtapat ng ill-equipped na pwersa ng Sulu Sultanate laban sa well-trained at fully-equipped conventional forces ng United States of America. Dahil sa oral traditions, naipamana ng mga Tausug ang close quarter combat technique na ito sa mga descendants nila, pati sa mga kasalukuyang mandirigma ng Moro National Liberation Front.

“Allahu akbar, Allahu akbar!”

Larawan ng mga sinaunang Tausug Warriors na nakakalaban ng mga Espanol at mga Amerikano. (Internet photo)


Dumarami ang mga Tausug na sumisigaw ng papuri sa kanilang Diyos (Allah) para tumaas ang kanilang morale sa sitwasyon na kung saan ay paubos na rin ang kanilang bala at dumarami ang kanilang mga casualties.

Bigla na lang, nag-jam ang kanyang machinegun at nakikita nya na nagtayuan ang mga natitirang palaban na mga mandirigmang Tausug. Iniumang nya ang kanyang machinegun para ratratin sila.

Plak! Ka-tsak! Plak!

Nag-dud ang bala nya kaya nagkasa at kalabit mula ngunit ayaw pa rin pumutok kaya napasigaw sya.

“Buang!” (Ulol)

Sa harapan nya, sumusugod ang mga kalaban papunta sa kanyang pwesto na tila walang kamatayan. Nakahawak ng kris ang isa sa kanila at iilang metro na lang ang layo sa kanila.

Nanlilisik ang mata, sumisigaw ang isa sa mga ito habang papalapit sa kanya.

‘Allahu akbar! Patayin ang kuffar!’


(May karugtong)



Nagkakaalaman sino ang matatapang: Combat Story of MSg Bobords Dela Cerna (Part 6)

$
0
0

Nasa larawan ang kaparehas ng Cal 30 M1919 Browning Machinegun na ginamit ni Bobords sa pakikidigma pagkatapos na napatay sa labanan ang orihinal na gunner na ito. (Photo from open sources)


Sa unang 100 metro na inaagaw na kapirasong lupa na kontrolado ng Bangsamoro Army, marami sa mga ka-klase ni Bobords ang nagbuwis ng buhay sa pinakaunang oras ng kanilang pakikipaglaban.

Isa sa nakita nyang nakahandusay ay ang ka-batch nya na si Second Class Trainee Hontiveros, ang siga nyang classmate na nagtulak sa kanya sa dagat nang dumaong sila iilang oras lamang ang nakalipas.

“Hindi ko na nakita ang kanyang katapangan sa labanan dahil namatay sya agad sa pag-apak pa lang naming sa dalampasigan. Naawa pa rin ako sa kanya dahil marami rin kaming pinagsamahan,” sabi ni Bobords.

Si Tunac ang isa pa sa nakita nya na nagbuwis ng buhay sa labanan. Nakita nya na lugmok sa lungkot si Asoki at Castillo, ang ammo bearer at assist gunner ni Tunac, kaya boluntaryo na agad si Bobords na maging kapalit nito.

Doon sya nakilala na Sniper na, Machinegunner pa. Doon sya naging tanyag na matapang na mandirigma sa panahon na wala pang kinikilalang Rambo.

Nasagip ng Musang

Kaka-recover niya kay Tunac para dalhin sa covered position nang sinasalubong naman sila ng mga kaaway na gustong mang-agaw ng mga bala at baril.

Sa kasamaang palad, panay misfire ang inabot ng kanyang Cal 30 M1919 Machinegun, kung kelan nasa bingit na sya ng kamatayan. Pilit nyang abutin ang nakasukbit na M1 Garand sa kanyang likuran para barilin ang rumaragasang juramentado.

Prak! Prak! Bang! Bang!

Bulagta ang dalawang mandirigmang Tausug sa kanyang harapan. Tumakbong pabalik ang iilan sa mga assaulter ng kalaban. Lahat sila may tama sa katawan ngunit nagawa pa rin nilang kumaripas ng takbo.

Paglingon nya, nakita nya ang mga kasamang Sniper na katabi ni Pfc Banzon, isang Musang na miyembro ng SR Class 16.

Nasiyahan si Bobords dahil tunay nga ang kasabihan na sa mga Musang, talagang walang iwanan.

“Sa totoo lang, ni-nerbyos ang iilan sa aming mga kasamahan na doon pa lang nakaranas ng madugong bakbakan. Nagtakbuhan paatras iyong iba at talagang di na nagpaawat sa kanilang mga Squad Leaders at mga NCOs,” kwento ni Bobords.

Dali-dali nyang tinanggal ang nakaipit na bala ng machinegun sa tulong ni Castillo at Asoki. Nakita ni Bobords na mahihirapan syang magsabay sa assault kung nakakabit ang tripod ng machinegun. Naisipan nya ang diskarte para mas madali nya itong mabitbit papunta sa harapan.

