Quantcast
Channel: Ranger Cabunzky's Blog
Viewing all articles
Browse latest Browse all 195

The current PMA Honor System

$
0
0



Sa wakas, pwede ko nang ilahad ang kapiraso ng puzzle na makapagpaliwanag sa katanungang bumabagabag sa isipan ng marami nating kababayan: Ano yong akusasyong "irregularity" dahil sa nabagong boto ng Honor Committee na kung saan ay galing 8-1 (Guilty vs. Not Guilty) ay naging 9-0?

Maging ako mismo ay naguguluhan paano nangyaring merong tinatawag na 'chambering' sa Honor Committee trial. 

Ang 'chambering' o executive session kapag may dissenting vote ay hindi parte sa procedures noong aming kapanahunan na kung saan ay minsanan lang ang secret balloting at kung ano ang resulta, tapos na. 

Sa aking nabanggit sa naunang artikulo, nagkaroon ng mga pagbabago sa Honor System pagkatapos ng pag-aaral ng PMA tungkol sa naaakmang procedures na angkop sa kasalukuyang panahon. Hindi naman ito nakapagtataka kasi maging sa United States Military Academy ay nagkaroon din silang mga pagbabago hanggang ma-establish nila ang kasalukuyang sistema ng pagpairal ng mahigpit na panuntunan ng Cadet Honor Code. 

Tanggapin na lang din natin na kailangan din ng PMA ng mga positive changes na naaayon sa pangangailangan ng panahon at ang layunin ng lahat ng ito ay upang maipagpapatuloy ang main purpose nito na mag-produce ng leaders of character na maninindigang gawin ang tama sa lahat ng panahon. 

The current Honor System

Merong malaking pagbabago ang nangyari sa Honor System sa PMA. 

Unang-una, tinanggal ang dati nang nakagawian na 'ostracization' na kung saan ay ang kadeteng pinili ang mag-stay sa Cadet Corps pagkatapos na mahatulan ng Guilty verdict ay binibigyan ng 'cold treatment' ng lahat ng mga kadete. Kapalit naman nito ay marami ang sinubukang sistema kagaya ng 'Remediation' na kung saan ay binibigyan lamang ng touring punishments at re-indoctrination ang mga offenders at hinahayaan silang mag-rejoin sa academy. 

For some reasons or another, nagkaroon din sila ng problema dito at kaya naman napagpasyahan na gawin uling Separation from the Academy ang hatol para sa mga mahatulang guilty sa Honor Committee trial. 

Nagkaroon din ng malaking pagbabago sa sistema ng Honor Committee trial. 

Ayon sa parte ng panayam kay  Colonel Rozzano Briguez, ang Commandant of Cadets, sa Philippine Daily Inquirer, "The procedure agreed upon by all cadets that is followed by the Honor Committee is that in a 7-2 or 8-1 vote, the committee members will go into a jury type executive session termed chambering.”

Dagdag pa ni Col. Briguez: “It is like an additional explanation where all of them would go to the ante room and discuss what are the reasons why they voted guilty or not guilty. This has been their procedure since they started fourth-class year until first year and everybody accepted it conscientiously.”

Ayon sa isang junior officer na dating miyembro ng Honor Committee, walang sapilitan sa isusulat sa secret ballot pagkatapos ng naturang executive session. 

"Pinag-uusapan lamang doon ang mga punto na pwedeng gamitin sa desisyon sa pag-sulat ng final vote na syang pamantayan sa decision ng Committee. May pagkakataon pa nga na naging 7-2 pagkatapos ng chambering at ito ay nirerespeto ng Honor Committee."

Dagdag pa ng naturang opisyal, kapag sa initial voting ay 6-3 (Guilty vs Not Guilty), hindi na kailangan ng 'chambering' ayon sa kasunduan sa kasalukuyang Honor System. 


Tabuada vs Lagura: Who lied?

Ayon sa statement ni Commander Junjie Tabuada, sinabi diumano ni Cadet John Lagura na isa sa miyembro ng Honor Committee member na "pinilit" sya para baguhin ang boto. 

