Marami ang namamangha paano pinagkakasya ng mga sundalo ang kanilang subsistence allowance na mas kilala bilang S. A. (Subsistence Allowance).
Kung susumahin namin kasi, kahit sinong genius sa Math ang mag-kwenta ay hindi ito magkasya kung ihambing ito sa kasalukuyang presyohan ng mga bilihin.
Just imagine, ang daily meal allowance naming mga sundalo ay nagkakahalaga lamang ng P90.00 o P30.00 bawat kainan.
Kung pupunta ka nga naman kahit sa mumurahing restaurant, alaws na atang makitang pagkain na ang halaga ay P30.00. Baka ganito oorderin mo:
"Isang cup na kanin po, ulo ng payat na galunggong, libreng sabaw at dalawang kutsarang ketchup please!"
Anyway, para sa mga sundalo, may diskarte kami para mapagkasya iyang aming kapiranggot na mess. Di kami nagrereklamo hangga't kaya naman talaga. Don't say "Huh???". Yes, mapagkasya namin. Ito ay dahil sa tinatawag na consolidated messing na kung saan ay si Mess Sergeant ang dumidiskarte paano makamura sa pagbili ng mga pagkain sa mga suking tindahan at paano naman nya ito paghati-hatiin sa buong 'sambayanan'.
Dahil sa katitipid namin sa aming mess, merong mga kakaibang menu na halos kami lang din nakakaalam ano yon. Read more.
1. Onse (11). Ano yon? Kapag sinabing Numero Onse o Eleven ang ulam, iyon ay isang kapirasong hot dog na may kapares na isang pirasong tuyo. Kitams?
2. Diyes (10). Bago yan ah. Yes, iyan yong kahalintulad ng isang tuyo at isang pirasong hard-boiled egg. Ipagtabi mo. Kitams? Dies!
3. O-Tin. Hoy, wag green-minded! Ito yong Odong bilang soup at partner ay isang payat na Tinapa. Ipagsama mo ang first syllables ng dalawang ulam, iyon na! Pang breakfast kalimitan ang O-Tin.
4. Pantakbo. Ang labo ba? Ito yong tawag sa ulam na manok kahit ano man ang luto nito. Kapag manok daw kasi ang paulam ni Sarge, malayo ang liliparin! Kung nasa training, malamang 20 kilometro ang abutin sa jogging. Samantala, kung nasa field duty ay malamang merong 2-week long patrol. Kapag manok ang ulam, nagdududa na agad ang mga tropa sa plano ni C.O.
5. Bicol Express. Generic term ito sa mga ginataan ni Sarge kagaya ng langka at kalabasa. Binubudburan nya ito ng siling labuyo para molten lava ng Mt. Mayon ang init na maramdaman. Masiram? No, maharang!
6. Pa-tsam. Ito yong kung anu-anong hitsurang dahon na napupulot ng mga Ilokanong sundalo sa gubat at nilalagyan ng sardinas at sinasabawan. Minsan pako, gabi, alukbati at marami pang ibang tila ay pagkain ng alagang hayop. Masarap din at napakagaan sa bulsa! Savings din sa Mess yong Pa-tsam na menu di ba?
(Note: Yong savings namin sa Mess, hidden secret namin iyon sa aming mga misis!)