“Ipinambalot ko sa parte ng barrel ang aking tuwalya, at hinabaan ko ang pagkatali ng aking modified sling na mula sa strap ng combat pack ni Tunac, para mas madali ko na itong buhatin,” sabi nya.

Nang nagsigaw sina Pfc Banzon ng assault, sinigurado na ni Bobords na kasama sya sa kanyang squadmates sa pag-salubong sa mga kalaban habang ang ibang platoon ang nagpaputok para sa kanilang covering fires.

Tuwing sigaw ng drop, si Bobords ang natitirang nakatayo o kaya nakaluhod, kahit pa man sa gitna ng umuulan ng bala.

“Kung dadapa ako, unstable ang aking position dahil wala akong tripod, at kung may matataas na damo, di ko makikita ang pwesto ng mga kalaban. Ang ginawa ko, patayo ko silang niraratrat ng aking machinegun para kitang-kita ko saan sila nakapwesto,”sabi nya.

Naglalakad sya paharap habang nagpapaputok nang nakarinig sya ng malakas na boses sa likurang bahagi. Boses ni Pfc Evasco.

“Hoy, bugoy, unsa man ka, di madutlan? Magpakamatay ka na ba sa yutang imong gitindogan? Hapaaaaaa!” (Hoy, pasaway, ano ka di natatablan? Magpapakamatay ka na bas a lupa na iyong kinatayuan? Dapaaaaaa!)

Sa nakikita nya, lugi talaga sya kung sya ay dadapa. Sa pakiramdam nya, di naman humahaging sa paligid nya ang bala ngunit doon ito dumadapo sa pwesto ng mga katabi nya. Nang nilingon nya ang mga buddies na may dala ng tripod at bala, nakasubsob ang mga ito sa likod ng puno ng marang.

“Asoki! Castillo! Diri mo sa akong likod uy! Asdang ta!” (Asoki! Castillo! Dito kayo sa likod ko! Assault tayo!)

Nang Makita si Bobords ng iba pa nyang mga ka-Platoon, marami ang nabuhayan ng loob para sumabay sa kanya. Naitulak nila papunta sa kamantingan (cassava trees) ang mga kalaban pagsapit ng hapon. Halos 500 metro na ang naagaw nilang kalupaan.

“Assault! Assault!”Sumisigaw ang mga NCOs ng Molave Warriors.

Tila, ayaw ring patinag ang mga kalaban na nasa pwesto sa ilalim ng mga kamoteng kahoy. Kapos man sa bala, nahubog sa pakikipaglaban ang mga miyembro ng Bangsamoro Army sa nagdaang mga taon. Kung karanasan sa pakikidigma ang pag-usapan, lamang sila sa mga tropa ng 15th IB lalo na sa mga Second Class Trainees na kakatapos ng Molave Warfare Course.

“Allahu Akbar! Allahu Akbar!” Pak! Pak! Pak! Bang! Bang! Bang!

Ang labanan sa pagitan ng Molave Warriors at ng Bangsamoro Army sa Barangay Busbus ay naging labanan ng patibayan ng dibdib, at patatatagan ng isip. Matira ang matibay.

Walang kainan sa buong maghapon, lupaypay sina Bobords ng maabot ang dulo ng mapunong lugar. Nasa kamantingan ang natitirang pwesto ng mga kalaban. Di kalayuan sa kanila, tuloy-tuloy ang putukan sa sentro ng Jolo at sa bandang Jolo Airport. Makapal ang usok na nakikita sa mga mabahay na parte. Paminsan-minsan, nakikita nya ang mga eroplano  na nagbabagsak ng bomba sa pinagpwestuhan ng mga kaaway.

Napaisip si Bobords sa kanyang buhay sundalo. Di sya nakaramdam ng takot dahil sa pakiramdam nya ay walang mawawala sa kanya. Ang kanyang lighting courtship sa isang Zamboanga White sa Zamboanga City ay parang bunga lang ng katuwaan. Ginogoyo lang sya ni PFC Banzon na ligawan ang kanyang hipag.

“Ang problema, dahil na rin siguro sa aking katikasan, napasagot ko sya sa loob lang ng 30 minuto! Pero, hindi ko yon sineseryoso dahil ang nasa aking isipan ay paano maging mahusay sa pakikipaglaban.”

Inabot nya ang kanyang water canteen para lumagok ng tubig dahil sa tindi ng uhaw at gutom. Walang tanghalian, wala ring hapunan kahit mag-alas singko na noon. Nang buksan nya ang canteen, talagang wala na itong laman.