Ito ang parte sa kanyang affidavit na nalathala sa article ng rappler.com:

"When he was about to leave I called him, 'Lags, halika muna dito,' and he approached me and I let him sit down in the chair in front of my table. I told and asked him, 'Talagang nadali si Cudia ah…..ano ba ang nangyari? Mag-tagalog or mag-Bisaya ka?' He replied, 'Talagang NOT GUILTY ang vote ko sa kanya sir,' and I asked him, 'oh, bakit naging guilty di ba pag may isang nag NOT GUILTY, abswelto na?' He replied 'Chinamber ako sir, bale pinapa-justify kung bakit NOT GUILTY vote ko, at na-pressure din ako sir kaya binago ko, sir.' So, I told him, 'sayang sya, matalino at mabait pa naman'and he replied 'oo nga sir.' After that conversation, I let him go.” (I asked him about what happened to Cudia. He said I voted not guilty, sir. I asked, but if you voted not guilty, shouldn't he been acquitted then? He replied: I was put in chambers and was asked to justify my not guilty vote. I was pressured to change my vote, which was what I did, sir.)" 


Sa imbestigasyong ginawa ng Commission of Human Rights ay nag-deny si Cadet Lagura na 'pinilit' syang baguhin ang kanyang boto. 

Hinggil sa naturang usapin, ito naman ay inilahad ni Col. Briguez sa kanyang panayam:

“According to the cadet, it was his own voluntary volition (sic) to change his vote from not guilty to guilty after he heard the explanation of the other members of the voting members of the Honor Committee.” 

Dito na ngayon nagkakaproblema, sino sa kanilang dalawa ang palpak sa ibinigay na statement? (Tabuada vs Lagura)

Ayon kay Col Briguez, si Commander Tabuada ay paiimbestigahan tungkol sa kanyang alegasyon. 

Mga katanungan

Kahit ano pa man ang mangyayari sa imbestigasyon ng PMA tungkol sa affidavit ni Commander Tabuada, meron pa ring natitirang tanong na dapat mahalukay:

1. Sino ang miyembro ng Honor Committee ang nagsiwalat ng mga sensitibong dokumento sa media? Sila lamang ang may access sa naturang documents kagaya ng Affidavits, Delinquency Reports, Honor Report at ang Written Appeals ni Cudia. Gusto mong sabihin Ms Avee Cudia?

2. Sa tinagal-tagal ba ni Cudia sa PMA at bilang isa sa mautak sa klase, talaga bang hindi nya alam na may sistemang 'Chambering' o 'Executive Session'?

3. Sino ang nagsabi kay Ms Avee Cudia sa mga half-truths tungkol sa 'Executive Session'? Ang naturang trial ay para lamang sa mga kadete at never na isinasapubliko dahil sa ayaw ng PMA na mapahiya ang akusado. May dagdag-bawas ang kanyang impormasyon, as expected.

Conclusion

Para sa akin, paninindigan ko rin ang aking paniniwala na si Cadet Aldrin Cudia ay nagkasala ng 'Lying' sa Honor Code. 

Ako rin ay naniniwala na ginawa ng Honor Committee ang tamang proseso ayon sa kasalukuyang alituntunin ng Honor System na syang gabay sa ginawang trial kay Cudia. 

Kung ang kasalukuyang Honor System ay hindi naaayon sa Constitution at kung nalabag ang mga karapatan ni Cudia, ang naturang usapin ay mas mabuting i-resolba ng Supreme Court na syang final arbiter sa mga usaping may kinalaman sa batas. 

Ang pinakaimportante sa lahat, dapat ding tandaan na ang Honor System ay para lamang sa kadete ngunit ang Honor Code ay dapat naming isapuso at panindigan sa panahong sumali na ang mga bagong opisyal sa Armed Forces of the Philippines. 


Kung ikaw ay honorable o hindi, sa panahong makasalamuha mo na ang mga iilang tiwali at pasiga-siga na mga makapangyarihang mga nilalang, doon magkakasubukan at magkakaalaman. 


Mahirap ang laban pero kapag mag-sama sama tayo na gumawa ng tama, kayang-kaya nating bigyan ng pag-asa ang ating bansa. 



Viewing all articles
Browse latest Browse all 195

Trending Articles