“Nilululon ko na lang ang aking laway para kahit papano ay maibsan ang aking uhaw. Ang mga ungas kasi na Kitchen Police, ayaw maghatid ng hot meals kung meron pang umaalingawngaw na putok. Napapasma kami dahil sa mga nerbyoso!”

Nagsasalansan sya ng isa pang 100 round link nang marinig nya ang pamilyar na mga putok. Ka-blaam! Ka blaam! Bratatatattatat!

“Assault na! Agawin natin ang kanilang mga pwesto habang kokonti na ang kanilang mga bala!”

Tumayo ang mga Musang kaya nagsunuran na rin ang marami pang mga kasamahan. Sumabay na rin si Bobords at tila sya ang naging covered position para sa dalawang ka-buddy na ayaw matamaan ng bala.

“Brrrrt! Brrrt! Brrrt!” Tinakbo ni Bobords ang isang foxhole na may lamang mga kalaban. Napa-nganga ang lahat ng kanyang kasama sa Squad.

“Sundan natin si Bobords! Assault!” Naging matapang ang buong squad ni Pfc Evasco. Naagaw nila ang foxholes at nakitang nakahandusay ang delaying force ng Bangsamoro Army. Naagaw nila ang klase-klaseng armas kagaya ng FN FAL, Garand, at folded na M2 Carbine. Halos ubos na pala ang bala ng mga natirang kaaway.

Nang narating nina Bobords ang mas magandang pwesto, inayos ni 1LT Suarez ang kanilang defensive position, habang pinapahakot sa likurang bahagi ang mga nasawing kasamahan.

Tatlo sa ka-squad ni Bobords ang nagbuwis ng buhay sa pakikipag-agawan ng humigit kumulang na 30 ektaryang pwesto ng Bangsamoro Army sa Barangay Busbus.

Isa sa pinakaunang request ng tropa sa kanilang pag-reorganize ay mga bala at pagkain.

Gutom na gutom na sila at kulang na lang ay kikilawin ang mga bunga ng kamoteng kahoy na naagaw nila sa pwesto ng mga kaaway.

Sa kanyang sector, ibinalik ni Bobords ang tripod ng kanyang Machinegun at iniumang ito sa pinakaposibleng avenue of approach ng mga kalaban.

Mag-alas otso na nang gabi nang dumating ang may dala ng kaldero na may lamang magkahalo na kanin at pritong isda.

Salit-salitan silang magka-squad na nagkakamay para hagilapin ang ulam at kanin sa nilatag nilang dahon ng saging.

Kakasimula pa lang nilang sumubo nang nabulabog sila sa nakakabinging putok.

Bratatatatatatatat! Ka-blam! Pik! Pik! Pik!

Umuulan ng bala sa pwesto ng Molave Warriors.
“Mama! Mama!” Humihiyaw sa sakit ang mga tinamaan.

Tinalon ni Bobords ang kanyang machinegun.

“Mga pisting giatay mo dili mo magpakaon ha! Kaona ning akong bala!” (Mga put__$*%! Nyo ayaw nyo magpakain ha. Kainin nyo mga bala ko!)

Brrrrt! Brrrrrt! Brrrt!


(Abangan ang Part 7)

Magdamagang ratratan sa kasukalan: MSg Bobords Dela Cerna's Combat Story (Part 7)

$
0
0


Nagkagulo ang kanilang pwesto dahil sa harassment na ginawa ng mga kalabang Bangsamoro Army habang sila ay halinhinang naghapunan.

Tumakbo si 1Lt Suarez papunta sa covered position para ma-control ang tropa.

“Return fire!”

Pak! Pak! Pik! Pik! Brrrrrt! Bratatatat! Bang! Bang! Ka-blaam!

Iba’t-iba ang tunog ng kanilang mga armas dahil tila chopsuey ang issuance na kanilang natanggap na kagamitan.

Ang M16A1 Rifle ay para sa mga officers. Ang M1 Garand ay sa mga squad members. Ang Cal 30 M2 Carbine ay para sa mga Team Leaders. Ang M1 Garand ay para sa mga Second Class Trainees.

“Magkakaiba ang mga baril at mga bala na aming gamit sa battalion dahil halo-halo ang issuance sa Molave Warriors. Base sa gamit na baril, natutukoy namin kung sino ang mga ito,” sabi ni Bobords.

Minsan, naging problema rin sa mga tropa ang cross-loading ng bala dahil hindi magkakapareha ang caliber ng ammo na dala-dala nila.

Tumagal ng humigit kumulang sa kalahating oras ang palitan ng putok sa pagitan ng Molave Warriors at ng katunggaling Bangsamoro Army.

“Cease fire! Cease fire! Observe!”

Brrrrrrt! Brrrrt! Brrrt! 

Kumakanta pa rin ang machinegun ni Bobords.

“Gikolera man kaha ka diha nganong sige pa kag pabuto?” Boses ni Lt Betonio. (#$* ka ata, bakit lagi ka pang nagpapaputok?)

“Ako ning ipapanihapon ug bala ning mga samokan sir! Nagutman ko aning mga buang unya morag mabilar gyud tang tanan aning kalakiha!” (Sir, pakainin ko ng hapunan na bala ang mga magugulong tao na ito. Nagutuman ako sa mga ulol na ito at mukhang mapupuyat tayong lahat sa lagay na ito!)

Sa buong magdamag, pinagbigyan nina Bobords at ng Molave Warriors ang mga MNLF sa tagisan ng palakasan ng apog kung sino tatagal sa kulang ang kain at kulang din ang tulog.

Bandang alas tres ng umaga, naramdaman ni Bobords ang tapik mula sa kanyang balikat. Paglingon nya, naaninag nya si Castillo.

“Batch, ubani ko sa kalibunan beh. Kalibangon na kaayo ko!” (Batch, samahan mo ko sa kasukalan. Sobrang natatae na ako!)

Sa inis, nagising nang mabuti si Bobords sa sinabi ng kanyang classmate.

“Naunsa ka, gusto nimo nga mamatay nga malibang? Pagkutkot diha tapad sa ako, pasalipod anang lubi ug humana kanang imong problema,” instruction ni Bobords bilang paalala sa kanilang SOP sa patrol base operations.  (Ano ka, gusto mong mamamatay na umeebak? Maghukay ka dyan sa tabi ko, magtago ka sa likod ng niyog at tapusin mo problema mo!)

At, tiniis-tiis nya ang amoy sa ginagawang ‘tanggal-problema’ ng kanyang classmate mga 2 metro lang sa kanyang likuran.

Na-busy rin sya buong magdamag sa pagpisat ng lahat ng lamok na sumisipsip sa kanyang dugo pagkatapos ng suicide attack ng mga ito sa kanyang pisngi at leeg. 

Inantay nila ang dahan-dahang pagsikat ng araw para maobserbahang mabuti ang nasa paligid. Nagtapikan sila sa balikat at nakita nya ang hand signal ng kanilang mga NCOs.

“Skirmishers line. Search!”

Doon nya nakita ang mga bangkay ng mga MNLF na naiwan na sa encounter site. Lasog-lasog ang katawan nila sa tama ng bala. Napansin ni Bobords na mga binatilyo pa ang iilan sa kanila.

“Naawa ako sa mga bata na nakita kong namatay. Ang iba nga ay halos matangkad lang ng konti sa bitbit nilang FN FAL rifle,” sabi nya.

Para kay Bobords, walang personalan ang kanyang pakikidigma sa mga Tausug. 

"Pinadala kami ng gobyerno para sagipin ang mga tao na naipit sa pang-aatake ng mga MNLF. Kung armadong rebelde ang sumasalubong sa amin habang nagpapaputok ng armas, natural, paputukan din namin!"

Ang sumunod na instruction sa kanila ay ibinigay pagkatapos nilang nag-agahan bandang alas otso.

“Mag-link up tayo sa 14th Infantry Battalion na nasa bandang Jolo airport. Kailangan nating lusubin ang mga kalaban na naka-okupa sa mga bahayan na nasa paligid nito,” sabi ng kanyang Platoon Leader.
Ang Alpha Company ang na-designate na Main Effort sa pinakauna nilang urban warfare experience sa serbisyo. Kasama si Bobords sa leading elements ng kanilang Platoon, bitbit ang kanyang machinegun at sukbit sa likod ang kanyang M1 Garand.

Ka-blaaam! Bratatat! Bratatat!

Nagsimula na ang welcome ceremony ng MNLF para sa kanila. Kanya-kanyang kubli sa mga sementong bahay ang tropa ng Alpha Company.

Nakakasagupa ng Molave Warriors ang pwersa ng Moros na noon ay branded bilang Maoist rebels dahil nakalinya diumano sa komunista ang ideolohiya nila.

Dahil sa combat operations simula ng proklamasyon ng Martial Law noong 1972, dumadami ang namamatay sa hanay ng MNLF at pinipilit ng Southwestern Command ng AFP sa pamumuno ni General Romulo Espaldon ang pagpagana ng ‘Policy of Attraction’ para mapasuko ang mga miyembro nito.

“Allahu Akbar!”

Isang seryosong tagisan ng katapangan ng mga Bisaya at Tausug ang magaganap sa semi-urban area sa paligid ng Jolo Airport.

(Ipagpatuloy sa Part 8)




Bakbakan sa Jolo: Combat Story of Msg Bobords Dela Cerna (Part 8)

$
0
0
Imahe ng Sulu pagkatapos na ito ay masunog sa madugong bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at mga mandirigma ng Moro National Liberation Front noong Pebrero 1974. (Photo credit to mnlf.net)


Imahe ng matinding karahasan ang nasilayan ng tropa ng 15th Infantry Battalion nang marating nila ang mga bahayan sa gilid ng Jolo Airport. 

Umuusok pa ang iilang nasirang eroplano na tinamaan sa unang pag-atake ng mga rebelde sa pagsubok nitong gapiin ang pwersa ng gobyerno na naka-base sa Notre Dame College.

Nakita ni Bobords ang makakapal na usok ng tila nasusunog na bahayan sa iba't-ibang parte ng syudad. Naririnig naman nya ang tuloy-tuloy na palitan ng putok sa maraming bahagi na kung saan ay merong nakadepensa na mga pwersa ng gobyerno kagaya sa Camp Asturias na merong tropa ng Philippine Constabulary. Sa katabi na sektor ay ang 14th Infantry Battalion at ang Philippine Marines.

Sa kanilang counterattack sa mga pwersa ng MNLF na umatake sa Jolo,  nakakabarilang  ng Molave Warriors ang mga rebelde na sumugod sa tropa ng Marines sa paligid ng Notre Dame. 

Nakakubli sa iilang sementadong pwesto ang mga kalaban na rumatrat kina Bobords. Pak! Pak! Pak! Bratatatat!

"Return fire!" Nanlilisik ang mga mata ng Musang na si Pfc Banzon habang nag-mando sa mga baguhang Second Class Trainee.

Gustong magpakitang gilas si Bobords sa mga idolo nyang Musang sa angkin nyang katapangan. Sumugod sya paharap habang pinapaputok ang kanyang Cal 30 Machinegun. 

"Mga pinisting giatay mo!" Minumura nya ang mga kalaban na kanyang kabarilan. 

Sa sobrang gigil at kumpyansa ay nakalimutan na ni Bobords ang matakot sa kamatayan. 

"Sa totoo lang, ang pakiramdam ko ay di ako natatamaan kung nakatayo. Noong una naming mga engkwentro, kung dumadapa ako, lalong humahaging sa tabi ko ang mga bala kaya parang malas sa akin ang magtago ng ulo habang lumalaban!"

Nakita ni Bobords ang mga rebelde na palipat-lipat ng pwesto sa mga bahayan at pinipilit nya itong tugisin nang tugisin. 

Sa kanyang paligid, nakita ni Bobords ang iilang kasamahan na sugatan. Ang iilan ay humihiyaw sa sobrang sakit na nararamdaman at tila naaalala ang pinanggagalingan na sinapupunan. 

"Mama, Mama!"Tumakbo ang isa nyang ka-batch na may tama sa kamay at naiwan ang dalang M1 Garand. 

Dahil dalawa rin ang kanyang dalang baril, di na magawa ni Bobords na damputin ang naiwang baril sa open terrain. Pilit nyang pabalikin ang takot na takot na ka-klase para kunin ang naiwang gamit nito. 

"Pastilan, tapsing ra man na imong igo,  balik diriiiiiii! Ayaw pag-tinalawan kay samot kag kamatay ana nga wala na kay pusil!" (Sus, daplis man lang yan tama mo, bumalik ka dito! Huwag kang nerbyoso dahil lalo kang mamamatay dahil wala ka nang baril!)

Sa panghihinayang ni Bobords sa baril ng kanyang ka-batch, nakalimutan na nya na binabaril sya ng mga rebelde na iilang metro lang ang layo sa pwesto ng leading elements ng Alpha Company. Paglingon nya sa likuran, nawala ang kanyang mga ka-buddy na may bitbit ng bala at tripod. 

"Castillo, naunsa man mo nga mora man mog nakakita ug multo! Balik ngari!" (Castillo, ano nangyari na para kayong nakakita ng multo! Balik dito!)

Dahil sa tuloy-tuloy na paghaging ng mga bala, wala nang gustong sumabay kay Bobords sa kanyang kinatayuan. Sinipa nya ang Garand Rifle papunta sa direksyon ng mga kasamahan. 

"Allahu Akbar! Allahu Akbar" Ka-blaaaam! Bratatatatat! Pak! Pak! Pak! Nakipagsabayan ang mga rebelde sa pakikipagpatayan sa leading elements. 


Brrrrrt! Brrrrt! Brrrt! Niraratrat ni Bobords ang mga kaaway sa harapan. Nakikita nya na hinihila ng mga rebelde ang mga kasamahang tinatamaan!


Plak! Pamilyar kay Bobords ang tunog ng nauubusan ng bala. Wala nang silbi ang kanyang machinegun at ayaw syang lapitan ng kanyang Assistant Gunner at Ammo Bearer. 

Nagpasya si Bobords na balikan ang mga kasama sa Weapons Platoon. 

"Asoki, Castillo,  huwag nyo kong iwan. Walang mangyari sa inyo!" Di mapintura ang mukha ng mga ka-batch nya na napilitang sumunod sa ala-Rambo na si Bobords. 

Usad pagong ang advance ng Molave Warriors sa mga bahayan dahil sa matinding resistance ng mga kalaban na nakapaligid sa Notre Dame College. Kalahating araw ang aabutin nila sa pakikipagbarilan sa mga bahayan. 

Kung mabagal ang kanilang pag-advance ay posibleng matalo ang mga tropa ng Philippine Marines na nagpapa-reinforce sa 15th IB. Dahil wala silang kaalaman sa urban warfare, napipilitan silang wasakin ang mga pader at bahagi ng bahay gamit ang Bazooka, kung merong namumutok na pwersa ng MNLF sa likuran nito. 

Muli, pasma ang inabot ng tropa ng Molave Warriors sa bagal ng kanilang advance. Tanging si Bobords ang buhay-na-buhay dahil sanay na sya na mani lamang ang kinakain habang lumalaban. Dalawang kilo na pritong mani galing sa Cebu ang kasama sa kanyang baon. 

Bandang ala una ng hapon, narating na nila ang gilid ng Notre Dame College na kung saan ay binabakbakan ng MNLF ang tropa ng Marines na nasa loob ng compound. 

Saktong pagpasok pa lang nila sa mismong compound, sinalubong na kaagad sila ng napakaraming putok. Natamaan agad ang ilan sa kanyang kasamahan. 

Sa L-type at 4 storey na building ng Notre Dame College, tila naging chopsuey ang pinagpwestuhan ng mga MNLF at mga sundalo ng gobyerno. 

Tinawagan ni 1Lt Betonio ang tactical radio ng mga Marines dahil naglabo-labo na ang pwesto ng mga MNLF at ng pwersa ng gobyerno. 

"Nasaan kayo dyan? Kami itong kapapasok sa compound. Di namin matukoy sino kayo dyan!"  

Bang! Bang! Bratatat! Bratatat! Iba ang naging sagot na natanggap ng Molave Warriors. Natikman nila ang kaguluhan ng kauna-unahang Close Quarter Battle ng Philippine Army pagkatapos ng World War 2. 

Nagkahiwalay ng pwesto ang mga tropa ng Molave Warriors nang sinimulan nilang sugurin ang 1st Floor ng Notre Dame College para makakuha ng sariling pwestong mapagkublihan. 

Magkahalo ang mga sundalo at MNLF sa mga pinagpwestuhang mga kwarto na dapat ay paaralan para sa kabataang Tausug na nais mabago ang buhay sa pamamagitan ng pagkuha ng pormal na edukasyon. Kakaibang labanan ang kanilang mararanasan sa susunod na dalawang linggo. 

Kasama si Asoki at Castillo, nakakuha si Bobords ng magandang pwesto para sa kanyang bagong natutunang paraan sa pakikidigma: countersniper operations sa loob ng building. 

Loaded ang kanyang Garand. Sinisilip nya ang pwesto ng mga MNLF na nasa katabing gusali. Tila wala silang kamatayan. 

Pak! Pak! Pak!

Paglingon ni Bobords, nakahawak si Asoki sa kanyang ulo. 

(Ipagpatuloy sa Part 9)

Ang labanan sa Notre Dame College of Jolo: Combat Story of MSg Bobords Dela Cerna

$
0
0
Larawan ng sulat kamay ng isang rebeldeng MNLF na nakipaglaban sa Philippine Marines at sa 15th Infantry Battalion sa loob ng Notre Dame of Jolo simula nang pasukin ng pwersa ng MNLF ang syudad ng Jolo noong ika-7 ng Pebrero 1974. (Photo credit to jihadalakbar.com)



Marami ang nagde-debate kung ang labanan pa sa Jolo ay may kulay na pulitika o kaya relihiyon. Ayon sa ibang miyembro ng MNLF, sila ay mga mujahideen at nakipaglaban sila para sa karapatan ng mga Muslim, kaya nilusob nila ang Sulu. 

Para naman sa mga pinuno ng gobyerno sa mga panahon na iyon, may kulay pulitika ang paglunsad ng MNLF ng armadong karahasan. Hindi raw ito maituring na religious war o jihad ayon sa itinuturo sa Islam dahil hindi naman sinusupil ang freedom of religion sa Sulu. Katunayan, simula pa ng mapalaya ang Pilipinas mula sa Amerika noong 1946, mapayapang naninirahan at nagkakahalubilo ang mga Kristyano at Muslim sa Sulu. Malalim ang relasyon na naipundar ng mga residenteng nagmumula sa iba't-ibang rehiyon at sa mga Tausug at Sama na orihinal na nakatira sa isla. 

Ganon pa man, hindi tuluyang mabura ang poot ng mga Tausug tuwing nagkakaroon ng karahasan lalo na kung ito ay dulot ng polisiya ng pamahalaan. Sa kanilang istorya, ipinagpilitan ng mga banyaga na sakupin ang Sulu na sinimulan noong taong 1578, nang si Capitan Esteban de Figueroa ay lumusob sa lugar. Paulit-ulit na sinubukang gawing alipin ng mga Espanyol ang mga Tausug sa mga sumunod na siglo, at may pagkakataon na gumamit sila ng mga Christianized Indios galing Luzon at Visayas, para kalabanin ang mga mandirigmang Muslim sa Mindanao. 

Tuwing nagpapalitan ng gobyerno sa Sulu, nagkakaroon ng pagdanak ng dugo, na syang nagpapagising sa bulkan ng galit na namuo na sa isipan simula pa sa malayong kapanahunan. Ang halimbawa dito ay ang Bud Daho Massacre noong 1906 at ang Bud Bagsak Massacre noong 1913. Suicide attack lang ang panabla ng mga mandirigmang Tausug kontra sa mas organisado, at mas malakas na pwersa ng mga 'pwersang mapanakop', ang tawag nila sa kahit sinong pwersa ng gobyerno na pinapa-deploy sa lugar. 

Sa taong 1952-1953, nagkaroon uli ng mga madugong bakbakan nang ginamitan ng malakas na pwersa ng gobyerno ang nag-aalburotong si Maas Kamlon, samantalang hindi naman ito nagrerebelde kontra sa gobyerno ayon sa kwento ng mga nakakatanda kagaya ni dating Vice Mayor Marcial Navata ng Luuk. 

Ang istorya ng Jabidah Massacre sa taong 1968, at ang  pagdeploy ng 11th Infantry Battalion noong 1972, ay nagpapaalala sa mga masakit na yugto ng kanilang kasaysayan na kung saan ay maraming nalagas sa kanilang mga kamag-anak na lumaban ng patayan. Kasama sa pinakamadugong labanan ay ang Battle of Sibalu Hill na kinakasangkutan ng Scout Ranger Class 14-72, ng 11th Infantry Battalion, at ang nirerespondehang tropa ng Philippine Marines na naipit sa labanan kontra MNLF sa pamumuno ni Maas Bawang Estino. 

Ito ang klima ng Sulu nang dumating sina Bobords at ang bagong tatag na Molave Warriors (15th Infantry Battalion) noong ika-8 ng Pebrero 1974. 

Dito napapalaban ang mga sundalo na mula sa Visayas kontra sa pwersa ng MNLF na pinamunuan nina Nur Misuari at Talib Congo. 

Ang labanan sa Notre Dame of Jolo

Tumitindi ang labanan sa pagitan ng MNLF at sa pwersa ng gobyerno nang marating ng 15th Infantry Battalion ang loob ng Notre Dame of Jolo, ang eskwelahan na itinatag ng Oblates of Mary Immaculate noong taong 1954 para matulungan ang mga kabataang Muslim sa pagkuha ng edukasyon. 

Butas-butas na mga buildings ang inabutan nina Bobords dahil sa walang tigil na putukan ng magkabilang panig. Marami ang patay na MNLF na nagkalat sa mga paligid dahil naiwan ng mga kasamahan. 

Ang simbahan ay hindi nakaligtas sa nakakarimarim na karahasan. Pinagtataga ng mga kalaban ang ulo ng mga rebulto, at niratrat ang altar at mga imaheng nirerespeto ng mga Kristyano. Nagkaroon ng indikasyon na galit na galit sa Kristyano ang gumawa ng kabulastugan. 

Bitbit ang kanyang Cal 30 M1919 Machinegun at ang kanyang  scoped Cal. 30 M1 Garand, kumuha si Bobords ng magandang pwesto sa first floor ng building ng eskwelahan para makasuporta sa mga kasamahan na napabakbak sa paligid. Ang iba nyang mga ka-batch sa training ay nag-aagawan sa isang malaking puno dahil hindi sila makatawid papunta sa building. Naawa sya sa mga ka-klase na tinamaan dahil nasa ikatlong palapag ang ibang mga mandirigmang MNLF. 

Pinapaputukan nya ang mga kalaban na sumusulpot sa mas mataas na pwesto para barilin ang Molave Warriors sa ibaba. Lingid sa kaalaman ng mga kaaway, nakaumang sa mga mukha nila ang cross hair ng 4-power scope ng M1 Garand ni Bobords. 

Bang! Nakikita nya ang tumitilapon at duguang kaaway. 


Isang bala ang pinadala nyang muli para sa lumabas na tila ay naghila nito papunta sa kabilang pwesto.

Bang! 

"Agay!" "Pisting yawa! Agaaaay! Agaaay!"

Paglingon nya, si Asoki ang nakahawak sa ulo na bakas sa mukha ang sakit na nararamdaman habang inaabot ang dibdib. 

"Naunsa man ka? Naigo ka ba?"(Naano ka? Tinamaan ka ba?)

May naabot si Asoki sa ilalim ng uniporme sa bandang dibdib at itinapon agad ito. 

"Animal ning kinabuhia, nisulod ang imong empty shell sa akong uniporme!"(*#&! na buhay ito, pumasok ang empty shell mo sa aking uniporme!)

Parang napatawa sya na naawa sa kanyang ka-buddy. 

"Aww, sori kaayo uy. Namusil man ko ug kurokongho nga nipatay sa atong mga amigo!" (Yay, sorry talaga. Namaril ako ng mga #&%^! na pumatay sa mga kaibigan natin!)

Sinilip nya sa teleskopyo ang pwesto ng mga kaklase na nasa likod ng puno. Namukhaan nya ang isa sa nakabulagta na duguan. 

"Naigo si Batch Alburo!"Parang naluluha sya dahil kumikisay ito at tila kinakamayan sya para magpatulong. Pero, nasa 100 metro ang layo nila mula sa kanyang pwesto sa building. 

Nakita nya na hinihila si Alburo ng isa pa nyang kaklase na si 2nd Class Trainee Pitogo at 2nd Class Trainee Bucao. Hirap na hirap ang kanyang mga ka-batch sa pagsagip ng kanilang kasamang tinamaan. Kailangan nyang tulungan ang mga kaibigan. 

Sa pagsilip nya sa kabilang building, nakita nya uli ang mga kaaway at nagpatong ito ng isang machinegun sa kanyang pwesto. Sumisigaw ang mga ito habang nang-ratrat sa tropa ng Molave Warriors na tumatawid papunta sa konkretong mga pwesto. 

"Allahu Akbar!" Bratatatatat! Brrrrrrrt! Brrrrrt!

Sa muli, naisentro nya ang kanyang scope sights sa mukha ng kaaway na nasa 150 metro lang ang layo sa kanya. 

Bang! Kling! Ubos ang kanyang 8-round clip. Tumilapon ang gunner ng kalaban at nakita nyang muntik nalaglag ang hawak na baril. Gusto nyang barilin ang kasama nitong humawak sa Machinegun pero wala na syang bala. Nakita nya na ihinarap nito ang barrel sa kanyang pwesto. 

Bratatatat! Bratatatatat! Brrrrrrrrrt!

"Drop!" Sabi ni Bobords sabay tago sa corner ng semento. 

"Cover!"Sigaw ni Lt Yap na pumalit kay Lt Crucero bilang Platoon Leader pagkatapos nitong natamaan sa paa. 

"Butalo! Wa kaigo!"Sinigawan ni Castillo at ni Bobords ang mga MNLF na nasa kabilang pwesto. 

Saktong naka-reload muli si Bobords, sinilip nya uli sa scope ang tatlong kasama na tumatawid para masagip si Alburo. 

Di nya makalimutan ang imahe na bumungad sa kanya. Duguan at tila wala nang buhay si Pitogo at Bucao na sumasagip kay Alburo. 

"Cover fire!"Sigaw nang sigaw si Bobords habang pinaputukan ang mga bintana na pinagpwestuhan ng mga kaaway. 

Nakita nya na tumayo si Pfc Banzon, ang kanyang iniidolong Musang. 

"Irekober ang ating tropang natamaan! Samahan nyo ako!" 

Buong tapang na nanguna sa paglabas sa covered position si Pfc Banzon at sinundan ito ni Pfc Berroya na kapwa nya Musang. Nakita ni Bobords na sumama sa pag-responde si 2CT Castillo at 2CT Flores.

Nakita nyang marami pang bitbit na linked ammo si Castillo na kanyang ammo bearer. 

"Hoy, ibilin nang link sa akong machinegun!"(Hoy, iwanan mo yang bala ng aking machinegun!"

Bang! Bang! Bang! Brrrrrt! Brrrrt! Allahu Akbar!

"Argh!""Agay!"

Nagsisimula pa lang muli ang kalbaryo ng 15th Infantry Battalion (Molave Warriors) sa Battle of Jolo. 

(Sundan sa Part 9)
 





Viewing all 195 articles
Browse latest View live